Chapter 14

246 10 0
                                    

CHapter 14.

Kung dati' rati'y laging inuutusan ni Aidan ang asawa at inaasar, ngayon nag dadalang tao na ang asawa,alagang alaga na nito ang asawa.Prinsesa na niya itong maturingan at dahil dindalA nito ang anak niya.

Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak,ito kasi ang kukumpleto sa pagkatao niya bilang lalaki.

Kaya nga noon niyaya niya si Bianca ng kasal dahil sa gusto niya ng anak,ngunit lagi siyang bigo dito.

Labis siyang nasaktan ng makailang ulit siya nitong tanggihan sa alok niyang kasal para dito.

Wala siyang magawa dahil matayog ang pangarap ng dati niyang kasintahan.

Iniisip niya ngayon ang dating kasintahan kung anong buhay meron ito ngayon?nasasabik din siyang makita ito,

'magkikita pa kaya kami?'

Ito ang tanong at bumabagabag sa kanya.

"Seryoso ka yata mukhang malalim ang iniisip mo?"

Pormal na tanong ni Jealerh sa asawa.

Magkatabi silang dalwa sa kama ng mga oras na iyon.

Napansin ni Jealeth Na balisa at malalim ang iniisip ng asawa niya.

"Hindi naman may iniisip lang ako tungkol sa hacienda"

Pag kaila ni Aidan sa asawa.

Ayaw niyang sabihin dito kung sino ba at ano ba ang nagpapagulo sa kanyang isipan, na Sanhi ng sandaling pananahimik niya.

Nang madinig ni Jealeth ang salitang Hacienda may tuwa siyang naramdaman ibig niyang pumasyal sa hacienda kumain ng mga prutas.

" Gusto kung pumasyal sa hacienda."

Paglalambing ni Jealeth sa asawa.

"Ano namang gagawin mo doon?dito ka nalang mapapagod ka,

ako nalang pagudin mo"

Pilyong turan ni Aidan.

Isang kurot ang isinagot ni Jealeth sa asawa.

"Gusto ko kasi ng Buko."

Natatakam na wika ni Jealeth.

"Sige tara,ang naglilihi nga naman ang daming gusto."

Kunway reklamo ni Aidan.

"Ayaw mo yata eh,sige wag na,"

Tampong wika ni Jealeth.

Niyakap siyat hinalikan ng asawa.

"Diba sabi ko tara nA,Diko naman sinabing ayaw ko!"

Natatawang wika ni Aidan sa asawa.

'Mga buntis nga naman pa iba iba ng mood'

Sa isip ni Aidan.

Kumilos agad naman ang mag asawa naligo at nagpalit ng damit saka tinungo ang Hacienda.

"Hon ito na ang gusto mong buko."

Malambing na wika ni Aidan saka inaabot ang bukong pinasungkit niya kay mang Basty.

"Ayaw ko ng sungkit ni mang Basty gusto ko iyong kuha mo!"

"Ha teka lang".

Napakamot si Aidan sa ulo.

Kahit hindi marunong siyang sumungkit ng niyog ay susubukan siya para sa asawang nag lilihi.

Akma nang susungkit si Aidan ng buko ng mahawakan niya ang tikin na kawayan.

Kailan Darating Ang Pag-ibig?(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon