Pero ang pinaka kakaiba sa lahat ay itong aking mga mata dahil kakaiba ang kulay niya, emerald green ang mga ito. Minsan nga tinanong ko nga sa tatay ko kung foreigner ba ang nanay ko. Natawa lang naman siya. Hay, grabe talaga kahit kailan si itay.

Iginala ko na ang aking paningin para tignan kung may mauupuan ba ako at may nakita ako kaya lumapit na ako doon para umupo pero mabilis na ipinatong nung babae iyong bag niya sa may bakanteng upuan at sinabing "Ow sorry, naka-reserve na kasi e." Maarteng sabi niya. Kaasar! Kaya naghanap ulit ako. Nakakahiya na kasi pinagtitinginan na ako ng mga nandito.

And yun sa wakas may nahanap ulit ako. Nang lalapitan ko na ito ay napahinto ako dahil doon sa tabi ng silyang nakita ko ay iyong nakakainis na lalaking hindi man lang ako tinulungan kaya medyo nagdalawang isip pa ako pero nakakahiya na kasi e nakatayo lang ako rito kaya nagpasya na akong umupo.

Hinila ko iyong silya para magkaroon ng space sa pagitan namin saka ako umupo. Hay! Salamat nakaupo na rin ako sa wakas after ng sobrang lakad ay nakaupo na rin. Pero biglang may asungot na nagsalita sa tabi ko.

"Why are you always daydreaming? You look stupid." Ayan nanaman iyong cold at seryosong boses niya. At teka anong sabi niya? STUPID? Aba't e kung upakan ko kaya to? Kaasar! Hinarap ko naman siya at gulat ako dahil nakatingin siya saakin. And woah! Ang gwapo niya. Kahit na naka-suot siya ng eyeglasses ay makikita pa ring gwapo talaga siya. Lalo pa't natatakpan ng bangs niya yung kaliwang mata niya. Iyong buhok kasi niya ay parang k-pop na uso ngayon at alam niyo na yun. Emo lang ang peg? Maputi rin siya at bumagay sakanya ang suot niyang polo na checkered ang design.

Pinagmasdan ko talaga iyong mukha niya lalo na iyong mata niyang maganda dahil kulay brown talaga siya.

"See, you're daydreaming, and this time it's about me." Sabi nito ulit kaya nagulat ako sa sinabi niya kaya napaiwas ako kaagad ng tingin at nakinig na lang kay Ma'am. Grabe pala talaga itong lalaking 'to e feeling din pala.

Hindi naman na siya nagsalita at nagpatuloy na lang ang aming klase. Naging busy na lang ako sa pakikinig.

Then, matapos ang ilang oras ay nag-dismiss na rin si Ma'am. Gulat ako dahil mabilis na nilampasan ako nung lalake saka siya lumabas. Pero infairness kaninang may recitation agad-agad. Magaling siya. English spokening talaga. Bongga! Siyempre hindi naman ako nagpatalo dahil nakakasagot din naman ako kanina sa mga tanong saakin.

Tumayo na ako at kinuha yung gamit ko't saka lumabas ng kwarto. Naisip ko naman si Cheyenne at siguradong tapos na rin ang klase niya.

Ilang minuto lang ay tumunog itong napakaganda kong cellphone nang pag kalakas-lakas. Tumingin tuloy iyong mga estudyante sa direksyon ko't nagbulungan.

Inilabas ko naman sa bulsa ko iyong mamahaling Nokia 3310 kong with matching lastiko at may mga nakadikit na scotch tape pa. Wahaha! Wala kayo nito dahil pwede niyo nang ibenta ito sa antique shop at hindi lang yan dahil hindi ito pagkakainteresan ng mga magnanakaw. Wala iyang mga iPhone niyo rito. Tibay kaya nito. Bigay rin ni itay 'to noong mag-graduate ako ng high school para lang may magamit ako. Hay, itay lalalabs niyo talaga ako.

Tinignan ko kung sino ang nagtext at Si Cheyenne pala iyon. As if may iba pang magte-text saakin bukod sakanya at sa ibang kakilala namin sa Barangay namin.

"Psst...kain tayo. Vacant na." Iyon ang text niya. Oo pala vacant namin mayang 1:00 pm pa next class ko at 10:15 pa lang naman.

Tetext ko na si Che ng may sumunggab saakin sa likod. Inis na tinignan ko siya walang iba kundi si Che. Tss. Salubong ang kilay na tinignan ko siya.

"Hihi! Peace tayo Cielle v^_-v lab yu." Nakangiting sabi niya.

"Tch. Alam mo bang itetxt palang kita? Teka, paano mo nalamang nasa hallway ako rito sa main building?" Takang tanong ko.

"Kaya nga! Nandito ka sa hallway at malamang malakas ang echo rito at dahil sa sobrang lakas ng ringing tone ng iyong antique na cellphone, ayun rinig hanggang labas. Ahahaha!" Nang-aasar na sabi niya sabay tawa niya. "Pwede sa susunod i-silent mo yan. Paano kung nasa room ka?" Dagdag pa niya habang tawang tawa siya. Kaasar talaga 'to.

Nang akmang iiwan ko na siya ay hinawakan niya iyong braso ko.

"Hihi! Hoy Cielle, joke lang yun. Alam ko naman na mahalaga yan sayo. Sorry na." Natatawang sabi niya.

Inirapan ko na lang siya. Tapos naglakad na kami.

"Uy kain tayo sa cafeteria. Tara!" Saka niya ako hinila.

And After a millenium... sa wakas at nahanap na rin namin itong buset na cafeteria'ng ito. Napakalawak ba naman nitong school. Hanep!

Pumasok na kami sa loob at WOW! Sobrang lawak din nito. Centralized aircon pa. Made of glass ang dingding kaya kitang kita talaga sa labas. Marami ring seats dito kaya nakahanap kami ng malapit sa glass wall kaya sakto dahil favorite kong tumingin tingin ng tanawin sa labas lalo pa't maganda talaga ang buong paligid ng school.

"Gosh! Alam mo ba kung anong milagro ang nangyari saakin kanina? MY GOSH! Nakasalubong ko iyong crush ko sa BSBA!" Kinikilig na sabi niya. Hay, kung alam mo lang din ang nangyari saakin kanina. Nakakahiya at nakakabanas.

"Tss." Singhal ko."Ako na lang kukuha ng pagkain natin" Pagprisinta ko. Pumayag naman siya dahil sobrang gutom at pagod na daw siya kaya nanghihina na yung tuhod niya. Suss, tinatamad lang siya e.

Tumayo na ako't tumungo doon sa counter para bumili ng pagkain. And wow ulit! Ang daming pagkain. Eat all you can lang ang peg sa sobrang dami. Tinignan ko iyong mga presyo at halos lumuwa na ang mata ko. SHET! Wala bang mura? Maski tubig may bente pesos na bayad. Balikan ko na lang si Che doon at aayain ko siyang kumain sa karinderya!

Habang naglalakad na ako papunta kay Che ay may nakasalubong naman akong isang babaeng nakasalamin at ang dami niyang pagkaing dala sa tray niya na mukhang hirap na sa pagbubuhat kaya huminto ako't nilapitan siya na ikinagulat naman niya.

"Akin na tulungan na kita" Sabi ko. Noong una tinanggihan niya pero nagpumilit parin ako dahil sa gusto ko siyang tulungan e. Tss. Sino bang baliw ang magpapabuhat pa sakanya e ang payat-payat na e. Sinimulan ko ng buhatin iyon at tinanong kung saan sila nakapwesto. Itinuro niya naman doon sa grupo ng mga lalake. Tsk. Tsk. Tsk. Mga walang hiya.

"S-Salamat, huh. Pero sana hindi mo na lang ako tinulungan baka kasi--

"Hindi ayos lang." Sabi ko. Papalapit na kami doon sa grupo nang biglang may pangyayaring hinding hindi ko ginustong asahan. And there it was...

*BLAG!*

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now