She closed her eyes tightly for a while.

Alin ba ang mas dapat damdamin? Karla's death? Ang atake ni Consuelo? O ang nagbabantang pagkawala ng boyfriend niya? And hadn't she asked the same question five years ago? Though this time, she knew the answer.

Hindi man niya gustong aminin ay mas pinanghihinayangan niya si Matt kaysa sa stepsister at mas concerned siya sa maaaring kahihinatnan ng relasyon nila kaysa sa nangyari sa ina. Again, she will go into the process of entertaining men at pumili ng isang lalaking maaari niyang maging boyfriend na parang nag-i-screen ng empleyado. At hindi madali iyon. Mahirap makahanap ng lalaking kasundo niya. In more ways than one ay magkasundo sila ni Matt.

She sighed wearily, she will give Matt a call tomorrow. Tumayo ang dalaga upang lumabas ng silid at i-lock ang pinto sa labas. Hindi niya narinig ang pagsara ng pinto na marahil ay hindi na pinagkaabalahang kabigin ni Matthew.

Nahinto sa paghakbang si Janine nang makitang may tao sa loob ng sala niya malapit sa may nakabukas na pinto. Nakayuko ito sa mga nakakalat niyang damit.

"Who are—!" Pagalit niyang tanong na napigil sa lalamunan niya nang tumingala ang lalaki sa kanya. And she literally stopped breathing for a while nang mapagsino ito. At natitiyak niyang sandaling huminto sa pagdaloy ang dugo sa mukha niya.

The man's face showed distaste and malice sa pagkakatitig sa kanya at pagkatapos ay muling yumuko at tinitigan ang nagkalat niyang mga damit sa bungad ng pinto. He bent and used his forefinger upang damputin ang lavander lace brassiere niyang basta na lang ibinagsak ni Matt kanina. And with hatred in his eyes looked straight into hers, habang itinaas ang bra niya sa ere.

"Your lover did a quickie, Janine del Castillo," wika nito in his familiar masculine drawl, twisting one corner of his lips in sarcasm. "And perhaps with his pants still on." inihagis nito ang lacy undergarment sa sofa na tila ito makamandag na ahas at pagkatapos ay sinuyod siya ng malisyosong tingin. "I was tailing you in fact, kaya alam ko kung gaano siya katagal dito. I tried to ring you moments ago sa parking lot to tell you that I am coming up but the line was cut off," he added maliciously.

Janine was horrified. She was sure all colors drained from her face. Ang nagkalat niyang mga damit sa sahig, ang maiksi at manipis na silk robe na dahil hindi naman naitali nang mahigpit ay nakikita pa ang dibdib niya, spoke volumes and justified the man's maliscious thoughts.

But she ignored the malice and sarcasm. Ignored the anger that rose in her chest. She wouldn't dream of correcting him. Anyway, kung hindi dahil sa naunang telephone call ay malamang na ganoon nga ang nangyari. Mas higit na nag-uunahan sa isip niya ang mga dahilan kung bakit naroon si Jake Falcon, makalipas ang mga taon.

"A-anong... ginagawa mo... dito?" Sa wakas ay nahanapan niya ng boses ang sarili. She clasped the lapel of her robe tightly as if it was her lifeline. Hindi siya dinaya ng mga mata niya kanina. He was at her show tonight.

"This is the last place where I'd be if I had the choice, Janine." his voice cold that she shivered from it. Pinagsalikop niya ang mga braso sa sarili.

And she ignored the pain that sliced thru her. "M-maupo ka, Jake." itinuro niya ang sofa as she remembered her manner. "M-mag... magbibihis lang ako."

"Oh, but don't bother," he said and surveyed her up and down with a leer on his face. "Hindi ako magtatagal. Gusto ko lang sabihin sa iyong hindi ko matanggihan ang Mama Consuelo sa mahigpit niyang pakiusap na hanapin ka at pabalikin sa Lucban." she saw the muscles play on his jaw in controlled anger. "Though for the life of me, I couldn't understand why. You were only a passing guest five years ago."

Again, she ignored that. Matagal na niyang pinamanhid ang sarili sa sakit na idinulot ng mga taong ito sa kanya. "N-nakausap ko ang abogado ng mga... Cordero, minutes ago." she cursed herself silently dahil pinahintulutan niya ang lalaking ito na sirain ang composure niya.

Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon