37.Argued Feelings

Start from the beginning
                                    

"Naiinis na ako Chi! Alam kong nagbubulagbulagan ka!"inis na sabi nya.

"Tigilan mo ko, Hindi ko alam ang sinasabi mo"seryosong sabi ko.

Nagbago na ang emosyon ng mukha nya, Alam kong nawawalan na sya ng pasensya. At kita din sa mukha nya ang pagka dismaya.

shit Sean why are you doing this!?

"Hindi mo parin maintindihan? Then listen carefully to me"sabi nya at kinuha ang kamay ko sabay inilagay sa chest niya.

Damang-dama ko ang napakalakas ng tibok ng puso niya ngayon. Para bang... parang sasabog na ito sa sobrang lakas.

"Did you feel it? Chi.. ikaw... ikaw ang dahilan kung bakit ang lakas ng tibok niyan ngayon. Honestly, I don't really know what to say... I don't know what exact words I should use for you to know how I feel about you... But chi, you understand what I mean right? Y..you get what I want to say right?"

Nagwawala ang puso ko na sobrang hirap pigilan. Hindi ako tanga para hindi magets yun pero ayaw parin tanggapin ng utak ko ang mga sinabi nya.

hindi kayo pwede.

Yan ang sinasabi ng utak ko ngayon, Alam kong mahal ko sya pero may mga bagay na hindi pwede. Tulad naming dalawa, ang isang tao at tauhan na namumuhay sa libro ay hindi maaaring magsama.

"Wala akong naintindihan"yan nalang ang nasabi ko at inalis ang kamay ko sa kanya.

Gusto kong lamunin na ako ng lupa ngayon, Bakit ba kasi ganito!?

"Sa dami ng sinabi ko ni isa wala kang naintindihan!? I don't believe you!"inis na sabi nya.

"O sige, naintindihan ko ang sinabi mo pero bakit sakin mo sinasabi yan?Nasa loob si Merielle wala dito"

Naasar ang mukha nya at nakita kong yumukom na ang kamao nya.

Hindi ko na alam kung hanggang kailan ang itatagal ko sa pagpapanggap ko na walang nararamdaman sa kanya. Ang hirap ng ganitong sitwasyon!!

"Sean... Ngayon na ang magandang timing, Confess your feelings for her! diba nakasayaw mo sya kanina? Dapat dun mo na sinabi!"sabi ko.

"Will you stop that attitude?"inis na sabi nya.

"What?"

"Stop pushing me towards her! My God Chi!! Hindi ko alam kung gaano ka kamanhid o bulagbulagan ka lang eh!" inis na inis na sabi sya.

I found him gritting his teeth, halatang nagpipigil na sya.

"Bakit!? Dapat nga magpasalamat ka pa eh! Diba gusto mo sya!? Dapat natutuwa ka dahil tinutulak ko sya papunta sayo!!"inis narin ang tono ko.

Pano kasi sinisigawan na nya ako!!

"At bakit ako matutuwa?! Pinipilit mo ako sa taong hindi ko gusto habang ikaw nasasaktan?! Bakit mo pa ba ginagawa ang bagay na yun!?!"

"Wow!! At nasama pa talaga ako!? Alam mo simpleng thank you lang ang hinihingi ko tapos ganyan ka pa!? nagmamagandang loob ako para mapalapit ka kay Merielle pero sinisigawan mo pa ako ngayon!?!?"

✔Book ApartWhere stories live. Discover now