Chapter 24

91 4 1
                                    

A/N: This is a very special chapter. Dedicated to sa lahat ng umaaway sakin. :) Okay lang na awayin niyo ko, MAGANDA PA DIN AKO. xD Push ko to. Happy April Fools' Day! :)

Date Published: April 1, 2014

--

Chapter 24

"Ouch." sabi ko nang may nakabangga ako. Nahulog pa cellphone ko! Sheeet! CP ko!

"Sorry." sabi ng isang mala-anghel na boses na babae.

"De. Okay lang." sabi ko habang kinukuha ang CP ko na nahulog. Ang dami niyang pinagdadaanan. Sana buhay pa siya! CP KO! Huhuhuhu. :(

I suddenly froze in horror nang makita ko kung sino yung babae. Kahit siya nagulat din.

Then she looked at me from head to foot and raise her brows.

"Di ba ikaw yung ex ng boyfriend ko?" Aba! Ang mala-anghel na boses ay naging demonyo. So scary!

"Sinong boyfriend?" nagkunwari akong walang alam para mabwisit siya. That's how I play the game, girl!

"Andrei. Andrei Perez. Don't tell me di mo siya kilala?" then she raised her brows again.

"Kilala ko siya. Pero ikaw? HINDI KITA KILALA." ABA! Hindi ako papalag sa babaeng to! Mas lamang lang siya ng konting paligo pero mas maganda pa din ako! At mas mataray sa kanya! Hmmmft!

"I don't care! Just don't go near him!"

Hala te? Anong pinaglalaban neto? Magsama sila! Inaano ko ba sila? Masaya na ko ngayon no! Wala na kong problema. Wala na kong iniintindi. TAPOS SUSULPOT SIYA at kung anu-ano na lang sasabihin sakin? YUNG TOTOO?!

"Okay..." I slowly walked away from her when she pulled my hair. NAK NG! Naghahanap ba siya ng away? Nasa school grounds pa kami aa? Really? Maganda record ko sa Students' Affairs kaya hinding-hindi ko sisirain yun. At isa pa, hindi siya taga rito! DAYO LANG SIYA! Don't she dare ruin my crowning glory.

"Wag kang bastos! Kinakausap pa kita!" Then she pulled my hair tighter. Masakit na yun aa! Nakakairita na! Konting timpi pa, masasapak ko na to.

"Ako pa ngayong bastos huh? Ano bang ginawa ko at inaakusahan mo ko ng bagay na di ko ginawa huh? Sayong-sayo na boyfriend mo!" sabi ko sa kanya. KAFRUSTRATE AA? Kala mo naman gwapo ni Andrei eh! Nagsisisi na nga akong naging boyfriend ko yun! Err!

"Aba! Nasagot ka pa!" then she started harrassing my hair. Aba! Leche to aa! Amft. Galawin na niya lahat wag lang buhok ko! Lalaban ako!

I was about to pulled her hair also when somebody stopped us.

"Kiara, ano ba?!" a familiar voice said. "Nasa school ka namin! Mahiya ka nga."

Naghahabol ako ng hininga ngayon habang inaalalayan ako ni Achi. I am very thankful that he came here.

"Asha. Okay ka lang?" sabi niya sakin while facing me.

I just nod at his question.

"Ayusin mo na yang sarili mo, mukha kang bruha. Hahaha."

Kinuha ko na yung suklay ko sa bag ko. Nakita ko si Andrei while caressing Kiara. Titigan daw ba ko ng masama ng witch? Hmft! Bagay nga sila. Eww couple.

"Okay ka lang babe?" Andrei asked his girlfriend.

"Hindi. Yan kasing babaeng yan," turo sa akin, "sinaktan ako!"

"Ako pa huh?" sabat ko sa usapan nila.

"Shh." sabi ni Achi. "Tara na nga."

**

"Ang basagulera mo pala Asha!"

Nandito kami ngayon sa foodcourt ni Achi. Kanina pa niya ko inaasar na basagulera ako. Sipain ko siya eh!

"Tigilan mo nga ako!" nakapout kong sabi sa kanya. I was really frustrated kanina. Ikaw ba naman sabunutan ng ganun? Tsk. SYEMPRE LALABAN KA. Kung wala lang talagang umawat samin, malamang, lalong pumangit yung babae.

"Ano ba kasing nangyari? At sinabunutan ka nun? Buti walang nakakita sa inyo. Hahahaha! Kundi, SAO ka niyan!" tignan mo to! Inaasar pa ko! Kainis!

"Eh, hindi ko nga din alam eh. Kainis yung panget na yun! Witch! Kala mo ganda ganda eh! Mas maganda pa nga ako!"

"Easy. Easy."

"Easy? Moral support na yan?"

"Oo eh. Yun lang kaya ng budget."

"Thank you lang!" inis kong saad sa kanya at batok.

"Batok pa aa?!"

"Sorry na. Ikain mo na lang yan bes."

"Bes?" pagtataka kong tanong sa kanya. Ano kayang trip neto at tinawag akong bes? Bes? As in 'bestfriend'?

"Ayaw mo?"

"Bakit?"

"Ayaw mo ata eh."

"Bakit nga?"

"Sige wag na lang. Ayaw mo atang bestfriend ako eh. Di mo ba naaalala yung kanina?"

Oo nga pala. Tinawag ko nga pala siyang bestfriend kanina. Hehe. Ang ulyanin ko na. XD

"Ang drama mo! Oo na, bestfriend na kita!" sabi ko. Kasi, parang bestfriend ko na din naman talaga siya eh. :)

"Yun!" then he hugged me. So niyakap ko na lang siya pabalik. Wala naman sakin yung ganto pero... Bakit ganun? Hmm... Yaan na nga.

Bumitaw na siya sa yakap at nginitian ako.

"Tom's world?" asked Achi.

"Yoko. I wanna go home na."

"Pag nasabunutan, naEnglish? HAHAHAHA!"

"Seryoso ako." at tinignan ko siya ng matalim. Ayaw mo pang maniwala aa?

"Osige. Hatid na kita sa sakayan bes."

**

"Shet." napamura talaga ako sa nakita ko. Kapag minamalas ka nga naman oh!

"Bibig mo bes." saway sakin ni Achi.

"Tignan mo kasi!" sabay turo sa nakita ko.

"Ano naman? Pakita mong masaya ka! Wag ka papaapekto!"

"Eh, baka sabunutan na naman ako eh!"

"Nandito naman ako eh. Wag ka mag-alala." at ngumiti ang loko.

"May plano ako!"

"Akala ko ba uuwi ka na?"

"Nagkaroon ako ng bright idea no! Tulungan mo na lang ako! Tara na." sabay hila kay Achi para sundan yung ex ko at gf niya. Makapagtrip nga. Wahahahaha! Akala nila! Hmmft!

"Anong plano mong gawin?" bulong niya sa'kin.

"Manahimik ka na lang diyan. Ako bahala."

I am Denial [TO REVISE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon