Chapter Eleven

En başından başla
                                    

She swallowed hard. He was too close for comfort. And her heart skipped a little sa medyo magandang mood nito.

"Nariyan ka na pala, Jake," si Nana Rosa mula sa kusina. "Teka at dadagdagan ko ang pagprito ng tawilis. Mukhang magugustuhan ni Janine." muli itong tumalikod.

Si Janine ay pinamulahan ng mukha. And to her surprised, Jake smiled. And she wanted to reach him and kiss those sensual mouth.

Dinampot ni Jake ang tawilis at kumurot at isinubo. "See, no problemo. Chew it and swallow. Ganoon ka simple. You rich people, hindi ninyo alam kung ano ang masarap na pagkain," patuloy nito at kinindatan ang anak na nakangisi. Hinila ang isang upuan at naupo. Tumaas ang kilay nang mapuna ang suot niya. "Pajama? As far as I know, fashionable women wear sexy negligees?" he taunted.

Agad na niyuko ng dalaga ang sarili. Noon lang napunang nakapantulog pa rin siya. Totoong pajama ang suot niya but it's made of satin at kahit papaano'y nakabakas doon ang katawan niya. On instinct ay itinaas niya sa dibdib ang mga braso.

"Oh, don't worry about virtues," patuloy ni Jake na tila nahuhulaan ang nasa isip niya. "May palagay akong wala nang natitira pa sa iyo." sa pagkakataong iyon ay tuluyang naglaho ang kislap ng mga mata nito at nahalinhan ng galit.

Akma siyang magbubuka ng bibig upang sagutin ang lalaki nang mapunang nakamata sa kanila si Kathleen.

"Excuse me," aniya sa pigil na galit at tumayo at nagmamadaling lumabas ng dining room.

"Kailan ka pa naging bastos, Jake?" si Nana Rosa sa may bungad ng kusina at dining room.

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Jake. Tumiim pang lalo ang mukha. Sinulyapan ang anak na sa inosenteng mga mata ay naroon ang tila akusasyon sa pagkakatitig sa kanya.

He swore silently at tumayo. Hindi nagtagal ay si Kathleen na lang at si Nana Rosa ang nasa mesa.

"Huwag mong pansinin ang matatanda, Kathleen. Lalo na iyang daddy mo. Kuu, mainit ang ulo mula pa kahapon," wika nito na naghimay ng maliliit na tapa at inihalo sa kanin at inilagay sa harap ng bata. "Kumain ka na. Mukhang kasundo mo si Janine, ha?"

Ngumiti ang bata at tumango. Pagkatapos ay dinampot ang kutsara at tinidor at nagsimulang kumain.

NANG hapong iyon ay kasama ni Janine si Kathleen para dumalaw kay Consuelo. Nasa kabayanan ang dalawa nang biglang umangat mula sa upuan si Kathleen at tinanaw ang isang burger house.

Ngumiti ang dalaga at inihinto ang sasakyan ng mga Cordero sa tabi. "Gusto mong pumasok muna tayo sa burger house?" Sunod-sunod na tango ang ginawa ng bata kasabay ng kislap ng mga mata. "You're the boss." ibinalik niya ang kotse sa burger house at ipinarada sa harap.

Mahigit sa kalahating oras ang dalawa sa burger house. Pagkatapos ay bumalik na sa parking lot. Kasalukuyang binubuksan ni Janine ang kotse niya nang isang owner-jeep ang pumarada sa tabi nila at bumaba ang isang lalaki na tinawag si Kathleen.

Nahinto sa pagbubukas ng kotse si Janine at nilingon ang lalaki. Bahagya lang siyang nagulat nang makilala ito. Si Almario Guenias.

"Kathleen," bati nito sa bata bagaman kay Janine nakatuon ang mga mata. Si Kathleen ay mabilis na humawak sa kamay ng dalaga at nagtago sa likod niya. "Nice seeing you again here, Janine," ani Almario na lumapad ang pagkakangiti.

"Dinala ko sa burger house si Kathleen, Mr. Guenias."

"'Al' na lang, Janine," patuloy ng lalaki. Pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay. "Kasalukuyan ka bang nagbabakasyon sa mga Cordero?"

"Ganoon nga, Al. Katunayan ay tutuloy kami ngayon ni Kathleen sa lola niya." nilingon ang bata na halos isubsob ang mukha sa likuran ng dalaga.

"Ngayon ko lang nalaman na may kakilala si Karla na kasingganda mo." Umikot ang mga mata ni Janine sa gasgas na compliment. Natawa ang lalaki.

Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin