04

13 1 0
                                    

Jaehee POV

5:15pm

"EEEEEEEEEEHH???!"

Hindi ito totoo. Hindi ito maaari T.T

"Kaya naisipan kong ligawan na siya. Mabait naman siya kaya wag kang mag-alala tsaka para na rin maprotektahan ko siya kung sakaling pagtripan ulit siya nina Namjoon"

"P-pppero.. kailan pa? I mean ngayon ko lang naman kayo nakitang magkasama at magka-usap? Tsaka transferee siya wala pa siyang isang buwan dito tapos iba pa ang course mo kaya bakit? Ppano nangyari yun?"

Waaaa yung lovestory namin pano na? TT

"Matagal ko na siyang napapansin at nakikita ang ginagawa sa kanya nina Namjoon. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya dati nung elementary pa tayo. Yung kanina, di na ako nagdalawang isip pa, sumobra na sila"

ANO?! Bbbakit??! Pppano?! Minhyun Pano na ko? TT

"Tara na nga, umuwi na tayo baka abutin pa tayo ng gabi kung tatanga ka lang dyan" Natatawa niyang sabi

Ginulo niya lang yung buhok ko at nagsimula ng maglakad

At ako eto di pa din makagalaw sa pwesto ko dahil sa mga nangyayari

"Ah alam ko na gusto mo lang siyang tulungan. oo, tama! tas pag di na siya binubully hindi mo na siya liligawan kasi wala ka namang feelings sa kanya, tama tama, naaawa ka lang sa kanya kaya naisip mong ligawan siya para kahit papano may makasama siya tsaka ayaw mong may umiiyak na babae kasi alam kong mabait ka diba? diba? tama ako diba Minhyun? Ooooh~ ang bait bait talaga ng bestfriend ko" mahabang paliwanag ko at tinap ng dahan dahan yung ulo niya

Oo, yun nga yun. Tama, ang galing mo talaga Jaehee ang bilis mo lang talagang mapraning yun lang naman yun sus

Dahan dahan niyang binaba yung kamay ko at ngumiti sakin kaya nginitian ko din siya

Sabi ko na nga ba haha im so genius

"Jaehee, Alien ka ba?"

Ay wow gumaganun na siya oh haha

"B-bakit?" Eme haha first time magpick-up line to bakit ba? Hahaha

"Wala akong naintindihan sa mga sinabi mo"

Nakangiti niyang sabi at pumunta na sa locker room

Iniwan niya akong nakanganga dito

Pero ano? Alien? Ha? Bakit naman ako magiging alien? Bakit di niya ako naintindihan? Oh my hindi kaya..

Nabibingi na ang bestfriend ko HINDEEEEE!!

5:20pm

Nasa locker room kami ngayon. Nakalimutan niya daw kasing kunin yung libro niya pero pagbukas niya ng locker niya

"What the fuck!" Puro basura, papel, plastik at kung ano ano pa ang naglaglagan galing sa locker niya

"Jaehee, bunganga mo"

Nanlalake na ang mga mata ko sa nakita ko tapos siya kalmado pa rin?! How to be you po? Haha djk

"Sorry, eh kasi naman tingnan mo nga naging basurahan na yang locker mo sinong di mabibigla diba? Tas ikaw pachill chill ka lang?! Ayos ka lang ba Minhyun?!"

Sunod sunod kong tanong habang inalog alog siya

"Tsk itigil mo nga yan. Nababaliw ka na naman" nakangiti niyang sabi

"Oh my ikaw ang nababaliw satin bestfriend! Look ang creepy na ng ngiti mo-- aray naman!"

Ako na nga tong nag-aalala sa kanya eh T3T

Your HeroineWhere stories live. Discover now