Chapter Sixteen

Magsimula sa umpisa
                                    

She cleared her throat. Itim na itim ang mga mata ni Karla while Kathleen's soft brown like her. Hindi niya nakilala si Fred pero natitiyak niyang hindi minana ni Kathleen ang mga mata sa tunay nitong ama. Consuelo had brown eyes and those were the only traits she inherited from her.

Busina ng sasakyan ang sabay na nagpalingon sa kanilang dalawa sa labas. Narinig nila ang pagparada nito sa labas at ang pagbukas at pagsara ng pinto. Tumayo siya upang salubungin ang dumating. Si Greg at Allie marahil at inihatid si Kathleen.

"Janine!" si Emma na sumungaw sa pinto.

"Tita Emma," nakangiti niyang salubong sa tiyahin at yumakap at humalik sa pisngi nang magulat sa pagpasok ng isa pang panauhin. "Matthew!" Kumawala siya sa tiyahin and acknowledge the man with a smile.

"Hi, beautiful. I missed you so terribly," nakangiting bati nito. Nang yakapin at hagkan siya sa mga labi'y nagpaubaya siya subalit napasulyap kay Jake sa may bar na nakatitig sa kanila. His face unreadable. "Gusto kong ihingi ng paumanhin ang outburst ko nang gabing iyon, Janine," dugtong ni Matthew sa reconciliatory tone.

"Galing kami ng bahay ni Mrs. Cordero, Janine," si Emma na sunod-sunod ang paypay at inikot ang tingin sa loob ng kabahayan. "Itinuro ni Mrs. Cordero ang bahay na ito," wika nito na sinulyapan si Jake at hinagod ng tingin nang matagal. Pagkatapos ay dinampot ang isang lampara sa may eskaparate at sinuri. "Hmm... this is antique... probably a hundred and fifty year old."

Tumikhim ang dalaga. "Tita Emma... Matt, si Jake Falcon." nilinga niya si Jake na ang mga mata'y nasa braso ni Matt na nakaakbay sa kanya, possessively.

Nagsalubong ang mga kilay ni Matt. "Ikaw ang nakasalubong ko sa elevator," wika nito kay Jake na nagkibit lang ng mga baiikat.

Masusing hinagod ng tingin ni Emma si Jake at muli ay ang pamangkin. She sighed knowingly. "We've already met, darling," bale-walang sinabi nito sa panlalaki ng mga mata ni Janine.

"You've met! Where? When?"

Hindi siya pinansin ni Emma at idinako ang mga mata sa eskaparate at dinampot ang ilan sa mga naroroong display. "These are all priceless items, Janine."

"Darling," si Matt at inakbayan siya bago pa siya makapagtanong uli. "Don't you think it's high time that you go back home?"

"Tawagin mo si Nana Rosa, Janine," ani Jake sa walang emosyong tinig. "...at asikasuhin mo sila. Please excuse me." humakbang ito patungo sa hagdan at pumanhik.

HE was staring at the ceiling for minutes gayong wala namang nakikita nang isang marahang katok ang narinig niya at bumukas ang pinto at pumasok si Janine.

"What do you want?" marahas nitong tanong.

Tinitigan ni Janine ang lalaki. Nakahiga sa kama at nakabitin ang dalawang binti sa sahig. Nakaunan sa dalawang braso. Bukas ang lahat ng butones ng polo shirt at nakahantad ang matipunong dibdib. She smiled silently and deliciously when she saw the dark hair trailed down to his unsnapped jeans showing white briefs. Alam niya na kung saan nagtatapos iyon.

"I only came to—"

Nanalim ang mga mata nito. "Go, Janine. Hindi kailangang magpaalam!"

"Jake—"

"Beat it!"

She drew her breath. "Gustong ipasabi ng Tita Emma ang paghingi niya ng paumanhin sa inasal niya sa iyo noong sumunod ka sa Maynila upang kausapin ako. Hindi ko nalaman iyon, Jake." nasa tinig niya ang panghihinayang.

"Matagal na iyon, Janine. Nakalimutan ko na," walang emosyong sagot nito.

Ilang sandaling tinitigan ni Janine ang binata at pagkatapos ay tumalikod palabas. Marahang isinara ang pinto.

Jake closed his eyes tightly until it hurt. It didn't matter, he'd been hurting for the last five years. Kung bakit sa dinami-dami ng mga babaeng napaugnay sa kanya ay sa isang tulad ni Janine siya nagmahal. The irony of life.

Huminga siya nang malalim. He will bear the pain though it'll probably kill him this time. Narinig niya ang tunog ng papalayong sasakyan. Pinilit niyang tumayo at lumakad patungo sa bintana upang tanawin ito sa huling pagkakataon.

Alikabok ang iniwan ng papalayong Mercedes Benz pero nagsalubong ang mga kilay niya nang matanaw ang nakaparadang BMW. Mabilis siyang lumabas ng silid at nagmamadaling tinungo ang silid ni Janine. He opened it roughly.

Umikot ang mga mata ni Janine na kasalukuyang nagpapalit ng damit. "Talaga bang hindi uso sa mga tao dito ang kumatok bago pumasok?"

"Bakit nandito ka pa?" It was asked with anger and anticipation and a little hope.

Walang anumang nagpatuloy sa paghubad si Janine. Ibinagsak sa kama ang bra bagaman nakatalikod kay Jake. Napahugot ng paghinga si Jake sa ginagawa niya. Isinunod niya ang jeans.

"Dammit, Janine!"

Inabot niya ang silk robe at isinuot. At humarap sa lalaki habang itinatali ang sash. "I have no intentions of leaving this farm, Jake Falcon," aniya sa mariing tinig. "You promised to marry me a long time ago. Failed to do it and married another woman instead. Now that you're capable again of fulfilling that promise, I demand that you marry me." He was dumbstruck! He had always been rendered dumbstruck by this woman.

Nagkibit ng mga balikat si Janine. Bahagyang lumungkot ang mukha. "I know I have nothing in common with Allie but—" He didn't remember closing the distance between them. But he was there. Janine in his arms. Holding her so tightly as if in fear that she will vanish in a flash.

"You have so many things in common with Allie. But hell, those were not the reasons why I loved you, still love you. And I don't want you comparing yourself with any woman, be it Allie or anyone. I love you, Janine del Castillo. Because—" he trailed off.

Nagsalubong ang mga kilay ni Janine. "Because what?"

"Just because." he gave a mischievous grin.

She groaned. "I won't take that. Give me one reason."

"Oh, well, I couldn't give one reason that is more important than the rest."

She wrinkled her nose. "I've read that somewhere."

"Nevermind," he said huskily, tinatastas ang tali ng roba niya. "Let's make love and marry this afternoon and make love again until we can't walk anymore."

Carnal longing run through her spine at the sensuality of his voice. "Let's rephrase that, Mr. Old fashion man, let's go out of the house now, grab a judge to marry us and make love."

Umiling si Jake. "Nah. 'Can't wait. Forget the old fashion man, he died five years ago." and devoured her mouth with a devasting kiss.

Moments later, ecstatic cries, erotic moans, and delirium noise filled the room. Not to mention the creaking sound of the old Spanish four-poster bed.

Sa ibaba, inihahanda ni Nana Rosa ang isang masaganang hapunan. Alam niyang kailangan ng dalawa iyon pagbaba. Tumingala sa itaas ang matanda at umiling kasabay ng pagngiti. Iyon ay kung bababa.

Wakas..



Available on e-book format : https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/735/GEMS-01--Pangako





Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon