Chapter 12

24 2 1
                                    

Avery's POV

Padabog na 'kong palabas ng school at nagtaxi papunta sa mall. 2 hours ang vacant. Kailangan 'kong magmadali para makapagpahinga pa 'ko. Ginigigil ako ng teacher namin tapos sumali pa yung jerk na 'yon!

Tsaka bakit hell university babasahin niya? Idol niya si Knight In Black? Hahahaha. Natawa nalang ako ng mahina. Pero di niya alam yung wattpad? Taga bundok talaga siya.

Andito na 'ko ngayon sa SM. Pumunta na 'ko sa National Book Store at hinanap yung libro na yun.

After 123456789 years..

Sa wakas! Nakita 'ko din. Kinuha 'ko na 'yung libro na 'yon at pumunta na sa counter. Malapit palang naman ako sa counter. May nagbabayad pa kasi. Pero biglang may nabunggo sakin sa likod. Hinarap 'ko naman 'yon at nakita 'ko yung lalaking nakasuot na salamin at may nagtatawanan sa likod. Tatlo sila. Yun din ata yung tumulak sakanya.

"Problema niyo?!" sigaw na patanong 'ko sakanila. Nagsitinginan naman yung mga nandito.

"Eto kasing nerd na 'to, Miss Beautiful. Kagulo." sabi nung isang jeje tapos binatukan yung nakasalamin. Nayuko lang yung lalaking nakasalamin.

"Ulol. Kayo yung nanguna. Kayo kasi yung nasa likod. Mga bobo ba kayo?" Sabi 'ko sakanila. Hindi na sila umimik. Pero ngumisi yung tatlo. "Masyado kang matapang, Miss-" Di na nila pinagpatuloy yung sasabihin nila kasi inunahan 'ko na sila.

"Gusto niyo bang magkaroon kayo ng scandal dito? Hoy mga ugok! Wag niyo 'kong idamay sa kagaguhan niyo kung ayaw niyong suntukin 'ko kayo isa isa!" sigaw 'ko sakanila. Puta dumagdag pa 'tong mga lalaking 'to. Kajejeje naman.

"Di pa tayo tapos, Miss Beautiful. Di parin tayo tapos, Nerd. Patay ka sakin." sabi nung isang jeje.

"Subukan mo lang. Ako papatay sayo." sabi 'ko. "Tsaka mahiya naman kayo. Daming tao dito, mga walang hiya. Tss." sabi 'ko at nakita 'ko naman silang lumabas.

Mga stupido. Di man lang nirerespeto ang magandang tulad 'ko. Nakita 'ko naman si Nerd na nakayuko.

"Patawad po sainyong lahat sa nangyari kanina. Hindi na mauulit." sabi 'ko sakanila. Nakakahiya tangina.

"Okay ka lang?" tanong 'ko sa Nerd. "O-okay lang ako. D-di mo na sana ginawa yun, M-miss." utal na sabi ng Nerd.

"Okay lang 'yon." sabi 'ko at ngumiti. Nakita 'ko naman na ako na yung susunod sa counter.

Nilagay 'ko na yung libro at binayaran ito. Kinuha 'ko na yung libro at lalabas na sana kaso may humatak ng kamay 'ko.

"Ah, M-miss. Sa Ariella Academy ka din po pumapasok?" Tanong niya.

"Ah. Oo. Ikaw din?" Tanong 'ko.

"Ah o-opo." Sabi niya.

"Papasok ka na? Tara. Sabay na tayo." Sabi 'ko. "Hala. O-okay lang po ba?" Tanong niya. "Oo naman. Wag ka na mautal. Tara." sabi 'ko.

Lumabas naman na 'ko at nakita 'kong sumunod siya sakin. Nakita naman namin na umuulan.

"Kung minamalas nga naman oo." bulong 'ko.

"M-meron akong p-payong dito." sabi ni Nerd tapos inabot niya sakin yung payong. Di 'ko naman tinanggap 'yon.

"B-bakit?" tanong niya. "Sabay tayo diba? Edi ikaw ang maghawak ng payong. Maaabot ba kita?" Sabi 'ko sakanya. Umiling naman siya. "Sige. Buksan mo na 'yan. Bilisan natin. Malapit na mag time." sabi 'ko. At binuksan naman niya 'yon.

Pumunta na kami sa waiting area at nag abang ng taxi. Nakakuha naman kami ng taxi. Sumakay na kami don na magkatabi.

"San po tayo, Ma'am? Sir?" tanong ng taxi driver. "Ariella Academy po, manong." sabi 'ko at tumango naman yung driver.

Tahimik naman kaming nakaupo don at hinihintay na mapunta sa school. Nagring naman yung cellphone 'ko.

Master Jerk

Sa building niyo mo nalang sakin ibigay yung libro, Slave.

Reply to Jerk

K.

---

Sa wakas, nakapunta na rin kami. Kinuha 'ko na yung wallet at magbabayad sana pero inunahan ako nung Nerd. "A-ako nalang yung magbabayad, Miss. Salamat ulit sa kanina." sabi nung Nerd habang nakayuko.

"Salamat din ah? Sige bye!" sabi 'ko at kumaway sakanya. Papalayo na 'ko pero bigla siyang sumigaw.

"Miss! Ano po palang pangalan niyo?!" sigaw niya.

"Avery Hellsmith!" sigaw 'ko

"Kenzo Ramos po pala! Salamat ulit!" sigaw niya at kumaway naman siya. Napangiti nalang ako. Nakita 'ko naman siyang papunta sa building nila Jerk. Magkabuilding sila? Well.

Pumunta na 'ko sa building namin at hinanap si Jerk. Nakita 'ko naman siya don sa bench. Oo, may bench naman dito sa building namin. Imaginin niyo nalang hahaha.

Inabot 'ko naman sakanya yung libro. "Eto na yung libro, Kamahalan." sabi 'ko. Kinuha niya naman iyon. Bakit ganon yung mukha niya?

-.-    <-----  Siya

"Eto na rin yung suk-" Di 'ko na naituloy yung sasabihin 'ko dahil sumingit na siya.

"Keep the change. Salamat." sabi niya at umalis na. Luh? Anong nangyari sakanya?

Pumunta nalang akong room at nakita 'ko si Yhui. Umupo nalang ako sa tabi niya.

"Oh? What's with that face, Ave?" tanong niya. "Wala wala." sabi 'ko. Tumango nalang siya.

Ano kayang nangyari sa lalaking 'yon?

Hayucaluchi's POV

Hinihintay 'ko si Slut sa gate. Nakita 'ko namang bumaba na siya sa taxi. May kasamang lalaki. Nakangiti naman siya don. Tsk. Bakit siya nakangiti? Tsaka yung nerd? Kaklase 'ko yun ah? Tss.

Sumigaw pa silang dalawa. Pwede namang maglapitan nalang para mag usap. Tumakbo na 'ko don sa building nila at umupo sa bench.

"Eto na yung libro, Kamahalan." sabi niya. Kinuha 'ko yon ng hindi umiimik.

"Eto na rin yung suk-" hindi 'ko na pinatuloy yung sasabihin niya dahil nasingit na 'ko.

"Keep the change. Salamat." sabi 'ko at umalis na papalayo sakanya.

Bakit may nararamdaman akong iba? Bakit may kumirot sa dibdib 'ko? May tama na ata ako. Magpacheck up na kaya ako? Nababaliw na 'ko shit!

Mamang

Hello sa mga nagbabasa. Pasensya na kung hindi ako nakapagupdate. Busy sa school eh. Please vote and comment if you like this chappy. Thank you. Loveeey!








I'm Inlove With My Enemy ( On-going )Where stories live. Discover now