⭐Chapter Four⭐

26K 758 64
                                    

✴The Who?✴

4

Ang mga nagaganap sa building ng mga Junior ay umabot na hanggang sa building ng mga college kung kaya't marami na ang nagbabalak na bisitahin ang building na iyon.

"Asan na kaya yun?" tanong ni Ian na Prinsipe ng college department at inililibot ang kanyang tingin sa paligid upang mahanap ang kanilang pakay. Kasama niya ngayon ang kanyang kaibigan na si Drake na Hari ng kanilang departamento na parang napilitan lang na sumama sa kanya.

Wala siyang(Drake) interes sa nangyayari sa ibang building sapagkat ayaw niya ng may pakealaman ngunit dahil sa kaibigan niyang nais makita si Heaven ay nasama siya rito.

"Wala sila, bumalik na tayo sa building natin." walang ganang sabi ni Drake ngunit hindi siya pinansin ng kaibigan na patuloy parin sa paghahanap.

"Andyan na sila"
"Ang galing lumaban nung lalaki"
"Hmm balita ko, sa section Blood sila pumapasok at mag-isa lang na babae nung Snow"

Rinig na rinig ng dalawang tenga ni Ian ang usapan ng ilang mga Junior na malapit sa kanila. Kaya't nasasabik na siyang makita ang number one topic ng paaralan nila.

'Snow' paulit ulit na sinasambit ni Drake sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung bakit sa pangalan na iyon ay nakaramdam siya ng pananabik.

Ilang sandali ay tumahimik ang mga junior at natuon ang atensyon sa dalawang taong papasok ng building.

"Holy fvck!" yan nalang ang nasambit ni Ian ng makita niya si Heaven.

Walang emosyon itong naglalakad sa gitna ng mga estudyanteng pinagmamasdan siya, sa likod naman nito ay ang wala ring emosyon na si Max, naglalakad sila na para bang kung sino man ang humarang ay paniguradong mamamatay.

Tahimik naman na pinagmamasdan ni Drake si Heaven, para siyang nasa pelikulang ang genre ay fantasy dahil sa hindi maikumparang ganda ng kanyang nakikita. Hindi niya tinanggal ang kanyang tingin sa dalaga hanggang sa makapasok ito sa kanilang building.

"Nakita mo yung anghel na nakita ko!" tanong sa kanya ni Ian ng makabawi sa kanyang pagkagulat.

Hindi na lamang niya ito pinansin at napagpasyahang bumalik na lamang sa kanilang building. May angking ganda si Heaven na kahit na sino man ay mapapatingin at talagang mapapatigil sa kanilang ginagawa, ang hindi niya maintindihan ay ang matinding takot na naramdaman niya sa mga oras na iyon. Parang pinaghalong fantasy at horror ang kanyang naramdaman. Hindi ito maganda.

-

Sa building naman ng mga senior highschool ay hindi na sila nag-abala pang dumayo sa kabilang building para lamang makita ang dalawang pinag-uusapan dahil makikita rin naman nila ito kinabukasan, dahil may flag ceremony na magaganap at lahat ng bago ay ipapakilala sa harapan. Kailangan lang nilang maghintay ng saglit pa.

"Totoo kaya na maganda yung babae?" hindi napigilang tanong sa sarili ni Owa na Prinsipe ng kanilang department, kaagad naman siyang binatukan ni Klyde na kanilang Hari.

"Ang ingay mo." nagbabasa kasi ito ng kanyang paboritong libro at kanina pa nag-iingay ang kanyang katabi.

-

(L O U R D E  M A N S I O N)

Pagkarating ni Heaven sa kanilang Mansion ay kaagad itong nagtungo sa kanyang silid at nag-bihis.

Nagsuot siya ng cycling shorts at itim na loose shirt na nagpalitaw lalo ng kanyang kaputian. Lumabas siya ng kwarto at nagpunta sa training Area na pinasadya para sa kanya noon. Isang open hologram field.

Mafia 2:WINTER⚫COMPLETED⚫Where stories live. Discover now