Chapter 26

7.5K 289 140
                                    


LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 26

Napabuntong hininga ako nang maibaba ko ang cell phone ko. Kakatapos lang namin mag usap ni Tessa at sobrang na -miss ko naman siya. Yung dapat kasi na three weeks lang namin sa Dubai ay na extend. Medyo marami kasing demands yung kliyente at ayaw namang umalis ni Boss Zac ng hindi sila nagkakasundo. Si Boss sobrang maloko kapag hindi trabaho ang usapan pero nakakatakot kapag trabaho na. Hindi siya nag papa -api sa kliyente, kailangan fair ang dealings, basta, matindi ang isang 'to.

Yung restaurant naman ay malapit ng buksan. Padala lang ng padala ng pictures sa akin sila Chino, okay na raw kasi yung building at yung mga linya ng tubig at kuryente. Inaayos na lang nila yung pinakang interior ng restaurant.

Si Tessa naman ay busy na rin dahil sa trabaho niya at sa pag aaral niya. Hindi na nga kami nagkikita at malayo sa isa't isa, hindi rin nagkakausap, tangina. Tapos yung signal pa yata problema namin dahil parang sobrang delayed ng dating ng mga messages namin sa isa't -isa. Ganito pala kahirap mga dinadanas ng mga OFW.

-

Matapos yung halos limang linggo namin sa Dubai ay umuwi na rin kami. Hindi biro yung pakikipag deal na ginawa namin sa mga kliyente, nakakapagod silang kausap, pero determinado si Boss na makuha sila dahil malaking project at maganda rin siya para sa image at portfolio ng company.

Hindi rin ako nakapag laan masyado ng oras kay Miss Tessa dahil pagkabalik namin ay may iba namang pinapagawa si Boss Zac. Nakakapag overtime kami ng wala sa plano at pagkatapos ay tumutulong naman kami kila Esso sa pag aayos sa restaurant. Buti na lang din talaga at understanding si Tessa.

-

Wala pang dalawang buwan ay babalik na naman kami sa Dubai, sa pagkakataong ito kasama namin si Jacob at tuwang tuwa si brad. Bago kami bumalik ay sa bahay muna ako ulit ni Tessa nagpalipas ng gabi. Katulad ng dati ay siya ang nag ayos ng damit ko. Mag iipon lang talaga ako ng marami at aasawahin ko na 'to.

Sa ngayon kasi ay magkaiba pa kami ng priority. Ako ay ang pag establish ng career ko dito sa trabaho namin, habang siya naman ay ang makatapos sa graduate school. Plano pa niya yata kasi ang kumuha ng Ph. D kaya mukhang matagal tagal pa kami bago talagang lumagay sa tahimik. Well hindi naman ako nagmamadali pero iyon ang gusto kong mangyari. Palagay ko naman ay ganoon din siya.

"Oh my gosh!" Sigaw ni Tessa at mabilis isinara ang pintuan ng banyong kabubukas lamang niya. Nasa kalagitnaan ako ng pag -jingle all the way. "Sorry! Hindi ko sinasadya!" Sigaw niya ulit mula sa kabilang bahagi ng pinto.

Teka, nangyari na 'to. Napangiti ako at napayuko. Shit.

Nang lumabas ako ng banyo ay nakaupo si Tessa sa kama at nagtitiklop ng mga damit ko.

"Nangyari na 'to." Sabi ko at napapangiting tumitig sa kanya. Mabilis naman siyang nag iwas ng tingin.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Tinaasan niya ako ng kilay. Huli ka Miss.

"Wala ka namang dapat itanggi, Miss, you've seen it, you've seen it all at wala naman akong itinatago sa'yo." Pilyong sabi ko at naupo sa tabi niya. Inagaw ko ang damit kong tinitiklop niya at ikinulong siya sa bising ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, ewan ko sa'yo." Mariing tanggi niya at tumataas na rin ang boses niya. Hinalikan ko siya sa balikat at saka bumulong sa kanya.

"Yung birthday ni Baste, alam kong nakita mo na ang "ethics" ko dati pa."

"What?! Anong ethics?" Parang bigla siyang nalito sa sinabi ko at hindi ko napigilan ang matawa. Yumuko ako para tingnan ang sarili ko at sumunod naman ang mga mata niya sa kung saan ako nakatingin.

Lovely Little LonelyWhere stories live. Discover now