Chapter 8

40 1 0
                                    

MAG ISA ako ngayong naglalakad papuntang Book Department. Paano ba naman, hanggang ngayon hindi parin nagpaparamdam sakin ang bakla! Bestfriend ko ba talaga yun?! Parang ang sarap nyang itakwil dahil sa ginagawa nya ee. Parang wala syang bestfriend na nag-aalala sa kanya sa ginagawa nya. Bwisit!

Hayst, nagsisimula na naman akong mabanas sa tuwing naalala ko ang bakla! Letse sya!

Nang makapasok ako sa loob ng Department, nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. Hmm, smells books. Love it!

Masaya akong naglakad papalapit sa mga libro. Hmm, i really love books! Hihi.

Pinaglandas ko ang aking mga kamay sa mga libro at isa isa kong tinignan ang mga librong nakakaakit ng aking mata. Syempre pag maganda ang book cover binabasa ko muna ang description ng story sa likod ng libro. Kasi nga daw diba "Don't judge the book by it's cover." Pero syempre para sa akin, Bago mo mapapansin ang libro syempre tinitingnan mo muna ang appearance nito. Hindi mo naman magugustuhan ang isang bagay kung pangit diba? Like duh! Kung kaya, minsan napapaisip ako sa mga taong nagsasabing "Don't judge the book by it's cover." Ee sila din naman mismo hindi nila papansinin ang isang bagay kung pangit ito sa unang tingin pa lang. Sus!

Patuloy ako sa pagtingin tingin at pagbabasa ng mga description about sa story ng mga libro ng mapako ang aking tingin sa nag-iisang libro sa dulong bahagi ng bookshelf. It was entitled as "A Beauty and the Beast Lovestory." I don't know kung anong meron sa libro dahil hindi naman masyadong maganda yung book cover nito but i just feel like gusto kong basahin kung ano ang nakapaloob sa librong ito.

Kinuha ko ito.

"Fvck, ano ba?!"

"Oh, sorry miss. I just wanted to buy this book." Nang uuyam na sabi nya habang pinapakita sa akin ang librong kanina'y hawak hawak ko na inisnatch nya. May sa pagka snatcher pala tong kumag na to ee!

"Oh tapos? Anong pakialam ko ee, ako ang nauna?!" Singhal ko habang binabawi sa kanya ang libro. Agad nya naman itong iniwas sa akin.

"Wala rin akong pakialam. Hawak ko na, kaya ako na ang bibili nito." Sambit nya.

Naglakad na sya paalis habang nakapamulsa ang isa nyang kamay samatalang ang makasalanang kamay nya naman ay hawak ang librong inagaw nya sakin. Mang-aagaw!

Sinundan ko sya, at ang bruhildo! Pumipila na sa counter. Dali dali akong pumunta sa kinaroroonan nya at inagaw ang dapat ay saakin. Nagulat naman sya sa ginawa ko. Hmp!

"What the?!" Singhal nya.

"Maka 'what the' ka? Akala mo naman ikinagwapo mo! By the way, akin na to uh? Hawak ko na ee." Nang uuyam na sabi ko habang pinapakita sa kanya ang libro.

Nang agawin nya ulit ito ay mabilis pa sa alas kwatro ko itong inilayo sa kanya. Ano sya? Siniswerte?!

"Uh oh! Ako na ang may hawak kaya akin na to. Tsaka ako naman talaga ang nauna ee. Nang agaw ka lang. Kaya, tsupi na! At nang mabayaran ko na to." Mataray na pagpapaalis ko sa kanya. Hmp!

Pumila na ako sa counter. Hindi naman masyadong maraming tao kaya isa nalang ang nasa harap ko na nagbabayad ng kanyang napiling libro at ako na ang susunod. Mahigpit kong hinawakan ang librong hawak hawak ko. Mahirap na baka mahablot na naman to ng isang magnanakaw. Tss.

Nung ako na ang magbabayad sa cashier. Nanggulo na naman ang binatang hukluban. Ugh!

"Miss, ako na ang magbabayad." Malanding sabi nya sa cashier at ang loko! May pakindat kindat pang nalalaman. Eww!

"No, miss. That's my book. So i'll be the one who'll gonna pay for it." Mataray na sabi ko at tinaasan ko pa ng kilay ang mang aagaw. Honestly, i'm not this bad. Hindi ako maldita unlike my baklang friend. Pero nakakataas kasi ng presyon tong lalaking to. Ang kulit! Hindi nalang maghanap ng ibang libro. Bwisit!

A Beauty And The Beast LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon