"Ay sorry po. Kamukha n'yo po kasi eh. Grabi ang galing po ng author na iyon. Her unexpected and breathetaking endings will hook your soul. Baka po gusto niyong i-try basahin ang mga novels niya. Worth it po lahat."


Napangiwi naman ako at napahawak sa aking batok.


"I-is that so? I'll try then."


"Kaya lang four years na siyang tumigil sa pag susulat, pero until now sikat pa rin talaga sa madla ang gawa niya. I really hope she will go back someday and continue sharing her masterpiece."

Mahigpit akong napakapit sa akinng libro at nag baba ng tingin.


Four years huh, what a shame.


"Sige po mauna na po ako ha! sorry po sa abala."


I just nodded and plastered a small smile, pinanood lamang itong mag bayad at tuluyang lumabas. Napabuntong hininga na lamang ako.


"Bakit ba kasi ang mahal niyong mahalin huhu." naiiyak kong tugon bago dalhin ang napili kong books sa cashier at bayaran.


Anyway although I'm upset with that encounter, I still ended up purchasing one. One dozen of books...



Okay, makakauwi na ako. Simot na wallet with konting cravings satisfied.



My feet automatically walk outside the bookstore carrying my tired and hopeless body until I arrive at the exit doors of the mall. Bitbit ang tatlong paper bag, I found myself suddenly stopped in the middle of the road and roaming my gaze to the glamorous skies. There's a lot of shining stars scattered around. Nakakabighani.


"Ang payapa mo tignan."


Marahan akong pumikit at pinag salikop ang aking mga daliri.


"Please give me a sign. If this---" as the thunder roared followed by a violent rain, my eyes widened.


Tangina, sabi na dapat talagang manahimik nalang palagi.


"Pota teka lang mababasa yung mga babies ko huhuhu!" Nag mamadali akong tumakbo at sumilong sa isang maliit na waiting shed, masama ang loob na ininda ang malakas na pagaspas ng hangin at ang nag wawalang kalangitan.


I'm pretty aware, walang dadating na leading man at mag papayong sa akin. Walang slow motion na pakikipag titigan. Walang love at first sight in the middle of the rain. Sa kwento lang nag e-exist yung ganon, huwag tanga.


What's with this suddenly rain anyaway!? Ang liwanag ng langit kanina, may mga stars pa!


Mukha ba akong nakikipag lokohan sa'yo bathala?!


Another strong lightning growled from above.

Stuck En Strings (On-Going)Where stories live. Discover now