"Kung hindi ko pa alam na karamihan diyan ay mga kaibigan mo." She said demurely bagaman bakas sa mukha ang satisfaction at kasiyahan.

Ito ang kanyang ikalawang show since she started designing women's wear. Parehong ginanap sa malalaking hotel and both were successful at gumawa ng pangalan para sa kanya bilang ang pinakabago at in-demand na fashion designer ng bansa, and the youngest too. One of her American friends who watched her first show had compared her to the famous Donna Karan, na ang mga design ay ilang beses na niyang naisuot bilang isa sa mga supermodel.

Nang bumalik siya sa Pilipinas two years ago matapos ang apat na taong paninirahan doon ay nag-concentrate siya sa fashion designing. She was twenty-three then, and felt older. Maraming mga batang modelo ang nagsusulputan and she wants a dignified exit.

"Baloney!" Ang baklang manager niya sa America. "You look thirteen, darling, and Ultima wants you for their new product."

She chuckled. "Thank you for the ego booster, Ernest, and of course, I'll take that Ultima contract. But I am still going home," aniya sa pagtitili ng manager niya kahit na sabihin niyang babalik siya kung may magandang assignments which she did.

Ang totoo'y hindi naman iyon ang talagang dahilan. Marami sa mga kapwa model niya'y mas matanda pa sa kanya. Gusto lang niyang umuwi. She felt empty and tired and lonely. Hindi niya alam kung bakit. Marahil ay dumarating sa tao ang ganoon, despite the fame and glory.

Now, she's twenty-five. Mula nang umuwi siya'y bumabalik pa rin siya sa America at Europa kung tinatawagan ng manager pero agad na bumabalik sa Pilipinas bilang home base. At sa pagitan ng mga modelling travel ay naisisingit niya ang sariling fashion designing.

At ang ikalawang show niyang ito'y patunay na kaya niyang pasukin ang fashion business na tanging mga lalaki lamang ang kinikilala sa Pilipinas.

"You don't want me to believe that, do you?" Nabalik ang isip niya kay Emma na sinagot ang sinabi niya. Bahagyang lumaki ang mga mata ng matandang babae na sa edad na kuwarenta-y-nueve ay tila nakatatandang kapatid lamang ni Janine. "I know those women down there. Kahit na kaibigan ko pa sila'y hindi nila tatangkilikin ang mga design mo kung talagang hindi maganda."

Akmang sasagot ang dalaga nang pumasok ang isa sa mga assistant niya. "Para sa iyo, Janine." inilapag nito sa mesa ang dalawang basket ng mga bulaklak. Pagkatapos ay muli ring lumabas.

"Hmnn..." nakangiting wika ni Emma. "Kanino kaya galing, hija? Kanino sa mga admirer mo?"

Janine smiled tiredly at marahang humakbang patungo sa mesa at dinampot ang card mula sa isang basket at binasa nang malakas. "Congratulations. You've made it again. Signed P. Tesoro."

"Oh!" bulalas ni Emma sa galak. Pagkatapos ay ito na mismo ang lumakad patungo sa isa pang basket at tiningnan ang card na naroon. "Look where these came from. Ixino Sotto!"

She grinned. "I'm flattered. They must have ordered these flowers even before the show had begun."

"Tiyak iyon, hija," sagot ni Emma sa nagmamalaking tinig. Bumukas ang pinto at pumasok si Matthew.

"Hi, Tita Emma." hinagkan nito sa pisngi ang matanda bago nilapitan ang dalaga at dinampian ng halik sa mga labi. "Congratulations, honey." inilabas nito mula sa likod ang isang box na kinapalooban ng tatlong rosas.

"Oh, thank you, Matt." idinikit niya ang ilong sa cellophane na para bang tatagos doon ang bango ng mga bulaklak. "Did you enjoy the show?"

"With those legs? Definitely. And so are the boys down there," nakangiting sang-ayon ng binata. "Siyanga pala, kinausap ako ni Mrs. Albaracin, she'll take the black gown. Iyong signature dress mo."

Pangako (Published by Precious Hearts Romances) (Completed)Where stories live. Discover now