˗ˏˋ 8 ˎˊ˗

Magsimula sa umpisa
                                    

After I cried my eyeballs out, napagdesisyunan kong maglakad pa uwi. Dapat ay kakausapin ko si Andrew pero hindi ko na kaya. Hindi ko siya kayang makita ngayon, Hindi ko kayang huminga sa isang lugar na kasama siya.

I never thought loving is this hard. Loving him is this hard.

Noong gabing yon naka tulog nanaman akong umiiyak, kaya paggising ko namamaga ang mga mata ko.

"Hoy!! Mikaela!!" Nag inat ako at tinakpan ang akingmga tenga, I don't want to start a new day.

"MIKAELA!!" Sigaw ni Ed, naiinis akong umupo at tiningnan siya ng masama

"Ano ba Emerald!" Sigaw niya

Batok ang natanggap ko mula kay Ed, dahil ayaw niya ngang tinatawag na Emerald.

"Nasa baba yung boyfriend mo."

Wala akong boyfriend

But then I realized hindi pa kami nag bbreak.

"Sabihin mo umalis na siya kasi never akong baba." Sabi ko

I may sound fine, pero ayoko talaga siyang makita. I feel like I don't deserve him at all.

"Tss. Ano ba yan." Dinig kong bulong ni Ed, ilang sandali lang isinara niya ang pinto at bumaba na.

Humilata ulit ako at tiningnan ang kisame. Never thought a freaking ceiling can be this interesting.

First, my family

Second, my boyfriend

Third, my best friend

Bakit ba ang problematic ng buhay ko ngayon. Bumuntong hininga ako, sabay kamor sa ulo.

Life is hard sometimes. At one point sobrang masaya ka. Kaya nakakatakot maging aobrang saya eh, dahil magugulat ka nalang isang araw mawawala lahat ng sanhi ng ligaya mo.

"Mika!" That's definitely Andrew

Tinakbo ko ang pinto ko sabay pindot sa lock nito. I can't believe pinaakyat pa siya ni Tita Connie.

I may sound like a total clingy, brat, girlfriend right now but do I give a damn? Hell no.

Sawa na akong umiyak, sawang sawa na.

With that in my mind I opened the door, Nandoon si Andrew nakatingin sa akin na tila ba kayang kaya niya akong sunugin ng buhay. Lumabas ako ng kwarto ko at Hinarap siya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong niya, ramdam ko sa bawat salita niya ang diin.

"Hindi mo ba alam kung gaano ako nagaalala sa'yo!?" Dagdag niya.

Umakyat sina Tita Connie at Ed. Pero nang marinig nila ang galit na tono ni Andrew ahad silang bumaba.

Umamba siya ng yakap sa akin pero agad akong umiwas. Mahal ko siya, pero hindi kami tama. Maling mali

mali sa oras, mali para sa isa't isa.

"Mika, Anong problema?" Mas mahinahon niyang tanong.

"Umalis ka na" Sabi ko

umalis ka na habang galit na galit pa ako sa iyo.

"Mika.." Unti unting namumula ang mga mata niya.

Kung hindi ako dismayado ngayon malamang ay niyakap ko na siya kanina pa. Pero iba ngayon. Panlulumo at sakit lang ang nararamdaman ko ngayon.

"K-Kung gusto mong mag usap huwag dito. Alam mong hindi ko ito bahay nakakahiya ka." sambit ko

"Mika, Maha-"

"Umalis ka na!" Tinulak ko siya pababa ng hagdan at kalaunan palabas ng bahay.

"Magusap tayo, please..Mikaela..Mahal Kita." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko pero tinulak ko siya palayo sa akin. Kasi para sa akin alam kong iyon naman ang tama.

Tinulak ko siya palabas ng gate ng bahay. Pero bago ako tuluyang pumasok sa loob narinig kong sumisigaw si Andrew.

"Puntahan mo ako mamaya sa playground ng subdivison na to, Mika!! Mag usap tayo!! Please!!" Ilang beses niya pang isinigaw ito bago siya tuluyang sumuko at umalis.

Pag alis na pag alis niya pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ang gulat na mukha ni Tita Connie.

"P-Pasensya na po Tita, pangako po hindi na iyon mauuli-" Isang mainit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya.

"Nandito kami para sa'yo Mika, Ha? Huwag mong kakalimutan iyan."

Tumulo nanaman ang patak ng luha mula sa mga mata ko, Yumakap rin ako sa kanya ng sobrang higpit.

Atleast I still have a piece of my family left.

---

ayun sa sobrang busy kong bata ngayon lang ako nag update hakhak hi

Tragedy between You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon