Bihis na ako nang makalabas ako ng CR. Gaya ng dati ang kulay puting pajama at polo na naman ang suot ko. Nakakainis, bakit kailangan kaming magsuot ng ganito. Ano to uniform? kalokohan...


Magb-blower na sana ako ng buhok ko nang mapansin kong may isang batang lalakeng nakaupo sa kama ko. Bahagya akong kinilabutan kaso naalala kong hindi ko nga pala nai-lock ang pinto ng mismong kwarto ko.


"Hi ate!" Bati niya sa akin. Medyo chubby at singkit ang bata kaya naman halos lumobo ang pisngi niya at hindi ko na makita ang mga mata niya. Ang cute niya! Yun nga lang sa sobrang cute, muli akong nakaramdam ng lungkot.... I have a little brother back home, siguro magka-edad lang sila. No matter how annoying that little guy could get, I miss him so much and I hope he misses me too.


"Hello! Anong ginagawa mo dito?" Lumapit na lamang ako sa kanya. Hindi na ako nakapagpigil at kaagad kong kinurot ang pisngi niya. I'll just imagine this kid as my Ponzi.


"Ate naman eh! Let go of my cheeks!" Reklamo niya na para bang naiiyak na kaya binitawan ko na lamang siya at ginulo ang buhok niya. Ang cute! Nakakagigil! Hindi ko maiwasang mapangiti.


"They're right. You look like a timang when you smile." Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ng bata at napalitan ito ng ngiwi. Ako? Mukhang timang? At sino namang ugok ang nagpauso niyan? Bish please, ang ganda ko kaya lalo na kapag nakangiti.


"How old are you baby?" Tanong ko na lamang sa kanya. Tiningnan ko ang suot niya at kapareho rin ito ng sa amin, malamang pasyente rin siya dito.


"7!" Masigla niyang sigaw sabay ngiti ulit. Naku 7 years old pa pala siya, masyado pang bata para batukan. Pagpapasensyahan ko nalang yata talaga 'to.


"Gusto mo ng chocolate?" Tanong ko at wala siyang pagaalinlangang tumango.


"Give me! Give me! Give me!" Masigla niyang sigaw sabay lahad ng dalawang kamay niya sakin.


Buti nalang talaga at hindi ko pa ginagalaw ang mga chocolates na iniwan sakin ni Mommy. Wala pa akong ganang kumain eh kaya iniiwan ko nalang sa mini fridge ko dito.


Kumuha ako ng chocolate mula sa fridge, hirap ako sa pagkuha kasi madami pang kung ano-anong nilagay sina mommy dito. Good thing hindi ako tumataba kahit na anong kain pa ang gawin ko.


Lumingon ulit ako sa bata ngunit nagulat ako kasi wala na siya sa kama ko. Saan kaya nagpunta 'yun? Akala ko ba gusto niya ng chocolate? Sayang naman...


"Hoy Agatangina! Tinatawag ka na ni Kuya Leo!" Nagulat ako nang bigla na lamang sumulpot ang ulo ni Cooper sa pintuan.


"Shut up Coopal!" Ganti ko. Tss, akala niya siya lang marunong mag-murder ng pangalan? well two can play that game.


"Uy! Pahingi ng chocolate!" Kumurba ang napakalapad na ngiti sa mukha niya at lumapit sakin. Gaya ng bata kanina, inilahad rin niya ang kamay sa harapan ko.


"Di pwede! Para to sa bata. Nakita mo ba saan siya nagpunta?" Tanong ko kaya agad na nawala ang ngiti sa mukha niya.


"S-sinong bata?" Nauutal niyang sambit habang nakakunot ang noo.


"Yung batang chubby na kalalabas lang sa kwarto ko. Di mo ba siya nakasalubong?" Maging ako ay napakunot rin ng noo. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba, bumilis yata ang tibok ng puso ko.


"Huh? Wala namang ibang bata sa floor nato ah? At isa pa bawal sila dito." Bahagyang napakamot si Cooper sa ulo niya at maya-maya pa'y bigla na lamang nanlaki ang mga mata niya na para bang may napagtanto siya.


"Agatha... Yung... Yung nakita mong bata, singkit ba siya" Hiirap si Cooper sa pagsasalita na para bang kinakabahan kaya tumango-tango na lamang ako.


"Bakit Cooper, anong problema?" Maging ako ay mautal-utal narin. Nagsitayuan na yata ang balahabi ko at bigla akong nakaramdam ng panlalamig. Kung bawal ang bata dito, paano nakapunta ang batang yun dito sa kwarto ko? Shit hindi kaya....


"Agatha wag ka namang magbiro ng ganyan. Sigurado ka ba talaga sa nakita mo? May pasyente yata sa childrens ward na isang batang lalaking chubby at singkit kaso... kaso.." Parang hindi kayang tapusin ni Cooper ang sinasabi niya. Panay lamang siya sa paglinga sa paligid kaya maging ako ay napalinga-linga nalang din.


"Kaso ano Cooper?" Nagsimula ng pumiyok ang boses ko. Natatakot na talaga ako.


"Agatha sigurado ka bang siya yung nakita mo? kamamatay lang ng bata kahapon." Mahina niyang sambit kaya agad nanlaki ang mga mata ko. Gusto kong magtatakbo palabas ngunit nanigas yata ang mga paa ko dahil sa matinding takot.


"Pero siyempre joke lang yun! That pig is in my room eating ice cream!" Bigla na lamang niyang sigaw habang humahalakhak kaya agad akong napakagat sa labi ko at pinanlisikan siya ng mga mata.


"Cooper Alvarez...." Manginginig na ang kamay at boses ko. Dahan-dahan kong pinulot ang walis na malapit lang sa akin. 


"Cooper is out peace!" Sigaw niya habang naka-peace sign at bigla na lamang nagtatakbo palayo.


"Papatayin kita!" Napasigaw ako at dali-dali siyang hinabol dala-dala parin ang walis.


END OF CHAPTER 5

K's Note : Sorry for the late and waley update. lolololol.

Thanks for reading!

Vote and Comment <3

Stay awake, Agatha (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon