"Talaga po?" Kung titingnan ang itsura ni Luke ay tila ba tumama siya sa lotto. Nakangiting tumango lang naman sa kanya si Mama Marietta. "Maraming salamat po."

"Maiwan ko na muna kayo." At tuluyan na nga siyang umalis.

"Hanep ka, Bestie!" si Mitch sabay lapit kay Helga at hampas sa braso nito. "Ang bongga mo naman! Biruin mo, prinsesa ka pala ng mga Anghel dito sa lupa?! Ang astig mo, day! Bongga!" sabay halakhak. "Ako kaya? Hindi kaya may itinatago rin ang aking parents sa akin? Wish ko rin na malaman ko one of these days na...diwata pala ako!" At naghagikhikan sila ni Helga.

"Huwag kang mag-aalala, darling," si Benj sabay ipod sa tabi ni Mitch. "Kahit hindi ka pa maging tunay na Diwata, ikaw pa rin ang diwata ng buhay ko."

"Talaga?" tila kinikilig namang sagot ni Mitch.

"Oo naman."

At doon na naglampungan at naghalikan ang dalawa sa harapan namin.

"Ang sarap sigurong mag-sex dito," pagpaparinig ni Mitch sa gitna ng pag-hahalikan nila ni Benj. "Sigurado akong may mabubuo ang bagong kasal dito."

"Gusto mo tayo rin bumuo na," sagot ni Benj sa kanya habang abala siya sa paghalik sa leeg ni Mitch.

"Pakasalan mo muna ako, tanga!" sabay tampal ni Mitch kay Benj.

"Aray ko!" daing ni Benj. "Ikaw honey ha? Maliwanag pa, pinag-iinit mo na agad ako." Bumaliktad siya at tumuwad sa direksyon ni Mitch. "Sige, Honey bee...spank me, baby!" Kagat labing pinalo naman ni Mitch ang pwet ni Benj. "Ooohhh yes! I like it! Sige pa, spank me pa!" Pinalo ulit siya ni Mitch na abot tenga na ang ngiti. "Ooohhh yes!" daing ni Benj na tila enjoy na enjoy sa ginagawa ni Mitch.

Ano ba 'yan? Nakakaalibadbad! Napalingon tuloy ako kay Luke at Helga na parehong nakangiwing pinapanood ang dalawang 'exhibitionist'.

"Gusto ko nang pumunta sa library ng Mama mo," bulong ni Luke kay Helga. Iyon ang naiisip niyang excuse para makaiwas sa hindi kaaya-ayang tanawin.

"Oo sandali," sagot ni Helga bago kinuha ang maliit na bell. Pinatunog niya ito at narinig naman agad iyon ni Matilde na mapagkumbabang lumapit sa amin.

"Ano po 'yon, senyorita?" aniya habang nakayuko.

"Gusto na po naming magpahinga," magalang na sambit ni Helga. "Kung maari po ay maihatid na ninyo kami sa aming mga silid." Sumulyap siya kay Luke. "At saka, gusto raw po sanang pumunta nitong aking kaibigan sa silid-aklatan ng Mama. Kung maari po ay maihatid niyo rin siya doon."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

"Opo, Senyorita." At tinawag nito ang dalawa pang katulong para isagawa ang lahat ng iniutos ni Helga.

Ibang klase ang buong lugar. Daig pa namin ang nasa kaharian sa gitna ng paraiso. Tahimik ang buong lugar at sariwang-sariwa ang hangin. Maaliwalas kahit saan ka tumingin.

"Shower na tayo, Love," sabi ni Helga pagkapasok na pagkapasok pa lamang namin sa aming silid. Hindi pa ako nakakasagot ay naghubad na siya sa harapan ko at saka ako hinila. "Nadinig mo naman ang sabi ng Mama, kailangang makabuo na agad tayo." Humahalakhak siyang tinulungan akong maghubad habang papunta kami sa napakaengrandeng banyo.

Grabe, ang laki ng banyo. Ang laki nito ay dobleng ng laki ng buong kwarto ko sa Ilocos.

"Helgaaaa...grabe ka."

Nasa kalagitnaan na kasi kami ng paliligo nang bigla na lamang niyang mineryenda ang aking 'ibaba'. Hindi ko tuloy mapigilang hindi hawakan ang likod ng kanyang ulo. Grabe ang sarap. Ang init ng pakiramdam ko 'doon' na humahalo naman sa malamig na pagbagsak sa aking balat ng tubig na nagmumula sa shower.

Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED]Where stories live. Discover now