07

7 1 0
                                    

Jaehee POV

Mag-isa ako ngayon dito sa bench sa may soccer field, nakahiga at nakatingin sa langit

Nagflash back lahat ng nangyari mula kahapon hanggang sa kanina na magkaholding hands sila

Kung ako kaya yung gumawa ng ginawa ni Mira kahapon, may magbabago kaya? Ako pa din kaya ang kasakasama mo hanggang ngayon?

Napabuntong hininga na lang ako

"Bakit hindi na lang ako Minhyun?"

Tumagilid ako at kaharap ko na ngayon ang soccer field nakakasilaw kasi masyado yung araw haha

Napansin kong may anino sa unahan ko na humaharang sa sikat ng araw

"Mahal mo talaga ang bestfriend mo no?"

Napatayo ako bigla dahil sa boses na narinig ko

Dahil nabigla ako muntik na akong malaglag pero buti na lang naabot niya ang kamay ko at naibalanse ko agad ang katawan ko

Inaasahan kong si Daniel to pero nagkamali ako

Siya na naman? Siya yung poging lalake na hindi marunong tumyming at pasulpot sulpot lang sa kung saan saan

Ngumiti siya dahilan para matauhan ako at bitawan ang kamay niya

"Aww ang dali mo namang bumitaw. Masakit Jaehee"

Paran namang bakla to

Nakahawak pa kasi siya sa dibdib niya na para bang hindi siya makahinga

pero teka

"Pano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Di mo ba alam? Magkaklase tayo simula first year"

Napaisip naman ako. Kami magkaklase? Eh bakit ngayong ko lang siya nakita?

Napa-o naman ang bibig niya at tinakpan ito at nagkunwaring umiiyak

"Ganun na ba ako kainvisible sa mata mo para hindi mo makita ang existence ko sa klase natin T.T"

Nataranta naman ako sa inakto niya kahit alam kong walang luha sa mata niya eh iisipin ng makakakita samin na pinaiyak ko tong lalakeng to

Baka makita pa ni Minhyun

kaya nilapitan ko siya at tinap ang likod niya

"Sorry, si daniel lang ang kilala ko sa room eh hehe"

Umayos siya ng tayo at naupo sa pwesto ko kanina

Hinila niya ako dahilan para mapaupo ako sa tabi niya

"Si Daniel at Minhyun lang naman ang kilala mo idagdag mo pa si Mira. Hindi lang naman sila ang mga character sa kwentong to eh"

Lumingon siya sakin na nanliliit ang mga mata at nakapout

Self kalma mas cute pa dyan si Minhyun pag ginawa niya yan. Wag kang magpadala sa tukso hahaha

Umiling iling naman ako

"Hindi naman sa ganon.. parang.. medyo.. nasa third level ka lang alam mo yun.. yung support sa supporting yung tulad nung tatlong insekto sa  Dora pero wag kang mag-alala di ka naman nila katulad na by passers lang ha ha"

Awkward akong ngumiti at tinuro ko yung mga naglalakad sa field padaan daan lang naman sila sa kwento ko

Pangalan nga nila hindi nababanggit eh hah--

oo tama

"Sino ka pala? Ilang beses ka ng sumusulpot sa kwento ko pero di pa kita kilala?"

"Ako? Isa ako sa wonderpets na tutulong sayo hahaha"

Your HeroineWhere stories live. Discover now