EXTRA #3: The baby Girl

Magsimula sa umpisa
                                    

           “Bahala ka basta ikaw ang mag-alaga sa kanila.” Tatayo sana siya dahil alam niyang mabigat siya kaya lang ay pinigilan siya nito. “Mabigat ako.”

           “Nah, you are as light as a feather my dear wife.”

           “And you never failed to boost my ego my dear hubby.” She said kissing him on the tip of his nose.

           “I love you.”

           “Same here.” Nagpout ito na ikinatawa nalang niya. “I love you too.”

           “Much better.” Hinaplos nito ang tiyan niya at napangiti siya kasi ininsist nitong baby girl talaga ang panganay nila. Ewan ba niya kung bakit may frustration ito sa anak na babae.

           “Bakit gusto mo ng baby girl?”

           Tumingin ito sa kanya. “Kahit ano naman ang gender ng baby angel ay gusto ko basta galing sa iyon, iyong tayo ang gumawa.”

           “Para kang sira syempre sino pa baa ng ibang gagawa puputulan kita ng happy ever after kapag niloko mo ako.”

           “Silly, ikaw lang ang gusto kong kasama sa pagawa ng baby at wala ng iba.”

           Bigla siya nitong binuhat at dinala siya nito sa sala and sit on their favorite couch. Syempre may favorite sitting position din sila kailangan ito muna ang nakaupo tapos nakaupo siya sa lap nito habang pinapakinggan niya malakas na tibok ng puso nito.

           “Tinatanong mo kung bakit gusto ko ng baby girl? Ang mga anak na babae kasi hindi nila natitiis iyong mga magulang nila kahit gaano man sila kagalit at kasama ang sama ng loob nila sa mga magulang nila, they will always leave a big space in their heart for forgiveness and acceptance. I am a son myself, matigas ang ulo ko at mapride din ako madalas kong binibigyan ng sakit ng ulo ang mga magulang ko at minsan nakakaya ko silang tiisin. I love my parents masyado lang talaga akong mapride.”

           Hinaplos niya ang pisngi nito. “You don’t have to choose between a girl and a boy love, dahil palalakihin natin sila na may takot sa Diyos at mahal tayo ng pantay-pantay. We will teach them to respect us and we will remind them how much we love them at ng hindi nila tayo matiis kung may away man tayo.”

           He cringed when she said the word away. “Hindi maiiwasan iyon Gleian may hindi pagkakaintindihan at hindi pagkakaunawaan pero isa lang ang pwede nating gawin at iyon ay unawain sila.”

Royale Series 10: Let The Heart Knows (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon