["Eh nak..."] Napakunot ang aking noo. Mababakas kasi ang pag kabahala sa boses nito, which is not normal.


"May problema po ba?"


["P-pwede bang huwag mo munang bilhin yung bahay? Ano kasi... nalubog kami sa utang ng Papa mo."]


"Utang? Magkano ba?"


["Dalawang milyon nak."]


Beat.


"Po!? Dalawang milyon!?" Wala sa sarili akong napatayo at lumikha ng ingay , dahilan upang mapatingin sa akin ang iba pang mga empleyado dito. I clung tightly to my phone and breathe heavily. "Bakit naman ho gano'ng kalaki at bakit ngayon n'yo lang sa akin sinabi!?"


Kumalma ka Lina, magulang mo pa rin 'yan. Huminahon ka at kausapin sila ng matiwasay.


But still how?


["Eh nak, ang Papa mo kasi naloko sa Casino. Noong una, puro panalo, tapos... t-tapos kung kailan tumataya na ng malaki, saka sunod-sunod ang talo. K-kaya aksidente niyang nai-sangla ang bahay at ang ilang lupa natin."] naiiyak nitong paliwanag.


I slowly fell down to my seat at napahilamos nalang sa aking mukha.


"K-kailan ho ba ang d-due date ng bayad?"


["After three months 'nak. Pasensya ka na, eh ang Papa mo kasi hindi malubay sa bisyo eh. Pinipigilan ko naman pero ayaw paawat."]


Putangina haha.



Ilang segundong nanatili ang katahimikan sa aming pagitan. I can't find any words to say that wouldn't sounded rude and disrespectful. Two million is not a good joke for Christ sake. With my current salary, it wouldn't enough to pay their debts in three months.


I need to think. This problem wouldn't be solve kung puro usap at patwad lang aking maririnig.


I took a deep sighed and bite my lower lip.


"Gagawan ko ho ng paraan." pabulong kong giit.



["Catalina, pasensya ka na at ako na ang humihingi ng tawad---"] I didn't bother to finish her sentence anymore and just dropped the call.


Kahit ata i-declutter ko lahat ng aking libro at mga mamahaling gamit sa bahay ay hindi pa rin ito sasapat sa dalawang milyon. Dapat ko na din bang i-declutter ang kaluluwa ko?



Since I already lose my appetite, I decided to go back in our office and spend all of my working hours by just thinking where should I get that huge amount of money. Hindi ko naman pwedeng i-asa sa mga kaibigan ko ang problemang ito dahil malaki na ang naitulong nila sa akin, nag aaral pa lamang ako ng kolehiyo.

Stuck En Strings (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon