Chapter Twelve

42.8K 899 47
                                    



ALAS-DOS ng madaling araw nang nagising siya. Naninibago marahil sa estrangherong silid. She tried to go back to sleep pero ayaw na siyang dalawin ng antok. Bumangon at sumilip sa nakabukas na bintana. Madilim pa sa labas subalit may pangako ng liwanag ang likod ng mga bundok.

Lumabas siya at maingat na isinara ang pinto. Ni hindi nagbukas ng ilaw. Bumaba ng hagdan at sinikap na huwag makagawa ng kahit na anong ingay na maaaring ikagising ng mga kasambahay.

Sa pamamagitan ng malamlam na ilaw sa labas ay nakarating siya sa kusina, kinapa ang ilaw roon at binuhay. Nang magliwanag ang paligid ay hinanap ng mga mata ang percolator. Nilagyan ng tubig at isinalang sa kalan para sa kape.

Then she stood there watching the blue flame absent-mindedly, as if being hypnotized by the blue fire from the stove. Tama bang pinagbigyan niya si Consuelo sa kahilingan nito? She wasn't even sure kung tama ang ginawa niyang pagbabalik muli sa lugar na ito. Is the reconciliation with her mother worth the hearthaches?

Would she be able to come home nang hindi nasusugatan uli? Gayong ang makapal na yelong ibinalot niya sa puso niya sa nakalipas na mga taon ay biglang natunaw the moment she set her eyes on him. Like a frost melting in summer sunshine. At gaano kalalim ang sugat na lilikhain ni Jake sa puso niya sa pagkakataong ito? Would she be able to recover then?

"Hindi ba komportable ang silid na ibinigay ko sa iyo at nagising ka nang ganito kaaga?"

Napapiksi siya sa gulat nang marinig ang tinig ni Jake sa likuran. Kung hindi niya natakpan ang bibig ay baka napasigaw siya. Nakasandal ito sa hamba ng pinto. Walang suot kundi ang maong na hindi pa naka-snap ang hook. At hindi pa man lang kumakalma ang dibdib niya sa gulat, her foolish heart started to pound violently as she stared at the half naked man who probably haven't had a minute's sleep.

"Marunong ka palang mag-init ng tubig, ha?" Hindi siya nakatitiyak kung panunuya o amusement ang nasa tinig nito.

She took a calming breath, tumalikod at binuksan ang cupboard at kumuha ng tasa't platito. "Kung gusto mong magkape, help yourself," she said in strangled voice, not looking at him. Damn him for invading her solitude. "Hindi ako marunong magtimpla ng kape para sa ibang tao. And you were right, sa social status lang kami magkatulad ni Allie because she's also a good cook, among other things," she said bitterly.

Jake saw the trembling fingers habang ibinababa niya ang tasa at platito sa mesa. And he cursed himself silently.

"Though igniting that stove is pure common sense," patuloy niya at humakbang pabalik sa cupboard. Binuksan ang drawer at kumuha roon ng kutsarita. Muli siyang napapitlag sa biglang pag-whistle ng percolator.

Damn, damn her. Nagiging nervous wreck siya sa harap ng lalaking ito. And she felt like bursting into tears right now.

Sa dalawang hakbang ay nasa tabi niya si Jake. Kinuha sa mga kamay niya ang kutsarita. Inakay siya nito paupo sa coffee table. Ang katawan nitong nakadikit sa kanya'y sing-init ng apoy sa kalan. And they both stiffened as their bodies touched. Si Jake ang unang lumayo.

"I sure can make you a good cup of coffee, promise," he whispered hoarsely. Tenderness and desire showed in his eyes. "Now be a good girl and watch me make us my own version of capuccino."

And she sat there speechless and mesmerized. Watching him like crazy habang ginagawa ang ipinangakong masarap na kape. She was fascinated by the movement of muscles on his arm as he mixed coffee, chocolate powder, little sugar, and milk in a mug and beat it with a fork na tila ba itlog ang naroon.

Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)Where stories live. Discover now