Chapter 13

20 0 0
                                    

Hayucaluchi's POV

Pumunta na 'ko sa room dahil nagbell na. Nakita 'ko naman si Cooper na nakikipag usap sa kaklase namin. Nilapitan 'ko siya at umupo sa tabi niya. "Oh ano bro? Bad mood ka ata?" sabi ni Cooper. "Masama ba magselos?" sabi 'ko nang hindi 'ko nalalaman. "A-ah wala." utal 'kong sabi. Napangisi naman si Cooper.

"Sabi na, bro. Krass mo na talaga si Ovary! Guys! Woot! Dalaga na si bro 'ko!" sigaw niya. Binatukan 'ko naman.

"Gago! Tumahimik ka nga diyan. Anong ovary? Gago ka ba? Avery 'yon!" sabi 'ko. Napahawak naman siya sa batok niya.

"Sensya naman, bro. Nagdadalaga na siya yie!" sabi niya at tinusok tusok pa 'ko sa tagiliran. "Naniniwala na 'ko na the more you hate, the more you love." di na niya naituloy yung sinabi niya dahil binatukan 'ko nananaman siya. "Tangna mo." sabi 'ko.

"Bro...." tawag niya sakin. "Bro, namumula ka. HAHAHAHAHA." sabi niya. Binatukan 'ko ulit. "Tangna mo, Hayu. Nakakailan ka na. Masakit na, babe!" sabi niya. Di 'ko nalang siya pinansin.

Hinanap 'ko nalang yung Nerd na kausap ni Slut na 'yon. Wala parin. San na pumunta 'yon?

Andito na ang teacher pero wala parin yung Nerd na 'yon.

After 10 mins.

Nakita naming pumasok yung Nerd na may pasa. "What happened to you, Mr. Ramos? Sino gumawa sayo niyan?" sabi ng teacher namin. "Ah. Eh." wala paring maisagot yung Ramos. "Bakit di ka pa pumuntang clinic, Mr. Ramos? Pumunta ka na don. Sino maghahatid kay Mr. Ramos sa clinic?" tanong ni Ma'am. "Ako nalang, Ma'am." sabi 'ko habang nakataas ang kamay. "Okay, Mr. Imano." sabi ni Ma'am. Pumunta na 'ko sa labas at sumunod naman siya.

"Di mo na 'ko dapat sinamahan. Baka nakakaistorbo lang ako." sabi ni Nerd. Tapos inayos yung salamin niya. Nakayuko naman. "Bakit ganyan ka magsalita? Bakla ka ba?" Tanong 'ko. Nakita 'ko namang umangat siya at nanlaki ang mata. "H-hindi." sagot niya tapos winawagayway pa yung kamay niya. "I see." sabi 'ko. "What's your relationship with Avery?" tanong 'ko.

"Avery Hellsmith?" tanong niya.

"Hindi. Avery Heavensmith." sabi 'ko. "W-wala po akong kilalang Avery Heavensmith. Avery Hellsmith lang." sabi niya. Binatukan 'ko. "Tanga mo naman. Avery Hellsmith nga!" sigaw 'ko. "A-ah e-eh. N-nakasalubong 'ko kasi siya sa national. M-may nambubully sakin d-don. T-tapos pinagtanggol niya 'ko." sagot niya habang nakayuko.

"Bakit kayo magkasabay pumasok?" tanong 'ko sakanya. "Umuulan po kasi non don. Kaya sabay na kami." sabi niya. "Eh bakit di na kayo naghiwalay nung huminto na yung ulan?" tanong 'ko.

"Ano.." wala na siya sigurong maisagot.

Andito na pala kami sa tapat ng clinic. "Pasok ka na." sabi 'ko. Tumango naman siya. Umalis na 'ko at bumalik sa room. Nagsasabi kaya siya ng totoo?

Avery's POV

Papunta ako nang clinic. Alam niyo ba kung bakit? Syempre hindi. Natapilok ako. Tanga 'kong tao 'no? Pero mas tanga yung nagbabasa neto. Charot.

Pagbukas 'ko ng pinto. Bumungad agad sakin si Kenzo. "Anong nangyari sayo?" Tanong 'ko sakanya."Hmm. Nabugbog?" Patanong niyang sabi habang nilalagay niya yung icebag sa pasa niya. "Malamang. Di naman ako bulag. Sino bumugbog sayo?" Sabi 'ko. "Wag mo nang alalahanin 'to. A-anong nangyari sayo?" Tanong niya sakin. "Natapi-" Hindi 'ko na natuloy yung sasabihin 'ko kasi sumingit yung nurse. "Kung pumasok ka kaya muna, iha?" Tanong niya sakin. "Pasensya na po." Sabi 'ko at pumasok na 'ko ng paika.

"Anong nangyari sa'yo, iha?" Tanong ng nurse. "Natapilok." Sagot 'ko. "Higa ka muna diyan. Kukuha lang ako ng icebag." Sabi niya at umalis."Bakit ka naman natapilok?" Tanong niya sakin. "Bobo ba? Basta natapilok ako." Sabi 'ko. "O-okay." Sabi niya at tumahimik nalang. Dumating na yung nurse at ibinigay sakin yung icebag.

"Pakilagay nalang 'yan kung saan-" Di niya na napatuloy yung sinabi niya dahil sumingit na 'ko. "Alam 'ko na 'yung gagawin 'ko. Salamat." Sabi 'ko at inilagay 'ko na 'yung icebag kung saan ako natapilok.

Pagkatapos ng isang oras, hindi na masyadong masakit yung paa 'ko. Tumayo na 'ko at lumapit kay Kenzo. "Okay ka na diyan? Tara na sabay tayo." Sabi 'ko sakanya at tumango nalang siya. Lumabas na kami ng clinic. Vacant na pala namin. "A-avery, H-hatid na kita sa room niyo." Sabi niya. "No need. Vacant naman na natin. Tsaka di pa tayo kumakain. Sabay na tayo." Sabi 'ko. "S-sige." Utal niyang sabi na ikakatawa 'ko naman. "Hahaha! Sa tagal nating naguusap, nauutal ka parin? Stop being stupid. Tara." Sabi 'ko at pumunta na 'kong canteen.

Nakita 'ko naman siyang sumunod sa'kin. Umorder na kami at naghanap ng kakainan. Nakita 'ko naman si Yhuina na kumakain na may kasamang lalaki.

"Sino yung lalaki na 'yon?" Bulong 'kong tanong.

"S-sino ba?" Tanong ng katabi 'ko. "Wala. Tara don." Sabi 'ko at pumunta na kami kung saan sila Yhuina na kumakain.

"Yhuina." Tawag 'ko sakanya. "Ave. Andiyan ka na pala. Sino yang kasama mo?" Sabi niya. "Ako dapat nagtatanong niyan sayo. Sino yan?" Sabi 'ko habang tinuro yung lalaki na nasa tapat niya na kumakain.

"Uhm."

"Wade Cooper Alvarez, Miss." Sabi niya.

"Oh. Okay. Ex mo?" Tanong 'ko at tumingin kay Yhui.

"Uhm."

"If you don't want to answer my question, just don't. Sabihin mo nalang sa'kin kapag ready ka na. Pero halata naman sainyo na past lovers kayo." Sabi 'ko at nagsimula na akong kumain. Wala naman na silang imik at patuloy na silang kumain.

"Ang awkward naman." Rinig 'kong bulong ni Ken. "Basta kumain ka nalang." Sabi 'ko at tumango siya. At kumain nalang ulit.

"Bro!" Sigaw nung Wade. "Okay, what the fuck. Ginulat mo 'ko!" Sigaw 'ko. "Sorry, Ovary este Avery. Bro, dito!" Sigaw niya. Ovary? Dfuck?

Nacurious ako kung sino yon. Lumingon ako at nakita 'ko si Jerk. Oh. Kaya pala familiar sa'kin yung lalaki na 'to. Kaibigan niya pala. Bagay naman silang magkasama. A jerk and an asshole. Perfect combination.

Umupo na siya sa tapat 'ko. "Hi, Slut. Miss me?" Sabi niya. Ngumiti ako at tinapakan 'ko yung paa niya sa ilalim ng lamesa. "No." Sabi 'ko at ngumiti. "You! Son of a-" Hindi na niya naituloy yung sinabi niya biglang sumingit si Wade. "Hey guys. Calm down, nasa harapan kayo ng pagkain." Sabi niya. Tumahimik nalang kami at kumain.

"Oo nga pala, Ave. Sino ulit yang kasama mo?" Tanong ni Yhui. "Kenzo Ramos po." Pagpapakilala ni Ken. "Oh. Hi Ken. You look cute. I mean, You and Avery. You look cute together." Sabi ni Yhui. "What are you-" Hindi 'ko na naipagpatuloy yung sasabihin 'ko dahil nagdabog si Jerk at umalis. "Someone's jealous. Everybody, hide!" Sabi ni Wade. Sinamaan 'ko siya ng tingin. Okay. What's wrong with him?

Author's Note

Hindi 'ko alam kung may nagbabasa pa neto. Kung meron man, love 'ko na kayo. Char. Sana maenjoy niyo 'tong story na 'to. Salamat sa pagbabasa!

- Mamang

I'm Inlove With My Enemy ( On-going )Where stories live. Discover now