Tumabi sa akin si Julia. “Hmmmm. Mukhang nagjejelly na si Yen ah.” sabi niya sa akin.

“Alam mo?!” pagtataka ko.

“Nagets ko na yung plano ni Neil. Alam ko namang si Yen talaga mahal nun eh, kaya imposible yung sinasabi niya na girlfriend niya si Akiko.” tumawang konti si Julia.

“Tingin mo, effective ba yung ginagawa ni Neil?” I asked her.

“I think so. Obvious sa ikinikilos ni Yen na nagseselos na siya.” sabi niya. “Sige DJ, puntahan ko na muna sina Mommy, tutulungan ko lang silang mag-unpack. Kita na lang tayo mamaya sa party.”

“Sige.”

Pinuntahan ko si Jasmine sa room niya, kumakatok ako pero walang sumasagot, baka nakatulog. Pabayaan ko na lang muna siya, pagod din siguro sa byahe.

Pumunta na lang ako sa tabing-dagat. Saktong-sakto, sunset na. Habang pinapanood ko ang paglubog ng araw, naalala ko si Kath. Dati, sabay kasi kaming nanonood ng sunset. Kamusta na kaya siya ngayon? Alam kong sabi niya na masaya na siya. Kailan ko kaya ulit siya makikita? Sana naman sa pagkikita ulit namin, maging magkaibigan man lang ulit kami.

Kathryn’s POV

“Chandria, eto na yung gown na isusuot mo bukas sa kasal ni Julia. Buti na lang ganun pa rin ang size ng katawan mo, hindi nagbago.” sabi ni Mom.

“Paano na po yung maid of honor talaga ni Julia kung ako na yung papalit sa pwesto na yun?” tanong ko.

“Wala naman talagang inassign si Julia sa Maid of Honor. Gusto niya talaga na ikaw yun kaya lang hindi siya sigurado kung makakarating ka nga, kaya wala na lang siyang ginawang Maid of Honor.”

“Si Bes talaga!” napangiti ako kasi ako talaga ang gusto ni Julia na mag-assist sa kanya. I’m sure masusurprise siya.

“Pupunta ka ba mamaya sa pool party? Magpapakita ka na ba sa kanila?” Mom.

“Yeah, punta po ako. I think it’s time na harapin ko na ulit silang lahat.”

“Sasabay ka ba sa amin ni Franco?”

“Ay mom, hindi na. Hihintayin ko pa kasi si Sam. May binili lang kasi siya sa bayan.”

“Sige, sumunod na lang kayo ni Samuel. Mag-ingat kayo.” lumabas na si Mom ng room ko.

Sobrang saya ko talaga. After two years, I’m now back. Andito na ko ngayon sa beach resort kung saan ikakasal si Bes. Syempre, mamimiss ko ba naman ang pinakaimportanteng araw sa buhay niya? Makikita ko na rin ang mga kaibigan ko. Alam ko naman kung ano ang mga nangyayari sa kanila dahil nakukwento sa akin ni Mom lahat. Pero ano kayang mangyayari kapag nagkita na kami ni DJ? Galit kaya siya or nagtatampo sa akin? Kasi ako matagal ko na siyang napatawad sa kung ano man ang nagawa niya noon. I just hope maging magkaibigan man lang ulit kami.

In A SnapWhere stories live. Discover now