"Your a- ... your arms. Pfffft." Medyo parang pinipigil niya lang yung sarili niya. Parang natatawa siya na ewan.
Pagtingin ko... "Ah! Hahahaha! Oo nga." Shit nakayakap pa pala. "Ah, ano, tara na nga!" nauna na ko tsaka nagmadali. Este tumakbo. Feeling ko namumula na yung muka ko.
Pumasok agad ako sa loob ng classroom. Science pala yung subject. Paglingon ko nakatingin lahat sila sakin, saamin. Mabilis pala tumakbo si Sheyn. Kami na lang din pala yung wala sa upuan. Although, hindi naman kami late? Eh bakit todo titig?
"Ehem." sumingit si Mr. Alejandro. Matanda na siya pero feeling baggets pa rin. Modern style yung pakikisama niya sa students unlike ng ibang matandang teachers na masungit at strikto "Ms. Lopez, Mr. Cruz." hindi ko mabasa yung expression niya.
Eh, ako nanaman ba magsasalita? Sana naman magsalita si sungit para samin kahit ngayon lang.
Habang tumatagal parang lokohan na. Ano yun? Parang nakangiti na bigla silang lahat. Anyare dito? Set-up? May mga naririnig na rin akong hagikhik galing sa iba ko classmates. Nakita ko si Yna na nakatingin sakin at naka thumbs up at nakangiting mapangasar. World! Anong meron?
Habang tumatagal umiingay na rin at may mga bulung-bulungan na. Di nag tagal may mga ilan na nagsisigawan na tapos nadagdagan pa ng mga sumisipol.
"Shhhh. Everyone, give me complete silence." kinakabahan ako dito ha. Pano kung....
*Imagination starts here
"Shhhh. Everyone, give me complete silence, Ms. Lopez and Mr. Cruz, since kayo ang pinakalast na dumating, you two will clean the toilets for 3 weeks."
"Pero sir!--"
"No excuses!"
*Imagination ends
Waaah! Ayokong maglinis! Pero bakit nga naman pala kami paglilinisin? Anong connect nun sa science? Haha! Ay tongaks ko talaga. Malamang hindi naman kami gaganunin ni Sir. Teka, eh pano naman kung...
"Imagination Starts here
"Shhhh. Everyone, give me complete silnce, Ms. Lopez and Mr. Cruz, since kayo ang pinakalast na dumating, you two will be assigned to check our school's herbal garden everyday and see kung meron ng improvements. And ofcourse, you're suppose to sweep dried leaves too."
"Pero Sir!--"
"No excuses!"
*Imagination Ends
Ayokong maglinis sa herbal garden! Balita ko maraming mumu don! Waaaah! Ay teka, wala din palang kinalaman yun sa science. Hahaha! Malamang hindi rin yon. Eh ano? Back to reality na nga ako...
"So, Miss Lopez and Mr. Cruz. I've discussed this with the class a while ago. I know I must explain further pero didiretsuhin ko na. Isa sa inyo ang magiging president ng class na 'to, meaning kayo ang magaasikaso ng mga dapat ayusin, the responsibility is with you. Wala ng gustong umako ng pwesto dahil sa dami rin ng gagawin, besides kayo din ang top student sa klase ko. But the problem is, nagta-tie kayo ng number of votes. Dapat isa sa inyo ang manalo. What do you think?"
"Sir, sa tingin ko po mas okay kung kay Sheyn niyo na lang po ibibigay yung pwesto. Dapat na man po siguro maiba naman. Madalas na po kasi akong nagiging class president sa iba pang subject."
"Do you agree with that Mr. Cruz?"
"Sir, I don't think that'll be okay either. Like what she said, madalas na siyang nagiging pres. ng ibang subjects. She has more experience compared to a new student like me."
Eh? Bakit ba ayaw niya? Siniko ko siya. At siniko din ako pabalik. -_-
"Hmm... Sa tingin ko mas magiging madali 'to kung gagawin na lang nating sapilitan since wala namang may gusto." Anong sapilitan? Whaaaat? "Class who do you think would fit the position?"
YOU ARE READING
Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)
Fanfictionwag mo ng basahin, mafee-feel ewan ka lang i swear. hahaha
Chapter 15 ~ Slavery Contract
Start from the beginning
