Prologue

23.2K 296 8
                                    

Grammatical and spelling errors EVERYWHERE.

-

"Where is she?"

Sinenyas ni Ben ang ikalawang palapag ng bahay.

"Sa dulong pintuan."

Mabilis kong kinuha ang candelabra sa lamesa at inakyat ang kwartong tinutukoy nya. Huminga ako ng malalim bago pihitin ang seradura at binuksan ang pinto.

Nag-angat ng ulo ang babaeng nakaupo sa sahig ng marinig ang langitngit mula sa pintuan. Nakapiring ang kanyang mga mata. Nakatali ang mga kamay at paa.

"Sino kayo?"

"Nasaan ako?"

"Bakit nyo ginagawa ito?"

Nanatili akong tahimik. Inilibot ko ang mga mata sa kabuohan ng kwarto. May kama, vanity table at mga aparador pero halatang matagal ng hindi nagagamit.

Luma at gawa sa kahoy ang abandonadong bahay na ito. Wala ring elektrisidad kaya kung titignan sa labas ay mukha nga talagang nakakatakot. Hindi kataka-takang nabansagan itong haunted house ng mga tao.

Ayon kay Damian ay nabili na ng paaralan ang lupang kinatitirikan nito kaya baka sa susunod na taon ay simulan na ang demolisyon at pagpapagawa ng bagong building dito.

"PWD lang ang itay. Hindi kami mayaman. Wala akong maibibigay na kahit ano para sa ransom. Maawa kayo, pakawalan nyo na'ko!"

Lumapit ako sa bintana. Tanaw mula rito ang ilaw na nagmumula sa gym na pinagdausan ng graduation ball kanina.

Inilapag ko sa vanity table ang candelabra. I knelt down and stared at her quietly. Magulo ang buhok, madumi ang gown na suot at basa ang mukha dahil sa pinaghalong pawis at luha.

'Helpless and weak.' She looks so pathetic so I gave her a mocking sigh. Matagal ko syang pinagmasdan. Maaaring ito na ang huling beses na makikita ko sya so I savour every details of her pitiful state.

I almost giggled as she pulled his head back as I attempted to caress her cheek.

"Pa-parang awa nyo na. Hu-Huwag nyong gawin to." Nanginginig ang boses nya sa takot.

I covered my mouth to prevent myself from laughing. Oh I feel pleasure to see her like this. Miserable and begging.

'Don't worry... Damian's friend will take care of you.' I thought as I pet her head.

Satisfied that she is confined and in fear, I stood up and was ready to leave.

"Elsus... Tulungan mo'ko. Please..."

Nagpantig ang tenga ko ng marinig ang pangalang binangit nya. Muli ko syang hinarap.

"El... Elsus. Please."

To call his name in despair means a lot. Si El ang una sa listahan ng mga taong inaasahan nyang ililigtas sya. Of course he would save her kung malalaman lang nito na napahamak na sya. Kung ako man ay mapunta sa mapanganib na sitwasyon ay pangalan din nya ang tatawagin. And I knew that he will come to my rescue.

But between Lai and I sino nga ba ang mas matimbang? We grew up together so he cares about me dearly that's for sure. Ngunit alam kong ibang lebel ang pagtangi nya para kay Lai. Malayong-malayo sa turing nya sa akin.

I grabbed her jaw tightly. Gusto kong isigaw sa kanya ang mga naipong insekyuridad at galit. But she shouldn't hear any of our voices so I kept my mouth shut. Feeling frustrated, I slap her face countless times. Malulutong. Malalakas na sampal. Ibinuhos ko lahat ng galit na meron ako para sa kanya. Ito naman na ang una at huling beses na magagawa ko ito sa kanya kaya nilubos ko na.

"Tama na! Maawa ka! Tama na!", patuloy lang sya sa pagiyak at pagmamakaawa.

Malakas na bumukas ang pintuan. Pwersahan akong hinila palayo ni Damian.

"Stop it!", mariing bulong niya sa mukha ko. Tinignan nito si Lai. "Do you think he will still buy her if she's like that!?", duro nya kay Lai.

Habol ko ang sariling hininga. I can feel my tears falling down because of too much anger.

Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nya.

Tinignan kong muli si Lai. Namamaga na ang magkabila nyang pisngi. May sugat narin sa gilid ng labi. Halos nalamog ang mukha at ni hindi na makapagsalita. Tumalikod ako para umalis.

"El, tulong... Quinn.. Please."

Lumukso ang puso ko ng marinig ang sariling pangalan. Napahinto ako at muli syang hinarap.

Nararamdaman ko ang titig ni Damian. Para bang binabasa ako.

"Quinn.. El.." she sobbed.

Kumirot ang dibdib ko sa muling pagtawag nya. Naalala ko ang mga magaganda sana naming ala-ala. Kung paano kaming nagkakilala at minsang naging masaya bilang magkaibigan.

'It serves her right! She's no different from her filthy mother. Mga mang-aagaw,' binigyang katwiran ko ang sarili.

Looking back from what we were I can't believe that I am capable of doing this. As per her, I am her bestfriend. Alam ko iyon. Ramdam ko ang pagpapahalaga niya sa akin. Yet I chose to betray her hindi lang dahil anak sya ng babaeng iyon pero dahil narin hindi nababagay ang tulad niya para kay Elsus.

Before Lailani, Elsus and I were expected to be together. Not as friends but more than that. It was supposed to be 'us'...

I do really regret being friends with her. Kung alam ko lang..hindi ko na sana sya noon sinaklolohan pa. Hindi na sana ako hahantong sa ganito. This is probably the worst of me.

Alam kong masasaktan si Elsus pagkatapos nito. But I will make sure that I will be there for him through everything. Pipilitin kong maging sapat hangang sa ako nalang ang kailanganin niya. Hangang sa ako nalang ang gustuhin ng puso niya.

Muli ko syang tinalikuran. Kasabay ng pag-alis ko sa kwartong iyon ay ang tuluyang pagtalikod sa lahat ng aming pinagsamahan.

All I Ever Wanted(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon