"Ahh... Sige susunod na ako, Nicky." sagot ko na lang rito bago inilagay ang picture frame sa study table.


*****

Makalipas ang kalahating oras ay mabilis kaming nakarating ni Mama sa Fort Trinity High School, "Bye Ma, love you." pamamaalam ko rito bago bumaba sa sasakyan.

"Bye anak, uwi ka agad after school okay?" nakangiting wika nito sa akin bago ko isinara ang pintuan ng kotse.

Naglalakad na ako ngayon sa hallway ng FTHS, nakapasok ako sa prestihiyosong eskwelahan na ito, dahil sa aking Ama na isang inhinyerong nakabase sa Dubai. Sapat lang ang pamumuhay ng aking pamilya, hindi kami mayaman ngunit hindi rin naman salat sa buhay. Tamang steady lang ganern.

Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang may tumawag sa aking pangalan, "Nicnic!" rinig kong sigaw nito, kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

Kahit hindi ko ito lingunin ay alam na alam ng puso ko, kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Nagkunwari na lang akong walang naririnig at nagmamadaling lumakad, dahil baka ma-fall na naman ako.

Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa balikat ko sabay sabing, "Nicnic, sandali." nang marinig ko ang boses nito ay napapikit na lang ako ng mariin.

Kung hindi ko pa alam na may gusto si Josh sa bestfriend ko ay baka kiligin pa ako, pero hindi... Imbis na kiligin, ay mabilis na tibok ng puso ko lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Hoy Nicnic, bakit ba hindi ka nagsasalita." anito kaya't mabilis akong napamulat ng aking mga mata.

Namilog ang aking mga mata nang makitang sobrang lapit na pala ng mukha ni Josh sa mukha ko, kahit naka-nerdy glasses pa ito ay hindi maitatago ang angking kagwapuhan ng habibi ko.

Ano Nicole? Habibi mo? pagwawaksi ko sa aking iniisip.

Napabalik na lang ako sa aking sarili nang marinig kong muli ang boses ni Josh, "Hoy, bakit namumula ang pisngi mo? Inlove ka ba?" pagtatanong nito sa akin.

Mabilis naman akong napahawak sa magkabila kong pisngi at naramdaman ko na nag-iinit na pala ito, para makabawi sa aking pagkakahiya ay mabilis kong ipinilig ang aking ulo sabay sabi nang,

"Ako si Nicnic, pero Neknek mo! Hindi kita type noh!" bulyaw ko rito bago umiwas ng tingin.

"Hahaha!" halakhak nito kaya natulala na naman ako sa kanya.

Grabehan lang talaga, Nicole. Ang gwapo ng habibi mo. kinikilig kong sambit sa aking sarili.

Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang makaramdam ako ng pagpitik sa ilong ko, "Aray! Bakit ka ba namimitik!" iritable kong anas rito bago hinawakan ang namumula kong ilong.

"Lagi ka na lang wala sa sarili mo."

"Bakit ba?!" inis kong turan sa kanya saka umirap sa kawalan.

"Ang sabi ko po, hindi ko naman sinabi na sa akin ka inlove. Bakit mo naman nasabi na ako 'yon?" pagtatanong pa ni Josh kaya mabilis ko itong tinapik sa dibdib.

"W-wala, w-wala lang talaga ako sa mood ngayon habibi." bigla naman akong napatuptop ng aking bibig ng marealize ko ang lumabas sa madaldal kong bunganga.

"What did you say?" kunot noong usal nito sa akin.

Mabuti na lang at hindi niya narinig ang sinabi ko, kaya sumagot na lang ako rito nang, "Ang sabi ko halika na bibe as in duck, absent na ako sa first subject ko." anyaya ko sa kanya bago ko hinila ang kamay nito.

"Whew! Muntikan na ako doon ahh." napapailing na sambit ko sa aking sarili habang hawak ang kamay ng mahal ko. Sa kanya malamang sa alamang walang malisya ito, pero sa akin ay nuknukan ng meron. Kinikilig kaya ako sa holding hands namin. Hahaha!



*****


Hello Lovies 😊

Ito na po ang unang kabanata ng ONE SIDED LOVE
nagustuhan niyo ba?

Comment down below para naman malaman ko ang saloobin niyo. Alright, see you next chapter mga labs! ❤️


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now