Chapter21

241 10 0
                                    

CHAPTER 21.

Pagparada palang ng sasakyan ng senyor sa may parking lot ng hospital ay agad niyang namataan ang isang pamilyar na kotse, agad niyang tiningnan iyon hindi siya maaring magkamali kay Bianca iyon,kilalang kilala niya ang kotseng iyon dahil siya mismo ang nag regalo sa anak anakan. Agad nakaramdam ng kaba ang senyor at naala niya ang sinabi ni Bianca, nagbanta noon ito sa papatayin ang anak.

Dali-daling kinuha ng senyor ang cp at tinawagan si Aidan,kasalukuyan ito ang nag babantay sa anak niya.

Tumutunog lang ito at walang nasagot.

Lalong kinabahan ang Senyor kaya binilisan niya ang paglalakad para makarating agad ng hospital.

Si Aidan naman kasalukuyang kumakain sa canteen nagutom kasi siya mula kaninang umaga pang di na kain kaya naisip muna niyang kumain at sandaling iniwan ang asawa panatag ang loob niya dahil naka monitor naman sa cctv ng hospital ang asawa ,nakaupo na siyat kasalukuyang kumakain at aksidente niyang natabig ang basong bubog ibabaw ng mesa,pumatak iyon at nabasag agad naman kinabahan si Aidan ng makitang basag ang baso. agad pumasok sa isip niya ang asawang si Jealeth.

Hindi na tinapos ni Aidan ang pagkain at dagling tumayo at dali dalinga ng lakad para tunguin ang ICU na kinaroroonang ng asawa.halos takbuhin na niya ang kinaroroonan ng asawa.

Malakas ang kutob niyang may mangyayaring di maganda.

Ibig nang bumalik ni Jealeth sa mundong ginagalawan.

Pero di niya alam kung papaano. Naisip niya ang kambal niyang anak higit na kailangan siya ng mga ito.

Wala na siyang paki alam sa asawa niya basta ang mahalaga sa kanya ay ang mga anak,kailangang makabalik siyat gumising sa mahimbing na pag kakatulog.

Hindi nakatiis si Jealeth Kaya nilapitan niya si Manuel.

"Manuel!" mahinang tawag ni Jealeth nang mamataan niya ito sa may batis.

Agad naman nadinig ni Manuel ang pag tawag ni Jealeth,nilingon niya ito saka lumapit.

"Bakit?" nakangiting tanong ni Manuel, habang pinag mamasdan ang mukha ni Jealeth.

Nakaramdam nang kakaiba si Manuel,datiy masaya na siya sa mundong ito,ayaw na niyang bumalik sa pamilya at sanhi na rin nang pag kabigo sa pag-ibig ginusto niyang tumigil dito. Ngayong nakilala niya ang babaeng kaharap ay nag nanais na siyang bumalik sa dating mundo. May dahilan na para siyay mabuhay gusto niyang makasama ito sa tunay na mundo.

Lihim na ring nag papasalamat si Manuel sa mga magulang dahil hindi siya binatawan at hindi ginamitan ng Mercy killing,hindi niya matandaan kung gaano na siya katagal dito.

"Ibig ko sanang itanong kung papaano bumalik sa dati nating mundo" nahihiyang wika ni Jealeth.

"May Lagusan sa kuweba may balon doon at tumalon ka sa balon". Mabilis na sagot ni Manuel

"Sigurado ka?" nag aalangan si Jealeth kung dapat bang maniwala sa kaharap.

"Matagal na ako dito miss,kaya alam ko,diko palang ibig bumalik pero nang makita kita ninanais ko na" makahulugang wika ni Manuel.

Di naman umimik si Jealeth.

Ibig din din makabalik ang kausap sa mundo nila dahil sigurado siya hinhintay din nito ang pag gising ng kaharap.

Magaan ang loob niya dito Tulad ng Kay Tristan, kung titingnang mabuti kamukha talaga ito ng asawa niya at ni Tristan sandali siyang napaisip at ibinalik ang isip niya sa portrait na minsay nakita sa mansyon ng pamilya ng asawa.

'siya nga ang nakakabatang kapatid nila Aidan' sa isip ni Jealeth.

Minsan nakita ni Jealeth ang larawan ng kaharap sa family album ng asawa niya.

Hindi naman siya nagtanong dati kung asan ito nahihiya ps siyA sa asawa. Saka ni isa sa mansyon walang nag babanggit ng tungkol dito at kung asan ang bunsong anak ng mga Aldana.

"Ano pa lang pangalan mo miss? noong una tayong nagkausap dimo sinabi sakin.." pukaw na tanong ni Manuel kay Jealeth.

"J-Jealeth" simpleng sagot niya.

Biglang nakaramdam si Jealeth ng panghihina para siyang nauupos.

Agad namang napansin ni Manuel ang Nangyayari kay Jealeth.nag uumpisang mawLa ang paa nito.

"Kailangang makabalik ka na, bago mahuli ang lahat!kailangan munang gumising may gumagalaw sa katawan mo at gusto kang mawala sa mundo!" mahabang wika ni Manuel.

Saka hinawKan ang mga kamay ni Jealeth at tinakbo nila ang malapit na kuweba saka inihulog ni Manuel sa balon ang katawan ni Jealeth para bumalik sa mundo at tuluyan ng magising.

"Susunod ako pangako hahanapin kita!" ito ang hulung katagang iniwan ni Manuel kay Jealeth.

Pakiramdam ni Jealeth nahulog siya sa kadilamang malalim saka sumalubong sa kanya ang nakaka silaw na liwanag.

Abalang aba si Bianca sa pagtanggal sa oxygen na nakakabit kay Jealeth ng agad mapansin nito ang pag galaw ng mga kamay nito tila ibig mag mulat ng mga mata,hindi tuloy agad gumana ang utak ni Bianca kung ano ang isusunod niyang gagawin.

Hanggang bumakas ang pinto ng ICU iniluwa duon ng pintong iyon ay ang tatlong tao si Aidan,ang Senyor at ang Doctor. Agad lumapit ang Tatlong tao sa nakahigang si Jealeth dahil sa pag mamadali nilang mailigtas si Jealeth hindi nila agad nahawakan si Bianca.

Patalilis na lumabas ng pintuan si Bianca. Ang Doctor naman agad ikinabit muli ang oxygen na tinanggal ni Bianca.napansin agad nila ang pag galaw ng mga kamay ni Jealeth at pag kurap kurap ng mga mata nito.

Nakailang kurap si Jealeth si Jealeth bago tuluyang nag mulat ng mga mata nasisilaw kasi siya sa liwanag na ngayon ulit niya na silayan agad bumulaga sa kanya ang dalwang mukha. Ang Daddy niya at si Aidan. Ang dalwang taong nooy hiniling niyang bigyan siya ng pagmamahal kahit kaunti ngayoy nahihilam ng luha ang mga ito habang nakatunghay sa kanya.

"Anak ko salamat sa Diyos gising ka na!" madamdaming wika ni Senyor Ricardo saka pumatak sa mga mata nito ang ilang butil na luha.

Halos maluha si Jealeth sa narinig sa unang pagkakataon,tinawag din siyang anak ng Daddy niya.

Ibig magsalita ni Jealeth pero hindi siya makapag salita dahil sa aparatong nasa bibig niya.

Nangilid ang luha ni Jealeth sa narinig. Habang si Aidan naman ginagap ang kamay ng asawa.

"Salamat bumalik ka,hinihintay ka na ng anak natin! I Love you hon!" masayang wika ni Aidan, saka hinalkan sa noo si Jealeth.

Hindi alam ni Jealeth kung ano bang magiging pakiramdam niya sa nadinig buhat kay Aidan may Bianca na ito,Bakit sinasabihan pa siya nito ng "I Love you," bumalik siya para sa mga anak niya. Siya mismo ang makikipag hiwalay sa asawa oras na makalabas aiya ng Hospital.

"Hayaan nalang po muna natiin mag pahinga ang pasyente,okay na po siya ligtas na wala na kayong dapat ipag alala." agaw ng Doctor.

Ngayon tila naman namumbalik sila sa sarili ng maisip si Bianca. Natakasan sila nito dahil ang atensyon nila ay na kay Jealeth.

Kumuha sila Aidan ng copy ng video sa ginawang pagtangkang pagpatay kay Jealeth ni Bianca at ipinasa iyon sa kapulisan para lalong tumibay ang kaso.

Lalo namang pinag higpit ang paghahanap kay Bianca nag palabas na sila ng anunsyo sa radyo at tv. mag bigay sila ng pabuya kahit magkano sa taong makakapag turo sa kinaroroonan nito alang alang sa kaligtasan ni Jealeth.

Alam ni Aidan at nang senyor na hindi titigil si Bianca hanggat hindi nito nakikitang patay si Jealeth.

ITUTULOY...


Kailan Darating Ang Pag-ibig?(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon