CHAPTER FIFTY-THREE

Start from the beginning
                                    

"Naku. Kakagigil!"

Hindi ko namalayan na kasunod ko na pala si Julia. Dala niya ang batyang may tubig.

Nang ilapag niya ang batya sa sahig ay tumingin at ngumiti siya sakin. "Salamat Sthep."

"Wag kang magpasalamat sakin. Ginagawa ko 'to para kay Kathy, para sa KAIBIGAN ko." Mataray kong sagot.

Pinahiran ni Mang Gusting ang noo ni Damon ng langis. Pagkatapos noon ay lumuhod siya sa harapan ng batyang may tubig. Sinindihan niya ang kandila at itinapat iyon roon. Taimtim siyang nagdasal habang nakapikit.

Nang dumilat siya at nang tignan niya ang batya ay bigla siyang nagsign of the cross. "Susmaryosep!" Bulalas niya. Napahalik rin siya sa kwintas na suot-suot niya.

Lumapit ako upang malaman kung ano ang nakita niya.

"Ayos lang ba kayo Mang Gusting? Ano ang may gawa sa kaibigan ko nito?"

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. "Hindi ano ang may gawa kundi ano ang kaibigan mo."

"Ano ho? Mahina ho ang utak ko sa mga ganyan. Mas maigi ho kung sasabihin niyo ng diretso sa akin Manong." Sabay kamot ko sa ulo.

"H-Hindi siya tao."

"Mang Gusting. Hindi ko ba nasabi sa'yo kanina?"

Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. "A-Alam mo iha?"

Tipid akong ngumiti saka tumango. "Pero tao na po siya, Mang Gusting. Bumalik na po ang pagiging tao niya dahil sa kaibigan kong isa ring nuknukan ng martyr at tanga."

"Hindi. Hindi siya tao."

"Paano niyo po nasabi?" Sabat naman ni Julia.

Ipinatong ni Mang Gusting ang noo ng natutulog na si Damon. Saka ito muling pumikit.

Halos sabay kaming napaatras ni Julia ng biglang mangisay si Damon. Animo'y milyun-milyong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan niya.

Nakita ko kung paano mapaluha si Julia. Marahil sa takot na rin nito at pagaalala kay Damon.

Nang tumigil ang pangingisay nito ay siya namang talsik ni Mang Gusting sa isang sulok.

Nabasag ang basong may itlog. Kumalat iyon sa sahig. At napaawang ang bibig ko nang maghugis apoy iyon. Parang isang dagat ng lumiliyab na apoy.

Tumakbo ako palapit kay Mang Gusting upang tulungan siyang makatayo. Samantalang tumakbo naman si Julia kay Damon.

"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko.

Ngunit sa halip na sagutin ang tanong ko ay nanginginig ang mga kamay ni Mang Gusting na itinuro si Damon.

"B-Bakit ho?"

"Anak siya ng demonyo! Isa siyang demonyo!" Hiyaw nito.

"Pero tao na nga ho siya." Pagpupumilit ko pa rin sa matanda.

"Sa isang gabi, kabilugan ng buwan. Pagsapit ng alas tres ng madaling araw. Magaganap ang digmaan ng langit at lupa. May magsasakripisyo. May mamamatay!"

"Si Kathy ... ibig sabihin ... buhay pa ang kaibigan ko!"

Bumangon si Damon mula sa pagkakahiga nito na parang walang nangyari.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong sa kanya ni Julia habang nakaluhod ito sa harapan ni Damon.

Hindi nito pinansin ang tanong ni Julia. "Alas tres ng madaling araw?"

"Alam kong hindi mo kagustuhan ang kapalaran na ibinigay sa iyo. At alam kong gagawin mo ang lahat, mabago lamang iyon." Sagot naman ni Mang Gusting.

"Hindi ko alam kung kaya ko. Pero gagawin ko para matapos na ang lahat ng 'to."

Hinubad ni Mang Gusting ang kwintas niyang suot. At kahit hirap ang matanda ay lumapit ito kay Damon. Saka nito iniabot iyon sa huli.

"Magtagumpay ka sana. Dahil hindi biro ang kumampi sa mabuti kung isa ka sa mga masasama."

Yumuko si Damon. "Serva me et te servabo."

Mahina iyon pero sapat na para marinig ko. Kaya lang di ko naintindihan. Sa english nga hirap ako. Yun pa kayang mga salitang iyon na maski ata sa diksyunaryo, wala.

"Damon?" Tawag ni Julia sa pangalan nito.

Bigla itong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong nakita ni Julia kay Damon dahil bigla na lamang siya umatras at napaupo sa sahig.

Muli namang bumagsak si Damon sa sofa at nawalan ulit ito ng malay.

"Ut benedicat tibi Dominus et custodiat te." Ani Mang Gusting habang binabasbasan si Damon sa pamamagitan ng pagsasign of the cross nito.

Hindi ko magets ang mga nangyayari. Isang albularyong nagsasalita ng salita ni Damon. Sana talaga nagkaintindihan sila.

"Aalis na ako." Paalam ni Mang Gusting.

"Samahan ko na po kayo palabas ng bahay nila." Sabi ko naman.

Tumango ito.

Pero bago pa man kami lumakad palabas ng sala ay nilingon ni Mang Gusting si Julia.

"Ituloy niyo ang seremonya. Pakasalan mo ang anak ng demonyo. Dahil yun lang ang paraan para mailigtas mo ang sarili mo." Anito.

Hindi naman nagsalita si Julia. Ngumiti lang ito sa matanda. Hindi ko alam ang tungkol sa kasal. Wala akong alam sa mga nangyayari. Pero kung ano man ang binabalak nila Damon, may tiwala ako. At magtitiwala ako, para sa kaibigan ko.

"Madilim na po Mang Gusting. Bukas na lang po kaya kayo umuwi?" Sabi ko sa matanda.

"Kaya ko ang sarili ko. Kayo ang dapat mag-ingat. Dahil hindi titigil ang kampon ng kasamaan hanggang hindi nito nakukuha ang ibig nito."

"Totoo po pala, ang galing ninyo!"

Ngumiti si Mang Gusting sakin. "Siya nga pala, may kanina pa pabulung-bulong sa akin. Ibigay ko raw sa iyo ito. Sana'y maalala mo raw siya."

May dinukot si Mang Gusting mula sa kanyang bulsa. Nang ilabas iangat niya ang kanyang kamay mula rito ay bumungad sa akin ang isang kwintas na gawa sa pwet ng baso.

Aba. Imposible naman na magkaroon si Mang Gusting ng kristal na kwintas.

"Heto." Iniabot niya sa akin.

Pinagmasdan ko iyon sa kamay ko. Hindi ko napigilang hindi mapangiti ng makita ko ang pangalan na nakaukit sa pendant nito.

Kurt...

"Mang Gusting, salamat --" Natigilan ako ng nawala na lamang ang matanda na parang bula. "S-Saan nagpunta yon?"

Nilibot ko ng tingin ang paligid. Ni anino ni Mang Gusting, di ko na nakita. "Mang Gusting! Salamat po sa kwintas na 'to! Pakisabi po sa nagbigay, hinding-hindi ko siya malilimutan!!!"

Pagkasabi ko noon ay bigla kong nasapo ang nakaawang kong bibig. "OMG! Paanong -- kwintas -- Kurt -- Mang Gusting?????"

Agad akong pumasok sa loob saka ko isinarado ang pinto. Tumakbo ako pabalik sa sala.

"Anong nangyari sa'yo???" Tanong ni Julia.

"Si Mang Gusting ...." Humahangos kong sabi habang nakaturo sa may pintuan.

"Ano si Mang Gusting? Naihatid mo ba siya sa sakayan?"

Hindi ko pa rin maaawat ang sarili ko sa paghangos. "Yun na nga ... si Mang Gusting ... nawala siya."

"Ano?! Anong nawala?!"

"Hindi siya nawala na nawala! Nawala siya. Magic! Abracadabra! Ganon!" Sabi ko habang hawak hawak kwintas sa dibdib ko.

"Alam mo Sthep, masyado ka lang nadala sa mga nakita at narinig mo. Kumain na lang tayo saka tayo magpahinga."

Iniwan ako ni Julia na humahangos pa rin sa sala. Kung anomang uri ng tao si Mang Gusting o multo o kung anu pa man. Lihim akong nagpapasalamat. Hindi lang dahil sa pinagaling niya si Damon kundi dahil sa pagbibigay niya akin ng kwintas na ito.

"Kurt, sana magkasama ulit tayo." Bulong ko sa hangin. "Pero sana sa langit ha? Please?"

The Devil's SonWhere stories live. Discover now