Shoot 30 "Meeting you"

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ako natatakot, it just... Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in ang mga kaganapan. Ang hirap pa rin maniwala na si Mateo at si Darkshadow ay iisa. At isa pa, kinakabahan din ako ngayon dahil kasama ko ang crush ko.

Bumuntong hininga, act normal, Dani. "Huwag na lang wine. I think, Mr. Tiu is a corporate type of person at mas gusto niya yung mga bagay na nagagamit niya. What about a necktie?" tanong ko sa kanya. Kasi mukhang mayaman si Mr. Tiu, okay din naman na ipanregalo ang wine kaso ay mas praktikal kung necktie na lang ang ireregalo ko.

"If that's my queen's wish, iyon ang gagawin natin." Sabi niya. Hearing the word 'queen' personally makes me blushed. Nung una ay nako-corny-han talaga ako doon pero nung nanggaling na sa kanya... I like to be called queen more often.

Nagpunta kaming dalawa sa department store para maghanap na mabibili na tie. Mas pinili ko ang kulay dark red na tie dahil mas elegante itong tingnan sa mata. "Hati tayo sa bay--"

"No. Ako ang magbabayad, ang pangit sa lalaki kung pagbabayarin ko rin ang babaeng kasama ko." Ngumiti siya at kinuha ang credit card sa kanyang wallet. Yes, parang nakikita ko nga sa kanya si Darkshadow... Parehas silang unpredictable, puno silang surprises na dalawa.

palabas na kami ng mall nung magpaalam sa akin si Mateo na magsi-CR lang siya, nag-CR na rin ako dahil medyo matagal ang biyahe.

Pagkalabas ko sa cubicle ay agd kong tiningnan ang aking repleksyon sa malaking salamin. "Maayos ba ang hitsura ko? Shit, bakit ba ngayon ako nagkaroon na malaking tigyawat sa gilid ng mata?" Reklamo ko.

Lumabas na ako ng CR at naghihintay sa akin si Mateo. "Let's go?" Tanong niya at tumango ako. Kailan pa ako naging ganito kahinhin? Ngayon Lang.

Instead na mag-train or jeep kami papunta sa University Tower ay nag-taxi kami para raw less hassle sabi ni Mateo.

Habang nasa taxi kami ay doon ko naisipan na kausapin si Mateo. "Ang galing mo dahil nama-manage mo ang pagiging gamer mo, academics mo, at pagiging varsity mo. Ang hirap gawin no'n at the same time."

Nagbukas siya ng isang tsitsirya at inalok ako. "Bakit nga pala Darkshadow ang avatar name mo sa SWO?" Tanong ko sa kanya.

Saglit siyang kumain nung chips. "'Coz Darkshadow is my alter ego. He has a dark personality na kinaiinisan ng lahat. Malayo kay Mateo." Sabi niya. Parang unti-unti ay hindi ko na nakikita si Darkshadow kay Mateo. Tama siya, magkaibang-magkaiba silang dalawa.

Nagpatuloy kaming dalawa sa kwentuhan. "May dumi ka sa gili ng labi mo," Sabi ni Mateo, kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang labi ko.

"Mayroon pa?" Tanong ko sa kanya. Napatawa siya at napailing. Kinuha niya ang panyo sa aking kamay at siya ang nagpunas ng aking labi.

May babae bang aayawan ang isang tulad ni Mateo? Para sa akin ay siya ang batayan ng pagiging maginoo. Siya na ang pinaka-gentleman na lalaki na nakilala ko bukod kay papa.

Pagkarating namin sa Malate ay napatingin agad ako sa mataas na building ng University Tower. Pangmalakasan pala ang lugar kung saan nag-i-stay si Mr. Tiu.

 Tiu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon