Damn, but this farmer is drop dead gorgeous!

Tumikhim si Jake na biglang ikinatuon ng mga mata niya sa mapanuring mga mata nito. "Nagkita tayong muli, Miss—"

"You're right," agap ng dalaga bago nito mabuo ang itinawag sa kanya noon, "...we've met again. At ang malas ko naman since I really have no wish of meeting you again."

"Talaga?" sang-ayon nito na tumaas ang isang sulok ng bibig sa nang-uuyam na ngiti. "But then the feeling is mutual, Miss Estrangherang Matapobre."

Namilog ang mga mata ng dalaga. "Hindi ka lang bastos, antipatiko ka pa!" she hissed. "Why don't you just leave," taboy niya rito. "Sa pagkakataong ito'y hindi ko kailangan ang tulong mo."

Nagkibit ng mga balikat si Jake. "O, eh, di malamang na tatanghaliin ka ng uwi, Miss," he said in mocking amusement. "Dahil sa ikalawang pagkakataon, naliligaw ka na naman."

"A-ano ang ibig mong sabihin?" Bahagya siyang nautal sa pagitan ng inis at pagkalito.

"Nasa loob ka lang naman ng Falcon Farm, kung paanong tulad din noong unang araw tayong magkatagpo. Ang totoo nga niyan, eh, tresspassing ka." idiniin nito ang huling sinabi and studied her confused face and asked himself why though this girl who isn't beautiful by his standard couldn't be considered plain either. And how come she's getting interesting in every passing minute.

"I—I don't believe you..." usal niya kasabay ng paglinga sa buong paligid. Hindi nga pamilyar sa kanya ang kinaroroonan niya. She might really have ran farther sa normal niyang ruta at napaliko sa hindi kabisadong daan. Ang kapal naman kasi ng fogs sa daan kanina.

"May palagay akong wala kang mapagpilian kundi ang maniwala sa akin. Duda pa nga akong sadya kang tumuloy dito para magkita tayong muli." ngumisi ito sa nanunudyong paraan.

Naningkit ang mga mata ng dalaga. "You good for nothing farmer!"

"Aray ko!" si Jake na lalong naaliw sa panlilisik ng mga mata ng dalaga. One thing he didn't understand ay kung bakit kailangang inisin nito ang bisita ng mga Cordero.

Tumaas-baba ang dibdib ni Janine sa galit. Yumuko at inayos ang shoe lace. Pagkatapos ay tumalikod upang umalis na lang subalit hindi pa siya nakakahakbang ay muling nagsalita si Jake.

"Sa agang ito'y wala kang mapagtatanungan dahil hindi ito ang ruta ng mga nagtatrabaho sa bukid bukod pa sa napakaaga pa at—"

"Go to hell! Mas gugustuhin ko nang maligaw kaysa—" napigil sa lalamunan niya ang sasabihin. May kung anong munting hapdi ang gumuhit sa likod niya that caused her to suck her breath sharply.

Si Jake ay nawala ang nanunuyang ngiti at nagsalubong ang mga kilay sa malakas na pagkakahugot niya ng paghinga. At bago pa maintindi ni Janine kung ano ang kumagat sa likod niya'y bumaba ng Renegade ang binata at humakbang palapit. Napaatras padikit sa puno ang dalaga. Her eyes widened a fraction in awe.

He wasn't just big, he was also tall. And to think na hindi naman siya maliit pero pakiramdam niya'y hantik siya at higante ang lalaki.

"H-huwag kang lalapit..." she warned nang patuloy sa paghakbang si Jake palapit sa kanya. Ano ang gagawin nito? Nagpalinga-linga si Janine, umaasang may tao siyang makikita sa paligid maliban sa kanilang dalawa. Pero saan naman siya tatakbo, hindi nga ba at nasa loob daw siya ng Falcon Farm?

Huminto sa harap niya si Jake at itinaas ang kamay patungo sa kanya nang biglang tumili nang malakas si Janine sa gulat ng binata.

"Hey! Wala akong masamang gagawin sa iyo," wika nito na mabilis na ibinaba ang kamay.

"B-bakit mo ako—?"

"May hantik sa leeg mo..." agap ng binata at itinuro ang kuwelyo ng sweatshirt niya.

Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)Where stories live. Discover now