Kia is busy getting a huge amount of money at her Louis Vuitton pouch, after that she happily handed it to me, like she doesn't give a damn. Para bang barya lang ang ibinigay sa akin.


Mayayaman moments nga naman na di ko afford.



"Okay na siguro 'to for one month supplies. Dalawa lang naman yung buwaya na pinapalamon natin dito sa Apartment." Pabiro kong giit at isinilid na sa aking sling bag ang ginawang listahan at ang perang ibinigay niya.


Bigla namang lumitaw ang isang buwaya sa aming harapan--- at nilalamon yung chips ko.


"Anong buwaya, Hoy Lina rich crocodile dapat! O kaya Crocs! hindi tayo pinalaking cheap ni Donya Kia---- Aray ko tanginuh may galit ka ba sa akin?!" Puna ni Astrid at mabilis na bumaling ang tingin nang agad siyang binatukan ni Kia--- with elegance.

Dasurb.

"Geez Astrid stop blubbering nonsense things and just drive her to the mall. I have scheduled meeting to attend so I can't drop her off. Iba pa naman ang way ng mall sa opisina." She calmly explained and fixed her coat.


Nag katinginan naman kami ni gaga at sabay na napakamot sa aming ulo.



"I can commute, you don't have to worry."



"Nah it's okay, I'll pay her gas."



"Minsan talaga bigla ka nalang mag mu-mukhang hampaslupa eh." Astrid remarked before getting her car keys inside her pocket and walk out.



Nang matapos ang mahabang diskusyon tungkol sa mga kailangan dito sa Apartment at ang ilang babayaran na bills, dumiretso na kaming dalawa ni Kia sa labas. She immediately bid a farewell to us since she's late na daw sa meeting, at nauna nang unmalis sa amin dala ang kanyang Red Porsche Panamera . On the other hand, Astrid is already waiting for me with her Matte Black BMW I8 outside.


Hindi lang halata, pero may dugong ginto din ang isang kumag na'to.



"Uwu. Don't forget my foods Babe, " Salubong ni Eros na naka pameywang sa gilid ng gate at malawak ang ngisi. Mabuti nalang at may karamay ako sa pagiging slapsoil.


Grabi siguro kapit ng swerte sa undearwear nito, laging nakakaligtas sa mga gawain eh.


"Tanga! Mag urong ka do'n. Talo ka sa snake and ladder kanina ah! Saka mag lalampaso kapa uy! tantanan mo muna landi." Sita ni Astrid at binalibag ito ng isang plastic bottle. Mabilis namang nasapo iyon ni Eros at inirapan na lamang ang aming kaibigan.


"Palibhasa walang chupapi." He shotback.


"Gago! dalhan kita ng isang dosena eh."

---Or maybe not.

I just shrugged my head and walk towards Astrid's luxury car. Pinagpag ko pang mabuti ang suot na rubber shoes bago buksan ang pintuan sa passenger seat at dumiretso ng upo. Nakakahiya naman kasing dumihan ang sasakyan nito, baka singilin pa ako ng pang carwash with three hundred percent tubo.

Stuck En Strings (On-Going)Where stories live. Discover now