Napatitig tuloy ako sa kanya. Siguro mas okay pa yata kung siya na lang yung naging boyfriend ni Rachelle instead of Trevor. Mukha kasing mabait at responsableng tao itong isang ito eh. Ipakilala ko kaya siya kay Rachelle. Yung mga type pa naman niya yung gusto ni Rae. Matangkad, malaki ang katawan, clean cut ang buhok, moreno, gwapo pa.

Pagkakain namin ay pinalitan ko yung dressing ng sugat niya. Buti na lang at medyo may alam ako sa first aid treatment dahil sa mga tito at mga pinsan kong doktor.

"May relasyon ba kayo ni Ryder?"

Napahinto ako sa paglilinis ng sugat ni Jonas dahil sa tanong niya. "Wala."

"Wala? Sigurado ka?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Wala naman talaga. Paano mo naman nasabi na may relasyon kaming dalawa?"

"Nakikita ko sa mga ikinikilos n'yo mula pa lang kaninang umaga na pinuntahan ko kayo sa gubat. Hindi ganun makitungo si Ryder sa mga babae. Ngayon ko pa lang siya nakitang naging ganun kaingat sa isang babae. Especially with you considering you are one of his enemies. If he's not concerned about you, malamang sa lumaban na yun ng patayan kanina sa mga pulis at sa tatay at kapatid mo at ginamit kang hostage para makatakas kami. But he didn't do that kaya nun pa lang nagtataka na 'ko. And he was treating you very nicely. Kakaiba na yung way ng pakikipag-usap niya sa 'yo. Wala na yung formality, wala na yung coldness, wala na yung harshness kapag naiinis siya sa 'yo. Malumanay ka na niyang kinakausap. In fact parang ang lambing pa nga minsan tapos nagbabago yung facial expression niya, lumalambot bigla. Pati ikaw, nakikita ko sa mga mata mo yung concern mo para sa kanya. Pag nagkakatinginan kayong dalawa, parang may ibig sabihin eh. Parang palaging nag-uusap yung mga mata n'yo kapag nagtatama. Kaya wag na kayong magtago sa akin. Action speaks louder than words."

Napanguso ako bago itinuloy yung paglilinis sa sugat niya. "Kung alam mo lang yung mga pinagdaanan ko sa kamay ng lalaki na yun. Pero yung tagal namin na magkasama sa kakahuyan na yun na kaming dalawa lang, unti-unting nagbago yung tingin ko sa kanya kasi bigla rin siyang nagbago ng pakikitungo sa akin eh."

"That's because of you."

My brows furrowed and I looked up to him again. "Ha?"

"There was something so likable in you. Don't get me wrong ha. I don't like you romantically speaking, nagagandahan lang talaga ako sa 'yo because I know how to appreciate beauty when I see one and I like your personality as well. Pero si Ryder, siguro nakita niya yung kakaibang katangian mo na yun sa halos tatlong buwan na nakasama ka niya. At siguro, despite of all the bad things that we did to you, you also saw something in him that made you like him either. Sabi mo nga nababaitan ka sa kanya."

"Yun naman talaga ang tingin ko sa kanya. Mabait siya sa inyo nina Trevor at Bruce."

"That's because he's really a good person. Madali lang talaga siyang ma-misunderstood ng mga tao kasi rough and tough ang personality niya outside. But Ryder has a soft side either. Lumalabas yun tuwing kasama niya si Trev and sometimes with us also. Mahal na mahal nun si Trevor."

"Kaya ba sinabi mo kanina na tumatanaw ka ng utang na loob sa kanya?"

"Yung mga magulang ko, matagal na nagsilbi sa mga magulang niya. Kahit nung nawala na sina Sir at Ma'am, hindi kami pinabayaan ni Ryder. Noong college ako, nabangga yung taxi na sinasakyan ko. Agaw buhay ako noon sa ospital at naubusan pa ng type ng dugo ko. Good thing we have the same blood type so he immediately donated his blood for me para masalinan ako ng dugo. So technically, he saved my life. At siya rin ang nagpaaral sa aming apat na magkakapatid at nagpapagamot sa mga magulang ko kapag nagkakasakit sila. Kaya sa sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya, kahit ano pa ang ipagawa niya sa akin ay ginagawa ko talaga. Kahit pa ang ipadukot ka."

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now