Chapter 15

306 9 0
                                    

Chapter 15.

Malakas na malakas ang kabog ng Dibdib ni Jealeth habang nakaupo siya,hinihintay niya ang Cardiologist na sumuri sa kanya.

Kasabay ng pag examine sa kanya ang pag Ultra sound sa tiyan niya.

Labis ang galak ni Jealeth ng sabihin sa kanya kanina ng doctor na kambal magiging anak nila ni Aidan.

Isang babae at isang lalaki.

Excited na naman siyang ipaalam sa asawa iniisip din niya kung ano magiging reaksyon ng asawa sa ibabalita nya kasabay ng pag iisip niya sa asawa ay iniisip din niya angipapangalan sa magiging baby nila.

Dumaan pa ang ilang minuto at bumukas ang dahong puntuan ng office ni Dr. Robles ang Cardiologist. Iniluwa ng pinto ang isang nilalang na nag lalaro sa sisiyenta ang edad.

Nang agad mapuna ni Jealeth ang pagpasok ng Dr. Napahinto siya sapag iisip ng mga pangalang ibibigay sa baby niya pag nailabas niya ito.

Tumayo si Jealeth bumati at nakipag kamay siya sa Cardiologist na si Dr. Robles.

"Have a seat mrs. Aldana"

Wika ng Matandang Doctor..

Naupo si Jealeth ganun din naman ang Doctor umupo ito sa silyang yari sa kahoy na narra na nasa harapa ng mesa,saka pinasadahan ng mga mata nito ang hawak nitong papel.

Sa hula ni Jealeth ito ang resulta ng pag susuri sa kanya.

Biglang nag bago ang ekspresyon ng mukha ng doctor nabahidan ng lungkot.

Ang kabang naramdaman ni Jealethkanina ay lalong tumindi sa nakita niyang eskpresyon ng mukha ng doctor.

'God wag naman po sanang masama ang resulta!'

Piping usal ni Jealeth sa sarili.

"Tatapatin ko kayo mrs."

Panimula ng Doctor sa pormal na salita habang nakatingin sa magandang at maamong mukha ni Jealeth na nababanaagan ng takot.

"Hindi po ba maganda ang naging resulta ng test ko?"

Malungkot na tanong ni Jealeth.

"Meron kang Congenital Heart Disease we diagnos it when you was a baby and this is the second time that i review the result of your test."

Pagpapahayag ng Doctor.

"Ano pong ibig ninyong sabihin?"

Naguguluhang tanong ni Jealeth.

'Kung may depekto na ako sa puso sapol pag kabata bakit diko alam? At pangalawa beses na niyang nabasa ang result ng test ko?'

Ito ang gumugulong tanong sa isip ni Jealeth.

"Hindi ko po kayo maintindihan?papaanong pa second time ko na pong pag susuri ito?"

Gulong gulong tanong niya

saka pumasok sa isip ni Jealeth ang lola niya.

'Si Lola ang nakakaalam sakin ng lahat sapol pag kabata siya ang imaasikaso sakin kaya pala prinsesa akong maturingan ng Mansyon?'

Sa isip ni Jealeth.

Kaya pala noong bata pa siya hanggang sa magdalaga eh may yaya pa din siya,hindi siya pinagagawa ng kahit ano sa school di siya pinapahintulutan ng lola niya na sumali sa mga larong pampalakasan.

Ngayon niya lang napagtanto ang lahat at nakuha ang sagot.

Ipinaliwanag naman sa kanya ng matandang doctor ang lahat.

Kailan Darating Ang Pag-ibig?(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon