"Ayokong magulo pa ang buhay ko. Masaya na ako sa kung ano ang mayroon kami ngayon." tamad ko na lamang na sagot kay mama habang minamasahe ko ang ulo niya.

"Bahala ka nga sa buhay mong bata ka! Ang mahirap sa iyo hindi ka nakikinig sa magulang. Anong nangyari sa iyo? Ano? Hindi ba't pinagsabihan kitang kalimutan mo na ang nararamdaman mo kay Ivan pero anong ginawa mo Champagne? 18 years old ka palang noon? God! 18!!!" napabuntong hininga ako ng frustrated na tumayo si mama at kitang kita ako ang hinanakit sa mga mata niya. Nagbigay ako ng malaking kahihiyan sa pamilya ko at alam kong kahit hindi sila magsalita ay disappointed sila sa anak nila.

"Nagpaanak ka pa Ja sa lalaking limang taon ang tanda sa iyo! Nag-aaral ka palang noon! Marami kaming pangarap sa iyo Janine pero sinayang mo lang! Pinagawan ka pa ng tatay mo ng bar na matagal mong hiniling sa kanya. Lahat ng luho ninyong magkapatid ay ibinigay namin sa inyo pero bakit kailangan mo kaming saktan ng ganoon?" napayuko na lamang ako dahil hindi ko alam ang isasagot kay mama. Lahat ng sinabi niya ay totoo.

"Puro sarili mo lang kasi ang iniisip mo! Kailan ka matututong makinig sa amin Ja? Kailan? Hindi na namin alam kung saan kami nagkulang ng daddy mo sa inyong magkapatid. Kung iniisip mo Janine na nag-mature ka porke't may anak ka na ay nagkakamali ka. Wala ka pa ring pinagbago. Hindi mo pa rin kayang tumayo sa sarili mong paa. Ginusto mo yan diba? Nagpagalaw ka kay Ivan, nagpabuntis ka! Harapin mo ang consequences ng mga bagay na ginawa mo." kilala ko si mommy na matapang at walang kinakatakutan, bihira ko lamang siyang makitang umiyak at masakit sa akin na ako ang dahilan kung bakit siya ngayon lumuluha. 

Alam kong chill lang sa lahat ng bagay si mommy pero alam ko din nasasaktan siya. Sinong ina nga ba ang may gusto na ang anak ay isang disgrasyada. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko, sa loob ng tatlong taon ay wala akong narinig mula kay mommy and daddy kundi puro pagsuporta sa problema ko, hindi ko nakita sa likod ng mga iyon ang nasasaktan kong mga magulang. Kung disappointed sila sa akin ay mas disappointed ako sa sarili ko.

Noong bata palang ako lagi kong sinasabi sa kanila na gusto ko lagi silang proud sa akin, kahit kuntento na sila sa akin ay gusto ko pa rin silang paluguran dahil mahal ko sila. Binigo ko ang dalawang tao na umasa at nagtiwala sa akin at masakit sa akin iyon. Kahit na cheesy ay niyakap ko si mommy na ngayon ay madramang umiiyak at iniiwasan na kumalat ang mascara niya.

"Sorry mom, sinubukan ko pong maging mabuting anak. Minsan akong nagkamali at takot lamang ako na maulit iyon. Hindi ko nga siguro dapat sisihin si Ivan sa lahat ng nangyari dahil may pagkakamali rin ako. Minahal ko siya at ibinigay ko ang lahat, siguro'y minahal rin niya ako kahit papaano. Hindi naman mabubuo si JC kung hindi lang dahil sa kanya kundi ginusto ko rin iyon. I'm so sorry mom kung kailangan ninyo pang makita ang pagbagsak ko noon." tinapik lang ni mommy ang balikat ko at mas lalong lumakas ang iyak niya, napangiti na lamang ako at mas lalo pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Ayan kumalat tuloy ang mascara ko!! I hate you Ja!" sabay kaming tumawa ni mommy dahil nagddramahan na nga kami ay naisingit pa rin niya ang pagiging vain niya.

"Ate! Ate! Ate!" mabilis kaming naghiwalay sa pagkakayakap ni mommy ng natatarantang pumasok sa silid ko si Vodka at namumutla.

"Anong nangyari Vodka?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Agad akong nakaramdam ng kutob at hindi ko iyon gusto.

"Naglalaro lang kaming dalawa ni JC kanina sa may labas tapos.. tapos..tapos..."

"TAPOS ANO VODKA?!! ANONG NANGYARI SA ANAK KO?!!" hindi ko alam kung sasabunutan ko ba ang sarili ko o mapapaupo na lamang sa panlalamig.

"Hinimatay siya Ate, isinugod na siya ni kuya sa Baguio General Hospital at inutusan niya akong puntahan ka rito. Tara na ate!" hindi ko na hinintay pang yakagin ako ni Vodka pababa dahil mabilis pa sa kidlat ang pagtakbo ko palabas ng bahay upang puntahan na ang anak ko.

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon