Chapter Two

16.8K 460 3
                                    

NANATILI ang komunikasyon nina Jovita at Saleng. Labindalawang taon pagkatapos niyang ipasok si Saleng kay Aracelli bilang yaya, nagpadala ng sulat ang babae, tulad ng madalas nitong gawin.

Dear Manang,

Kumusta? Ako, okay naman. May nakilala akong lalaki, driver ng isang kaklase ni Taylor sa school. Nagkagustuhan kami agad. Nabuntis ako, Manang. Nag-resign na ako kay Ma'am Aracelli.

Ang alaga ko, lungkot na lungkot. Napamahal na talaga siya sa akin at ako din sa kanya. Wala pa ring pagbabago, Manang, malambot pa rin ang alaga ko. Ang pagkakaiba na lang ngayon, ayaw na niyang magsuot ng palda, mula nang matuli. Siguro, eh, nakahiyaan dahil maagang lumaki itong alaga ko. Mukha nang binata, kahit fifteen years old pa lang.

Hindi na ako umaasang magiging macho ang alaga ko at hindi na importante, Manang. Iyon naman ang itinuro sa akin ni Ma'am Aracelli at naniniwala akong totoo. Ang importante, matuto siyang maging masaya sa buhay.

Gustong mag-aral ng pagme-makeup nitong alaga ko. Iyon daw ang kukunin niyang kurso. Medyo nanghihinayang nga ako kasi ang tali-talino at puwedeng maging doktor o abogado pero ang puso naman ay nasa makeup. Pero naisip kong okay na rin. Kung saan siya masaya, doon ako masaya.

Nagpapaalam ako sa 'yo, Manang. Salamat sa pagpapasok mo sa akin sa pamilyang ito. Sabi ni Ma'am Aracelli, hindi na raw kailangan ng bagong yaya ng alaga ko. Mabait at responsable ang alaga ko. Tahimik, malambot ang puso, mabait, at kayang-kayang tumayo sa sariling paa, iyan naman ang maipagmamalaki kong naituro ko sa kanya.

Pagpalain ka, Manang. Hindi na ako uuwi sa atin at wala na rin akong kamag-anak diyan. Salamat uli. God bless you.

Nagmamahal,

Saleng

Napabuntong-hininga na lang si Jovita sa sulat ni Saleng. Tama rin naman ang babae, na ang mahalaga sa buhay ay iyong masaya ang isang tao. Hindi na siya dapat mag-alala. Kung masaya si Taylor, gayundin si Aracelli, hindi na siya dapat pang mag-isip. Hindi lang talaga niya maalis sa sarili na manghinayang kung hindi magkakaroon ng anak si Taylor.

Pusong Mamon (Completed)Where stories live. Discover now