˗ˏˋ 4 ˎˊ-

509 4 0
                                    


guilt & chill

Kinabukasan nanatiling normal ang araw 'ko, pasok sa school at uwi sa bahay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatawagan o kinakamusta man lang ni Mommy. Si daddy naman...wala rin.

Ngayon, gumagawa ako ng mga assignments, from school of course. Pasulyap-sulyap ako sa cellphone 'ko, Sabi kasi ni Andy lumabas kami ngayon.

Never kaming lumabas ng gabi, Ayaw niya kasi ng ganoon masyado kasing conservative yon eh. Not that I'm complaining, nagulat talaga ako noong inaya niya ako. Maybe he wants to try new things.

Noong natapos 'ko na ang assignment 'ko, agad akong nagayos. I don't know what to wear because hindi niya naman sinabi kung saan kami, but I chose a plain black dress.

Hindi ako naglagay ng make up or what, hindi naman talaga kasi ako sanay gumamit at magsuot ng ganon. I feel like, I look like a clown pag gumamit ako 'nun.

Lumabas ako at nakasalubong si Tita Connie.

"Oh, saan ang lakad mo?" Tanong niya.

"Lalabas lang po kami ng boyfriend 'ko." Sagot 'ko

Nag-ngiting aso siya at sinimulang siko-sikohin ako yung tipong nang-aasar.

"Ikaw ha, hindi mo nasabi sa akin na may boyfriend ka na."

"Nako, akala 'ko po alam niyo na lalo't malapit kayo kay mommy. Kung gusto niyo po, pagdating niya mamaya bago kami umalis ipapakilala 'ko siya sa inyo." Sabi 'ko sabay ngiti.

"Next time nalang iha, matutulog narin kasi ako. Mas maganda kung ayain mo nalang siya mag-dinner dito sa atin." Paalis na sana siya kaso may naalala siya. "Tumawag nga pala ang mommy mo kanina sa akin at sinabing kung lalabas ka ay hanggang alas-otso ka lang. Naramdaman siguro na may lakad ka. O sige na ingat!" Sabi niya sabay pasok sa kanyang kwarto.

Umupo ako sa sofa at nanood muna sa tv. Ngunit nakailang minuto na ako ng papanood, hindi man lang nagpaparamdam si Andy. Tiningnan 'ko ang cellphone ko at nag decide na tawagan siya. Hindi siya sumagot.

Tumingin ako sa relo at nakitang alas- siyete na pala. Nawindang ako nang marinig 'kong tumunog ang phone 'ko. Agad 'ko yung kinuha at binasa kung sino ang nag text.

Andy : Mika, I'm sorry di na ako makakasipot kasi may emergency.

Sinagot 'ko siya ng 'okay' kahit hindi naman okay. Syempre! Sino ba namang hindi maiinis kung hindi ka sipotin ng boyfriend mo sa date niyong siya mismo ang nag-aya. Lalo akong nainis ng sumagot siya.

Andy : Thanks for understanding :)

"Thanks for understang mo iyang mukha mo." Bulong 'ko sa aking sarili at umakyat pabalik sa kwarto 'ko.

Nagpalit agad ako ng pantulog at nanood nalang sa youtube ng kung ano-ano, trying to drift myself to sleep.

---

Tanghali akong nagising kinabukasan dahil Sabado naman. Habang nag to-toothbrush ako naalala 'ko ang pag-Indian sa akin ni Andrew kahapon.

"Ah. Nakakabwisit talaga." Nagmumog na ako at lumabas para kumain kasabay ang mga pinsan 'ko at si Tita Connie.

"Good Morning Miks." Sabi ni Ed. Isa sa mga anak ni Tita Connie, may ate pa siya kaso nasa ibang bansa dahil sa trabaho.

Tragedy between You & MeWhere stories live. Discover now