1: Sweeter than Sugar

Start from the beginning
                                    

"Asar ka talaga Bii. Haha" bulong sa akin ni Bey ko.

"Hahaha! Siyempre! Akin ka lang e." natawa na lang siya sa sinabi ko.

Pagkadating namin sa stage, humarap kami sa madla. Hahaha! Laughtrip mga mukha nung mga babae dito! Lalo na yung mga papansin kanina na malapit sa akin?! Ayun! Nganga sila! Hahahaha

"Sa mga inaway nitong babaeng to kanina, pasensya na." halla! Bakit siya nagsosorry? Sus! "Ito nga pala si Kath, girlfriend ko." waaaaaa! Ang sarap sa feeling na sabihin niyang girlfriend niya ako!

"Whaaaat?!" "Weh?! Joke ba yan?!" "Bakit siya pa?!" "Ang pangit!" "Letse! Nilandi lang niyan si Daniel e!" "Baka pinikot?!"

Mga letseng to! Like duh?! Ako nauna sa inyo no! Hindi pa man kami pinapanganak, naka takda na kaming maging mag asawa in the future! Ako nag takda, kaya alam kong magkakatotoo! Mga bwisit na malalanding to!

I heard him giggled, "Girls, alam kong tutol kayo. Pero wala e, mahal ko tong makulit na to." yiiiie! Automatic na nag lighten yung mood ko!

Ain't he sweet? Ha! Ako lang meron niyan! Hahahaha

Matapos ang sweetest announcement ever, ayun exit na kami. Tapos na din naman yung show niya e. Hahaha. Ang saya saya saya ko talaga! Sobrang pinakilig niya ako ng bongga!

"San mo gustong pumunta ngayon Bii?" nasa sasakyan niya kami ngayon. Ewan ko ba kung bakit yan ang tanong niya e 2 am na.

"Bey, wala ba tayong balak matulog ngayon? Forever gising na lang ganon?"

Tumawa naman siya. His laugh is so amazing!

"Ikaw talaga Bii. Ano na? Gusto mo nang umuwi at magpahinga?" tumango ako. Pagod na din naman kasi ako e. "Alright then, you're the boss."

Nagmaneho naman na siya papuntang bahay. Ay nako! I'm sure dun na naman yan matutulog. Sina mama naman kasi, peyborit siya. Aba! Parang ako yung hindi anak e.

I unconciously smiled. Parang dati lang kasi, puro sakit at misteryo yung naranasan ko. Yung tipong parang nagkabuhol buhol na yung buhay ko. Pero ngayon? Worth it lahat ng naranasan ko. With Daniel, life is worth living for. :)

"Ano ba naman yan. Kasama mo na nga ako, iniisip mo pa din ako? Abusado." nabalik ako sa earth nung marinig ko yung boses ng taong mahal ko. Hihi. Kanina pa pala kami nakarating dito sa tapat ng bahay.

"Aba loko. Ikaw nga diyan ang abusado e. Kailan ba ako natanggal sa isip mo ha?" siyempre, kahit na mahal ko tong lokong to. Hindi pa din dapat ako matalo sa usapan. Hahahaha

"E ikaw, pinuno mo naman ng posters, albums, dvds at kung anu ano pang tungkol sa akin yung kwarto mo." inirapan ko naman, "Aminin! Hahaha" 

"Tsk! Oo na nga! Ikaw na panalo! Letse!" 

"Suuuus! Tampo ka pa e. Ikaw naman ang panalo sa puso ko." automatic na nag change ang mood ko. This guy really knows how to make me smile. He really is something, ayt? "Ayun! Nag smile ka din! Lumiwanag na naman ang mundo ko!" tuluyan na akong natawa.

Kiniss ko naman siya sa cheeks niya, "Love you Beyyyyy!" bumusangot naman siya, "Bakit? Hindi mo na ba ako love?" 

"Ha? Kailan naman nangyari yun?" 

"E kasi di ka nag I love you too. Hmp" 

"Tanong ba yun?" 

"Tsk!" binuksan ko na agad yung pintuan ng kotse niya at lumabas, "Letse! Bahala ka sa buhay mo! Chupi!" 

Tumalikod na ako at nung bubuksan ko na sana yung gate namin, naramdaman ko naman ang pag yakap niya sa akin at paghalik sa pisngi ko.

"Wag na mag tampo bii. Hindi ako sumagot kasi 'love you' lang naman yung sinabi mo. Aba! Sinong tinutukoy mong nag mamahal sa akin kung walang 'I'? Sabihin mo nga." yumuko na lang ako. Oo nga pala. Ayaw niya pala pag kinukulang ako ng kahit isang letter sa pag sabi ng I love you.

Humarap ako sa kanya. "Ang arte mo talaga bey." 

"Mahal mo naman."

"Kaya nga, mahal ko naman. Hahaha. Sige na bey. Uwi ka na. Baka umagahin ka e. Ingat ka ha? I love you." hinalikan ko naman siya sa lips.

"Dito na lang ako matulog?" umiling ako, "Sige na?" tinignan ko siya ng masama, "Fine fine. Uwi na ako. Tulog ka na ha? Wag mo na akong masyadong isipin para makatulog ka ng maayos. Baka kasi kiligin ka lang e. Di ka na makatulog. Hahaha. I love you bii, forever." 

I pinched his nose, "Loko. Walang forever. Word lang yan." 

"Wala ba? O edi ipa uso natin! Problema ba yun?" 

"Kulit mo talaga!" ginulo ko naman yung buhok niya, "Uwi ka na nga. Mag ingat ka ha? Tanga ka pa naman." 

"Ang sweet mo talaga!" ngumiti naman siya at hinalikan ulit ako, "O sya, aalis na ako. Bye bii! I love you talaga. Wag ka sanang mag sawang pakinggan yung I love you ko." 

"Opo. Bye." 

Ganito kami parati, hirap mag paalam sa isa't isa. Wala e, mahal talaga namin ang isa't isa. E bakit naman hindi diba? Matagal ko siyang pinangarap. Ngayon naman, abot na abot ko na siya. Papakawalan ko pa ba? Siyempre hindi! Ano ako, tanga?

Hinintay kong maka alis yung sasakyan niya bago ako pumasok. Past 3 na pala. Ganun kami katagal nag landian? Hahaha. Ang sweet talaga namin. Yeah, I know.

Forever? Gaano nga ba katagal ang salitang yun?

Pag ba nagkatuluyan ang dalawang nagmamahalan?

Pag nalagpasan nila ang mga problema?

Pag kinasal sila?

Hindi. Ang forever, nangyayari lang yan habang nagmamahalan pa ang dalawang tao. Endlessly. Infinite. Hindi nagtatapos. Walang katapusan. Dahil ang forever, nag eexist lang sa dalawang taong never nag give up kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon nila. Na kahit madaming epal na pipigil sa pagmamahalan niyo, ipaglalaban niyo pa din. Magtutulungan kayong mapanalo ang laban na simula pa lang e pinangako niyo na sa isa't isa.

Walang iwanan.

Pero ang tanong lang naman diyan... makakaya ko nga kayang panindigan ang forever na ipinangako namin sa isa't isa? O ako ang unang susuko sa aming dalawa? 

***

What'ya think of the pers chapter? Hihi. Sana magustuhan niyo. <3

Dedication for next chapter? Make me smile. :)

His ForeverWhere stories live. Discover now