Narinig ko ang malakas na tawanan nila Yuri at Keifer.

"What the hell?!" Ang tanging nasagot ko sa kanya.

"Seriously Percy? Anung pumasok dyan sa isip mo?" Natatawang tanong ni Yuri.

"Mas matanda ako sa inyo, dapat ako mas matangkad." Sagot nya at pinagkumpara ang height naming dalawa.

Sya kasi ang pinaka-maliit samin samantalang si Keifer naman ang mas malaki. Medyo may daya nga dahil kung tutuusin sya ang pinaka-bata samin.

Dalawang taon ang pagitan ng edad nila, isa naman sakin at buwan naman ang kay Yuri. Lumalabas talaga na sya ang pinaka-bata.

"Kulang ka siguro sa tulog." Pang-aasar ni Yuri.

"Baka supot." Gatong ni Keifer.

"Tara... Gupitin na natin para tumangkad ka." Aya ko at mabilis naman nyang tinakpan ang ibaba.

Malakas ang naging tawanan namin. Ewan ko ba kung bakit nya pino-problema yon, samantalang nasa grade school palang kami.

"Sige. Ganyanin nyo ko. Ako man pinaka-maliit sa inyo. Ako naman ang may pinaka-malaking—." Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng ibaba ni Keifer ang short at brief nya.

Kamot batok syang napa-iwas ng tingin. Sa ikalawang pagkakataon, natalo ulit sya ni Keifer. Malakas ang naging tawanan namin.

Gusto ko sanang ipakilala si Jay-jay sa kanila. Kayalang hindi naman nila alam na ampon ako at may kapatid ako sa tunay kong ina. Pwede ko ngang sabihin na pinsan ko sya pero magtataka sila kung bakit sobrang lapit ko sa kanya.

Lalu na si Keifer na mahusay sa paghihinala. Pakiramdam ata nya lahat ng tao sa paligid nya niloloko sya. Ayoko din syang ipakilala kay Percy dahil baka kung anung sabihin at ituro nya. Wala naman akong problema kay Yuri.

"Mukang kailangan ko ng umuwi. Late na at baka magalit si Hahaoya." Sabi ni Yuri.

"Anung Hahaoya?" Tanung ni Percy.

"That's Mother in Nihonggo."

Nag-nod naman sya at bigla nalang lumapit sakin.

"Pustahan, Mama's boy yan si Yuri." Bulong nya sakin.

"Narinig kita." Sabi ni Yuri at tinignan sya ng masama.

Napailing nalang ako habang natatawa. Kanya-kanya na kami ng uwi pagkatapos magpaalam sa isa't-isa. Si Keifer ang pinaka-malayo ang bahay. Nasa tagong lugar kasi ang palasyo nila.

Palasyo yon, dahil sa sobrang laki.

Si Yuri naman ang sunod dahil nasa business district ang bahay nila. Sa tuktok ng sarili nilang Hotel.

Si Percy naman ay sa isang private subdivision. Ratired US Army ang Papa nya na piniling manirahan dito dahil nag-asawa na ng bago.

Sa isang karaniwang subdivision naman ang bahay namin. Nung unang beses ako makarating don, natulala ako sa laki ng mga bahay. Hindi ko alam na meron pa palang mas malaki sa mga iyon.

Pagdating ko sa bahay, bukas lahat ng ilaw. Ibig sabihin, gising pa sila at lagot na naman ako kay Kuya. Dahan-dahan akong pumasok sa pinto at nakita ko si Mama na may kausap sa telepeno.

"Sige po. Uuwi na kami dyan." Nag-aalalang sabi nya.

Natigilan ako habang pinag-mamasdan sya. Sa hindi ko maintindihan na dahilan, si Jay-jay ang unang pumasok sa isip ko.

"Saan ka galing?" Maotoridad na tanong ni Kuya. "...Pumunta ka sa kwarto mo at kumuha ng gamit. Uuwi tayo ngayon kila Lola."

"May nangyari ba?"

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon