Chapter 32

81 4 2
                                    

Date Updated: May 28, 2014

A/N: Nag-update ako kasi one year na kong member ng Wattpad. :)

--

Chapter 32

"Wui! Di ka na namamansin aa." Napalingon ako sa taong kumakausap sa'kin. Matagal ko na din pala silang hindi nakakabonding. Naging busy kasi ako these past few days sa, *sigh*, you know, pag-iisip sa kanya. Guess it's better not to say his name huh?

"Yow! Musta?", ang nasabi ko na lang. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Okay naman. Pero ikaw? Mukhang malalim iniisip mo these past few days aa. Absent ka pa kahapon.", saad niya.

"Actually, Jenjen, nilagnat kasi ako nung isang araw. Buti nga natapos ko yung klase eh. Tas pinagpahinga naman ako ni Fritz kahapon para di daw ako mabinat." I said at nginitian siya.

"Ah... Okay ka naman na ngayon?", tanong niya na may halong concern. Ito talagang babaeng 'to! Nakapagpahinga naman na ako kahapon kaya okay na ako ngayon!

"Oo naman." I sweetly smiled at her again.

Nag-usap na lang kami sa mga kung anu-anong bagay. I missed talking to her. Siya yung isa sa mga bestfriends ko this college. Magkaklase kami last sem. Actually, we formed a group, 'T.H.E. Group' kung tawagin. Walang meaning yan. We just spelled it para hindi naman 'the group' lang ang tawag sa'min. Hahaha! Ewan ko ba kung sinong may bright idea niyang pangalan na yan.

Pero by the way, the one I'm talking to is Jennyrose Magno. Jenjen, for short. Siya yung taong palangiti kaya 'the smile' ang tawag sa kanya. We talked about a lot of things. Kasama yung pambubully niya kay Angie which is one of our close friends. Ang dami ko ngang tawa kasi kung anu-ano na namang plano ang naiisip nang babaeng ito!

Nagtatawanan kami ni Jenjen nang bigla na lang may umeksenang palaka. Joke! Mahilig kasi siya kay Keroppi kaya palaka tawag ko sa kanya.

"Uy Ash, kamusta na? Long time no talk aa?"

"Hoy, FYI, nag-uusap tayo!"

"Pero di katulad ngayon na nagtatawanan. Ikaw kasi masyadong madrama! Bawas-bawasan mo nga yan! Puro ka Achi!"

Napayuko ako sa sinabi niya. Yung taong 'to, masyadong prangka kaya minsan nakakahurt ng feelings. I just breathe hard at humarap sa kanya then I smiled at her saying, "Okay na ako. Promise! Di na ko magdradrama." Then I smiled again. Ayoko muna ng bad vibes ngayon. Ang ganda ng umaga ko eh.

"Hephep! Anong meron dito?", singit naman ni Yanyan sa usapan. Si Yanyan, siya si Arianne Mojal. She's the 'the pep' of our group. Pep kasi kasali siya sa cheering squad before it disbanded. Yung palaka pala, si Steph Failanga yun. Siya naman ang 'the moody' namin. Prangka na nakakasakit pag nagsasalita tas moody? Ang ironic ano? Pero teka? Kulang kami ng isa aa?

"ASHAAAAA! Oh my gosh! You're back! I miss youuuuu.", sabi ni Renren habang niyayakap ako. "Okay ka na ba? Namiss talaga kita!" Then bumitaw na siya sa yakap. Siya naman si Rene Balauro. Ang founder ng 'T.H.E. Group'. Tinatawag niya ang sarili niya as 'the navi-GAY-tor'. You read it right. Bakla po siya. So I think kumpleto na kami?

Hmm... Chapter 32 na, ngayon pa lang nagkaroon ng ganitong introduction? Anong trip ni author at ngayon lang ito nilagay?

Siguro kasi dati focus ako sa iisang tao lang... Hindi ko na nakikita yung ibang taong nagmamahal sa'kin. Yung mga kaibigan ko. Yung tipong akala ko, ako na lang mag-isa, yun pala, marami pa palang tao na handa akong tulungan no matter what. Marami pa sila. I just don't appreciate it before.

Napatawa ako bahagya. "Kumpleto tayo aa?"

"Trueee!" -Renren

"Gala tayo mamaya! Namiss ka na namin eh." -Yanyan

Mukhang excited na excited silang lahat. Napangiti na lang ako habang nakikinig sa kanila.

"Ay, isama natin si Angie at Lyn." -Jenjen

Nakita ko ang evil smile ng babaeng yan. I knew it! May balak na naman 'tong masama kay Angie!

"Hoy hoy! May balak ka na namang masama no?" I said facing Jenjen.

"Wala aa! magbobonding lang tayo.", depensa naman niya.

"Oo nga. Bonding tayo after class." -Renren

Nag-usap-usap lang kami at nagtawanan na parang wala ng bukas. Grabe! Ang sakit ng tiyan ko sa mga 'to.

"Andiyan na si Ma'am!", sabi ng lookout namin kaya nagsibalikan na sa upuan yung mga classmates ko pati sina Steph, Renren, Jenjen at Yanyan.

"Sige Ash! Mamaya ulit aa?" -Steph

"Sige!" I smiled at her.

Dumating na ang prof namin. Last class ko na 'to at mamaya, gala na. Ang saya!

**

"Kain tayo!", pagmamaktol ko sa mga kasama ko.

"Mamaya na. Ang atat mo!", sabi ni Steph sabay batok sa'kin. Ayos 'to aa? Binatukan ko nga pabalik.

"Aray naman Ash. Sakit nun aa!" Ayan napapala mo, batukan daw ba ang isang magandang nilalang na ako. Woooh! Hangin!

"Binabalik ko lang yung batok mo. Masarap kasi eh. Syempre, para matikman mo naman. Masarap no?", sarcastic kong saad sa kanya. I can't help but laugh. Pati sina Jenjen, Renren, Yanyan, Angie at Lyn natawa eh. HAHAHA!

"Ang sama mo talaga." Si Steph ang nagsabi nun with her matching death glare. Baka matakot ako? Ako pa?

"Lalo kang pumapangit. Hahahahaha!" I said. Bakit ba trip ko mang-asar ngayon? Well, sabi ko, no bad vibes today kaya dapat laging happy!

"Uy, may gwapo oh!" Si Renren naman yun. Napalingon naman kami sa direksyon na nginunguso niya. Grabe talaga! Ang lakas ng wifi nitong baklang 'to!

"Ayun pa!", sabi naman ni Yanyan. Isa din 'to sa pasimuno sa paghahanap ng gwapo eh. Grabe. Makakain ba 'yang mga gwapong 'yan? Gutom na ko!

"Makakain ba sila?", tanong ko naman sa kanila.

"Cannival ka na Ash? Nako, lumayo tayo.", sabi ni Angie habang nalayo sa'kin kaya natawa sila. Loko 'to aa! Binatukan ko nga. At saka, sadyang gutom lang ako kaya kung anu-ano nang sinasabi at iniisip ko. Anong magagawa ko? Gutom nga kasi ako!

Biglang kumalam ang sikmura ko kaya natawa sila lalo. Ganun talaga pag gutom na gutom na, rinig ang pagkalam ng sikmura.

"Sige na nga. Kain na tayo. Kawawa naman si Ash. Ngayon lang natin nakasama tas gugutumin pa natin." -Renren

"Love na love mo talaga ako no?", pagbibiro ko sa kanya.

"Yuck! Di ako tibo no! Eww!", sabi niya with actions na nandidiri.

"Ewan ko sa'yo!"

Nakarating na kami ng Mcdo. Syempre, tig-fififty lang ang abot ng budget namin kaya dito kami kakain. Di namin afford ang mamahalin.

Ako ang unang umorder kasi di ko na talaga matiis ang gutom ko. Isang chicken fillet, Coke float, hot fudge sundae, large fries at McSpicy lang ang binili ko. Nabayaran ko pa naman kaya okay lang. HAHA!

"Takaw mo Ash!" -Angie

"Halimaw!" -Steph

"Gutom ako!", sabi ko sa kanila. "Una na ko aa.", dagdag ko pa.

Naghahanap-hanap ako ng mauupuan nang may nakita akong pamilyar na mukha. SOBRANG PAMILYAR TALAGA. Nakita kong nakikipag-usap siya sa isang babae. Huminga ako ng malalim at hindi hinayaan ang sarili kong umiyak. Kaya pala, kaya pala iniwan niya ang BESTFRIEND niya dahil may girlfriend na siya.

I am Denial [TO REVISE]Where stories live. Discover now