Chapter Eight

Depuis le début
                                    

Gustong sumabog ng dibdib ni Janine sa narinig. Kung kanina'y nakaamba lang ang patalim, ngayon ay itinarak ni Karla sa dibdib niya iyon. Mabilis siyang tumalikod and bit her lower lip. May pakiramdam siyang umiikot ang lahat. Mahigpit niyang inihawak ang mga kamay sa silyang nasa harap.

"And, Janine..." patuloy ni Karla uncaring of the pain she inflicted. "We are getting married, kakausapin ni Jake ang papa't mama ngayong gabi. And you will be invited."

Para siyang tuod sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Ilang sandali nang nakalabas si Karla ay hindi pa rin siya tumitinag. Hindi niya gustong umiyak. Hindi kailangang iyakan ang panlolokong ginawa sa kanya.

Nasa ganoon siyang ayos nang muling bumukas ang pinto at pumasok si Consuelo. Nababaghan siya sa inaasal ng mga tao sa bahay na ito. They couldn't even practice the decency of knocking.

"Gusto kitang makausap," bungad ni Consuelo na tumuloy sa may bintana at tumanaw sa labas kung saan naroon si Anselmo at hinihimas ang mga sasabunging manok. Pagkatapos ay tumingin sa kanya.

"T-tungkol ho saan?"

"Hindi ko alam ang dahilan mo sa pagparito, Janine," she said in a chilling voice. "Sa palagay mo ba'y maitatago mo sa akin ang tunay mong pagkatao?"

"A-ano ang... ibig ninyong sabihin?" Sunod-sunod ang kabang bumangon sa dibdib niya.

"Did you think you could fool me? Hindi ka ba tumitingin sa salamin? Hindi mo ba nakikitang ikaw at si Maurice ay iisa? You even moved and talked like him." nasa tinig nito ang pigil na galit.

"A-alam ninyo?" manghang tanong niya sa nanunuyong lalamunan. All along ay alam ni Consuelo kung sino siya!

"Unang araw mo pa lang dito'y kinakabahan na ako sa tunay mong pagkatao. All our lives ay wala kaming nagiging bisita na hindi namin kilala. Mula sa referral ng isang tagabangko kung saan isa ang ama mo sa nagmamay-ari ay dumating ka. Sa paglipas ng araw ay napatunayan ko ang hinala ko. Sa palagay mo ba'y hindi kita makikilala, Janine del Castillo?" patuloy ni Consuelo na muling sumulyap sa bintana, nakita niya ang takot sa mukha nito bago bumalik ang tingin sa kanya. "Tulad ka rin ng iyong ama, gusto mong gumawa ng gulo sa pamilya ko!"

Umiling siya. "H-hindi totoo iyan. Gusto lang kitang makita. Hindi ko hinangad na ipaalam sa inyo o manggulo."

Tumuwid ang katawan ni Consuelo. "Kung ganoon ay iwan mo ang bayang ito at bumalik ka na sa pinanggalingan mo ngayong nakita mo na ako."

"A-anak mo rin ako." she didn't want to sound begging pero iyon ang lumabas sa bibig niya. Umiwas ng tingin si Consuelo.

"Your father raped me." napangiwi si Janine doon. "And I hated him for that. At habang nakikita kita ay muli mong hinukay ang matagal nang nakabaong damdamin..."

"Pero... bakit kailangang pati ako'y—"

"Nakikiusap ako," agap ni Consuelo. "Hindi ko gustong magulo ang buhay kong minsan ay muntik nang mawasak. Nakikita kong hindi ka rin gusto ni Karla. Kabuuan ka ng mga pangarap niyang hindi kayang ibigay ni Anselmo. Kaya umalis ka na, Janine, at huwag ka nang bumalik. Isa pa'y nakatakda mong wasakin ang kinabukasan ng anak ko dahil kay Jake. Hindi niya kakayanin kung sa ikalawang pagkakataon ay tatalikuran siya ng isang Falcon!" pagkasabi niyon ay tumalikod ang matandang babae at lumabas ng silid.

Muli ay naiwang tila estatuwa si Janine. Kinumpirma ni Consuelo ang sinabi ni Karla. Sa pagitan lamang ng ilang buwan, sunod-sunod na sakit ng loob ang dinanas niya. Her beloved father died. Now, her own mother rejected her. And the man she loved betrayed her.

Kung alin ang mas masakit ay hindi na mahalaga sa kanya. Pinuno ng hangin ang dibdib at tumayo. Tumigas ang mukha. It was her fault anyway. Binawalan na siya ni Emma na huwag nang magtungo pa rito at hukayin ang lihim ng kanyang pagkatao pero nagpilit siya. May gusto siyang gawin at malaman.

Nagawa niya ang gustong gawin. And she was brokenhearted twice in one single day. Hindi siya nag-aksaya ng panahon at nagmadaling magbihis at inilagay sa maleta ang mga gamit. Pagkatapos ay lumabas ng silid. Nasa sala si Consuelo na bahagyang nag-angat ng tingin pagkakita sa kanya. Nilapitan niya ito and placed on the near table a few hundred bills.

"Kabayaran ng pagtigil ko dito." itinaas niya ang mukha,

"H-huwag mo akong insultuhin," gumagaralgal na sinabi ni Consuelo. Sumulyap sa may pinto.

Tumaas ang kilay niya. Sinikap paglabanan ang matinding sama ng loob. "Really? Hindi ba at tinanggap mo ang pera ng papa upang ipantubos sa niyugan ninyong isinanla? You cried rape and yet you're no better than a mercenary." Pagkasabi niyon ay taas-noo siyang lumabas ng bahay. Ipinasok sa trunk ng kotse ang mga gamit. Naisara na niya ito nang tawagin siya ni Mr. Cordero na hawak-hawak ang tandang.

"Janine, hija," wika ng matandang lalaki na nagsasalubong ang mga kilay. "Aalis ka ba?"

"Ah... eh..." napasulyap siya sa pinto at naroon si Consuelo na sa tingin niya'y namumutla sa pagkakatingin sa kanilang dalawa ni Mr. Cordero. She sighed. "I am sorry, sir, pero tumawag ang Tita Emma at kailangan na akong umuwi ngayon din..."

"Biglang-bigla naman yata, hija..."

"Pasensiya na po kayo pero tapos na rin ho ang taning ng university sa akin. Lunes ho bukas at kailangang nandoon na ako. Nagpapasalamat ho ako nang marami sa kagandahang loob ninyo." muli niyang nilingon ang ina sa walang emosyong mukha.

"Eh, siya," wika ng matanda na bagaman nabigla'y ngumiti. "Mag-iingat ka sa daan."

Banayad siyang ngumiti. Lumapit sa matanda at hinagkan ito sa pisngi. Sa sulok ng mga mata niya'y alam niyang nasa itaas ng bahay si Karla at matiim na nakatunghay sa kanila.

She left the farm hurting, as she had never before hurt in her whole life. Nasa highway na siya nang makita niya sa tagilirang salamin na humahabol ang Renegade. Wala siyang balak huminto subalit mas mabilis ang sasakyan nito at humarang sa may unahan niya. Napilitan siyang magpreno.

She tried to compose herself nang bumaba ng jeep ang binata. She was so angry with him this morning but not so brave now that confrontation is inevitable. Humakbang ito papalapit sa kanya sa nagsasalubong na mga kilay. Ibinaba niya ang salamin sa bintana.

Niyuko siya ni Jake, ang aroganteng ilong ay halos madikit na sa mukha niya. She raised her face with dignity at bago pa ito nakapagtanong ay nagsalita na siya.

"I am leaving."

"I had gathered that much dahil sinabi ng Tito Ansel na nagpaalam ka na sa kanila," wika nito sa bahagyang naguguluhang tinig at pinipigil na galit. "And without even bothering to say good-bye to me?"

"Look, Jake..."

"Don't you think I deserve an explanation?" he drawled. "Hindi ba at usapan natin na ihahatid kita sa Maynila pag-uwi mo?"

"Ikaw lang ang may sabi niyon," aniya na muling itinaas ang mukha. "I didn't agree with you. Listen, Jake." pinuno niya ng hangin ang dibdib. "Hindi papayag ang Tita Emma ko na kausapin mo siya. Hindi ka niya haharapin—"

"Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"Jake, hindi ako ordinaryong estudyante. My father was a major stockholder of Mega Banking. Itanong mo kay Allie ang bagay na iyan, she knows me. Or you can go to the bank today and take a Condensed Statement of Condition from the shelf. Nakalagay ang pangalan ko roon bilang kahalili ng papa sa directorship. Hindi 'de Gracia' ang pangalan ko tulad ng ipinaniwala ko sa inyo but 'Janine del Castillo,'" tuloy-tuloy niyang sinabi. Wanting to hurt him as he'd hurt her.

Jake stiffened. The silence that followed was dreadful. Kung gaano katagal siyang tinitigan nito ay hindi niya alam. His nose flared angrily.

"And what happened between us was just a rich woman's game?" he said softly, dangerously soft.

Nagkibit siya ng mga balikat. Damn him for asking if it was all but a game! But she'd rather die kaysa pahihintulutan niya ang lalaking itong makitang nasasaktan siya.

"Good-bye, Jake," she said as she squared her shoulders and raised her face a fraction. "I enjoyed it, real—" nahinto siya in mid-sentence when he grasped her arm painfully. Jake opened his mouth to say something nang biglang magbago ang isip. Marahas din siyang binitiwan na bumagsak ang braso niya sa edge ng salamin. She supressed to cry out the physical pain. Pagkatapos ay walang kibong bumalik sa sasakyan nito.

Hindi nag-aksaya ng sandali si Janine. Muling ini-start ang sasakyan palayo ng lugar na iyon.

Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant