˗ˏˋ 8 ˎˊ˗

366 3 2
                                    


pagod

—*—

Nalipasan ng tulog ko ang ilang oras kaya pag gising ko halos uwian na. Bago ako umuwi tinanong pa ako ng nurse kung ayos na daw ba ako.

Sinabi niya rin sa akin na ilang oras naghintay sa labas si Andrew,

Ano yun nag cutting siya?

Dahil ka-close ko naman ang nurse sa clinic na ikwento ko tuloy sa kanya kung ano talaga ang nangyari. Sa totoo lang maari akong maparusahan ng detention sa over staying sa clinic pero hindi ako sinumbong ng nurse.

"Grabe naman pala si Andrew kung ganoon! Ano yon daladalawa kayo ng bestfriend mo? Sabay?! Aba hindi naman ata tama yon!"

Nanatili akong tahimik, kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya

"Mas mabuting kausapin mo sila hija, lalo't mukhang ikaw ang pinaglalaruan dito." Dugtong nito.

Paglabas ko ng clinic nakita ko si Aly, nakasandal sa pader tila ba kanina pa siya don.

"So, Alam mo na pala?" Tanong niya, she even smirked at me.

Wow, so this is the real Aly.

"Na ano? na manloloko at mangaagaw ka?" Isang sampal ang sumalubong sa mukha ko

"Ikaw ang mangaagaw!"

Tiningnan ko siya na para bang nahihibang na siya. Bakit ako?

"You were engaged to my boyfriend for pete's sake! And mind you without me even knowing!" I let out a heavy breath,

"Anong klaseng kaibigan ka?" I spat

"Alam mo noon palang na may gusto ako kay Andrew! Pero anong ginawa mo? Noong nalaman mong gusto ka ni Andrew you literally forgot my feelings towards him!"

Remembering, Aly did had a crush on Andrew back in 6th grade. Pero hindi ko alam na ganoon siya ka seryoso na hanggang ngayon gusto pa rin niya ito.

"I d-didn't know you were serious about it, Aly." I said in a low voice. I felt wrong kasi parang ako pa yung dahilan kung bakit nangyayari lahat ng ito ngayon.

"Ikaw rin ang dahilan kung bakit hindi kami maging close sa isa't isa! Kasalanan mo ito lahat, everything was perfectly planned by our parents from our wedding down to our future family!"

Nagsimula ng mamuo ang mga luha sa aking mga mata, hindi ko manlang kaya na pigilan ang mga ito dahil pakiramdam ko, dapat ay tanggapin ko lahat ng ibinabato niya sa akin.

All this time it was my fault.

I was too happy to even notice it.

"I-I'm sorry, hindi ko a-alam." I said in a very low voice, as tears slowly ran down to my cheeks.

"Guess what, Mikaela? Sa dulo pala, sa akin rin siya mapupunta. He is mine now, so back off." With that iniwan niya na ako. I was left there all alone again.

Napaupo ako sa sobrang sikip ng dibdib ko. Halo-halong guilt, pagkadismaya, galit, at sakit ang nararamdaman ko.

I expected Aly to be the one who'll say sorry, na hindi niya napigilan but instead ako pa ang nagsabi nito.

Tragedy between You & MeWhere stories live. Discover now