˗ˏˋ 2 ˎˊ˗

822 9 0
                                    


noodles at coke

"Oo Mika, bakla ang tatay mo." A sentence na hindi ko inaasahang manggaling especially sa tatay ko. I stared at him blankly, trying to let what he just said sunk into my brain. Tinitigan ko lang siya for a couple of seconds. That's when a thought came up.

"Ano, ngayon?," My mother almost fainted noong narinig niya ang pinili kong sabihin, "Cheesy at overrated man ang sasabihin ko, Pero hindi naman basehan ang gender sa pagiging tatay eh, It's all about what you feel." my father enveloped me into a warm hug, letting all his guards down.

"Kaya swerte ako sa'yo, Mikaela eh." I felt drops of tears on my shoulder, "Thank you for being so open minded my daughter." I returned his hug, then looked up at him. "Pero, Mika I really need to leave you with your mother." Suddenly, my mom started sobbing. I looked at her trying to make her look at me, So that I can reassure her that I can understand.

"I know, Pa. If you really need to leave us, it's fine." I sighed, "Pero sa tingin ko, kayo ni mama ang kailangang magusap. Just so you know, Kahit anong mangyari I'll always be here for you...Sa inyong dalawa ni Mama." Then I left our house for fresh air.

Pumunta ako sa tindahan sa harap ng bahay namin para bumili ng Choknut. Sabihin na natin na eto ang comfort food ko. Pagkatapos kong bumili, dumiretso ako sa maliit na playground dun sa city plaza.

Sinimulan ko ng lantakan ang choknut na binili ko habang nakaupo sa swing. I observed different kinds of people, may mga nagbrebreak na couples sa kaliwa at meron namang naghaharutan na couple sa kanan.

Ganun na ba talaga ang mga park o plaza nowadays? Nagiging pambansang lugar na ito ng sadness at happiness. Pero ako ano nga ba ang dahilan kung bakit nandito ako? Malungkot ba 'ko o Masaya? Pero kung iisipin ko kung ano talaga ang nararamdaman ko, I felt blank. Hindi 'ko alam kung ano ang gusto kong maramdaman. Somewhat, gusto kong maging masaya para sa Papa 'ko, at gusto ko namang malungkot para sa aming dalawa ng mama 'ko.

Tiningnan 'ko ang orasan ko, seeing na 7:30pm na pala. I was slightly afraid to go home, knowing na aalis ang papa ko. Kaya napagdesisyunan ko na maglakad lakad muna.

I stopped my tracks, noong makita 'ko ang isang familiar face. Sitting on a bench with a girl, I saw that sungit guy from school.

"Jo, I'm sorry. Pero kailangan 'ko na talagang umalis." The girl said.

"Go on then, as if namang pipigilan kita." Ang cold niya, what the heck. If that's his girlfriend that's a jerk move.

"Stop, being so cold for once! Seryoso kitang kinakausap pero ni minsan 'ba inintindi mo ang sinasabi ko sa'yo?"

I hid behind a tree, this might be an obnoxious thing to do pero nacucurios ako, dahil first time kong marinig magsalita ang lalaking ito.

Wait, Why am I doing this again? Nakita 'kong tumakbo paalis yung babae, maybe she was so done with him. I looked at 'Jo' at nakita ko siyang nakayuko. Is he crying? I slowly walked away from the tree going back to where I came from.

"Nasiyahan ka ba sa narinig mo?" I jumped a little nung bigla siyang nagsalita. He almost gave me a heart attack. Yung coldness niya pwede nang maging dahilan ng pag-snow sa Pilipinas.

"Wala naman akong masyadong narinig." Tiningnan ko siya, "Pero sana naman hindi ganun yung pakikitungo mo sa kanya." He didn't answered me, and just stared at me blankly. I decided to walk away pero nagsalita siya ulit.

"Wala kang alam," I walked again not looking back and didn't cared about what he just said. "Pero pwede bang samahan mo 'ko sa 7eleven?" Nilingon ko siya

"Ha?" I asked

"You heard me." He said, Tapos tumayo na siya mula sa bench then walked past me.

Susunod ba 'ko?, I mean kailangan 'ko rin naman ng kasama eh. Sinundan ko siya, then ayun nga we ended up going to 7eleven just like what he said. Hindi niya ako kinakausap kaya hindi 'ko rin siya kinakausap.

Kumuha siya ng dalawang instant noodles at dalawang coke in can. Noong nasa counter na siya, bigla niyang inilahad ang kamay niya sa'kin and of course being me I just stared at it.

"Pautang." Naglabanan kami ng titig, I obviously lost kaya napilitan akong bigyan siya ng 100 pesos.

"Bayaran mo bukas yan ah. Wala akong baon." Ginaya ko yung pananalita niya. Cold and straight to the point. Hindi niya nanaman ako sinagot.

Noong nabayaran niya na, nilagyan niya na ng hot water yung mga instant noodles. Then umupo na kami sa isa sa mga table na malapit sa bintana.

Tinititigan ko lang siyang kumain, hindi ko kasi alam kung para sa akin yung isa pang coke at noodles. Na sagot yung tanong ko kung akin ba 'yon nung tinulak niya papunta sa akin yung isang noodles at coke. So I started eating.

As he was eating hindi ko mapigilan na mapatitig sa kanya. Tama nga si Alyssa ang gwapo niya. You know that Kpop type of gwapo.

He looked at me kaya my typical reaction was to immediately look away. Nagkunwari nalang akong may tinitingnan sa labas habang umiinom ng coke.

"Bakit ka sumunod?"

"Sa totoo lang, wala lang akong choice." I laughed, without humor. "I just want company."

"Then, Bakit hindi mo sinama yung boyfriend mo?" He asked, I raised my right eyebrow at him. So, kahit papaano may pakielam pa rin naman siya sa mundo.

"How did you-"

"Mikaela Gascon you're known as one of those happy go lucky girls, which annoys me by the way." I was astounded, hindi sa pagmamayabang pero ganoon ba ako kakilala? I suddenly felt embarassed, not knowing why.

"Wow, Nakakahiya because I just know you as that masungit guy tuwing lunch that makes everyone fall inlove with him by just existing." Sabi 'ko

"Dapat ba akong matuwa dahil indirectly mo sinabi sa akin na gwapo ako o mainis kasi tinawag mo akong masungit?" He asked, pagkatapos niyang uminom ng coke.

I shrugged, simply because wala akong masagot. Kaya tinuloy ko nalang ang pagkain ng noodles ko. Habang humihigop ako ng sabaw, naalala ko yung babae kanina na kasama niya.

"So, sino yung babae kanina? Siguro may lq kayo noh? O nakipagbreak ka na sa kanya?" He suddenly shifted his persona turning into the cold person na kausap ko kanina. Akala 'ko pa naman okay na kami.

"Who asked you to ask that?" Natahimik ako. "Eh, ikaw anong ginagawa mo sa plaza ng 7pm?" I just stared at him.

"Who asked you to ask that?" I felt my phone vibrating, kaya agad kong kinuha iyon seeing na may mesage ako galing sa mom ko.

Mama: Uwi ka na.

Okay :You

"I'm going home." I stood up then bid my farewell at him. "Ano nga pangalan mo?" Tanong 'ko sa kanya. He just shrugged, probably imitating what I did earlier. After that umalis na ako.

– – –

Hi! Long time no update hehe. But I am back! c:
Comment your thoughts mga bruh !!1!

Tragedy between You & Meحيث تعيش القصص. اكتشف الآن