05

10 1 0
                                    

Jaehee POV

Vacant namin ngayon. Mag-isa lang ako dahil hindi ko mahagilap si Daniel kung saang lupalop na naman yun nagsususuot tsk

Tumingin ako sa labas ng room at pag sinuswerte ka nga naman. Nakita ko sina Minhyun at Mira na nagtatawanan tsk

"Puro kasweetan ekek ang landi bwiset" bulong ko habang nagtatago sa pinto ng room namin at sinusundan ng tingin yung dalawa

Nang makalayo na sila saka ako lumabas at sinundan sila hanggang matapos ang vacant namin

12:25pm

"tapos tinanggal niya yung salamin ni Mira tas sabi pa ni minhyun 'cuTe kA pAla PaG Di Ka naKaSalAmIn eH' tas alam mo ba yung reaksyon ni mira ganto teka"

Kumiling ako "Ehehehe" saka isiningit sa tenga yung buhok ko

"Pfffft hahahaha para kang tanga dyan hahaha"

Mamamatay na yata to sa kakatawa may paghawak pa sa tyan

"Anong ako?! baka siya! Ginaya ko lang naman yung ginawa niya tsk"

"Hahahaha isa pa nga LT eh hahahaha"

"Bwiset ka di ako uto uto kung gusto mo sabihin mo din sa kanya yun"

Sabi ko habang nakahalumbaba

"Hahaha eh kung umamin ka kaya dun sa manhid mong bestfriend ng malaman niyang gusto mo siya, hindi yang puro ka mukmok sakin"

"Eh? Bakit pa? Kami ang para sa isat isa kaya kahit wala akong gawin malalaman niya yun no"

Sabi ko habang nakihigop dun sa softdrinks niya ubos na yung akin eh

"Baliw, kasasabi mo lang kahapon sakin na nagiging supporting ka na tas si Mira na yung bida tapos ganan ka ngayon? Haha"

High na high yata to ngayon. ano bang kinakain ng gagong to kanina pa tong tawa ng tawa eh

Pero kung magiging supporting lang ako dito edi dapat may gawin din ako haha oo nga tama

"Kung hindi ako ang magiging bida pwes ako ang kokontra sa kanilang mga pabida hahahaha kontra bida? Hahaha magandang idea diba? Hahahaha diba Daniel? Im so great hahaha"

Hinampas ko na lang ng malakas si Daniel at tumayo na

"Aray! Nababaliw ka na talaga pfft mukha ka ng tanga dyan"

"Hahahahaha" tumakbo na ako at iniwan siya du---

"Aray"

Bumangga ako sa pader i mean sa taong parang pader bwiset ang sakit ng pisnge ko TT

"Ok ka lang miss?" Napalingon ako dun sa bumangga sakin

Nakangiti siya habang tinitingnan ako

Sino tong gwapong nilalang na to? Hindi marunong tumyming kung kelan susulpot

"Miss? Hello? Miss? Ok ka lang ba talaga?" Natatawa niyang tanong

Ay sht di pede to. Kay Minhyun lang dapat ako titingin ng ganon

Sinampal ko ng mahina ang pisnge ko at tumango sa kanya

Paplanuhin ko pa kung pano ako magiging kontrabida sa kwento KO

"Hahahaha" saka ako tumakbo at iniwan si kuyang pogi na natatawa. Nabaliw na yata

Anyway san ko sisimulan?

Your HeroineWhere stories live. Discover now