⭐Chapter Six⭐

Start from the beginning
                                    

To Dad

Call now dad.

Sent//

Pagkatapos niyang padalhan ang ama ng mensahe ay biglang tumawag ito through Sype(an app that she designed for personal video calls).

Sinagot ito ni Max at nagflash ang muka ni Mr. Lourde sa projector.

Nagulat silang lahat dahil kilalang kilala nila ito. Hindi lang bilang mayamang negosyante kundi parin narin sa pagiging Mafia Boss.

Tumayo sila at yumuko bilang paggalang sa kanilang amo. Ganundin ang ginawa ni Max.

"Okay, enough. Settledown. I just want to introduce to you informally because this is just a video call but at least—my one and only princess and my life Heaven Winter Snow Laurel-Lourde together with her reaper Maxrel Gregory."

"Oh my" yan lang ang lumabas sa kanilang bibig ng malaman ang kagimbal-gimbal na katotohanang estudyante nila ang isang Lourde. Wala namang imik sa gilid ang dalawa, natatawa man ay pinigilan ni Max ang kanyang sarili.

"Gusto kong bantayan niyo ang anak ko. I don't want her to be bullied or mistreated in any ways. Because if that happens, i will massacre you all without mercy. On the other hand, i want you to include my precious daughter to the so called Kings fight." walang magawa ang mga ito kundi ang tumango nalang dahil natatakot silang totohanin ni Mr. Lourde ang kanyang banta."Keep it as a secret.So that's all. And by the way my Princess." tawag nito sa kanyang anak.

"Yes Dad?"

"Don't let your guards down." she nodded. "As for you Mr. Gregory, thank you for protecting my daughter."

"My pleasure Mr. Lourde." sagot nito.

Namatay na ang tawag kaya't naiwan silang tahimik lang. Inayos na ni Max ang laptop at si Heaven naman ay nakatingin sa mga guro na hindi makatingin sa kanya. Lumabas na silang dalawa ni Max at iniwan ang mga gurong hindi parin makapaniwala.

Pabalik na sina Heaven sa kanilang silid aralan ng biglang tumunog ang speaker na nakakabit sa buong campus.

"Attention everyone. This is Drake from the college department and your sc president. The enlisting of participants to the upcoming Kings fight is now open. Whoever wants to participate, just go to the SC room and sign there. Tomorrow will be the elimination. I will collect the sheets after class, so if you have a spare time, go to the SC room and register. That's all, thank you. And oww Miss Snow, i will wait you there."

Kumunot ang noo ni Max dahil sa narinig niya. Bakit niya pa kailangang banggitin ang pangalan ng kanyang Amo. Paniguradong magiging usap-usapan nanaman ito sa buong unibersidad.

"Max, let's go." lumihis sila at tinahak ang daan papunta sa SC room. Mayroon naman silang oras ngayon kaya napagpasyahan niyang ngayon nalang magpalista. Wala naman siyang intention na maging King o ano pa man ng kanilang departamento, ngunit iyon ang gusto ng kanyang ama, nais nitong maranasan niya ang mga nararanasan ng mga estudyante sa paaralan, at hindi niya ito bibiguin.

Binuksan ni Max ang pintuan para kay Heaven, kakaunti palang ang estudyanteng nagpapa register, marahil ay nasa mga kanya-kanyang klase pa ang mga ito.

Nagpunta sila sa pila ng mga Junior at naghintay para sa kanilang pagkakataon. Matapos ang ilan ay nauna ng mag register si Max.

"So you're here Miss Laurel, nice to see you." bati sa kanya ni Drake at hinalikan ang likod ng kanyang kamay.

Tumango lang si Heaven at sinimulan ng isulat ang kanyang pangalan.

'Snow Laurel-4 section Blood'

"Katulad ng iyong muka, napaka ganda ng iyong pangalan Snow." nakangiting sabi ni Drake habang pinagmamasdan ang pangalan ni Snow.

"Baka nakakalimutan mo Mr. Smith, ang agwat niyo ay napakalayo." paalala no Max sa edad ng kanyang amo at ng King ng college. Ayaw naman niyang sabihin na 'bata' pa ang kanyang amo dahil baka hindi nito magustuhan at siya ang malintikan.

"Haha. Mr. Gregory, anong masama? May May-December na pag-iibigan." sagot ni Drake na hindi parin inaalis ang tingin kay Heaven na inililibot ang tingin sa buong silid.

Hindi naintindihan ni Max ang May-December na sinabi ng King ngunit alam niyang hindi ito maganda para sa amo. Magsasalita pa sana siya ng naunahan siya ni Heaven.

"Let's go." binalingan niya ng tingin ang King na kanina pa nakatitig sa kanya. "We'll be going."

Tumayo ito sa kanyang kinauupuan"Okay, see you soon my lady." hinalikan muli nito ang likod ng palad ng dalaga. Tumango lamang ito at tuluyan ng lumabas.

"Oww nandito rin sila Blue." sabi ni Ace at tinapik pa si Blue sa kanyang balikat.

Napatingin si Blue kay Heaven at hindi niya maitatangging napaka ganda nito at kahit na sinong lalaki ay magkakagusto sa kanya, ngunit hindi dahil sa ganda niya kaya siya nagka interes rito, kundi dahil sa kakaiba nitong personalidad na walang sinasanto.

"You registered?" wala siyang ibang maisip kaya't tinanong niya nalang ang tanong na alam niya naman ang sagot.

"Yeah." sagot ni Heaven at nilagpasan na silang tatlo.

Sinundan muna nila ng tingin ang dalaga bago naisipang pumasok at mag register narin. Kung kanina ay si Drake ang nasa pila ng mga Junior, nakipagpalit na ito sa kanyang kasama, dahil wala naman na siyang iba pang hinihintay.

Ang kanya nalang pinaka aabangan ay ang mga kakayahan ng kanyang hinahangaang babae, si Heaven.

'Such a beautiful art by god.'

❇❇❇

Vote and Comment😘

©HopelessDarkAngel♡

Mafia 2:WINTER⚫COMPLETED⚫Where stories live. Discover now