Nagkunwari nalang ako na walang narinig.

"Oo nga pala, welcoming day ngayon." Biglang naalala ni Hazel.

We all forget about it kaya naghihintay kami sa professor namin na hindi naman darating.

Our school held 2 days for welcoming freshmen then Sunday is the party.

And we all love it.

"So anong plan natin?" Tanong ko naman.

"Tara punta tayo sa food stalls " Pag-aaya ni Julie samin.

Hazel's eyes roll at me. "You and your food Julie."

Pero pumunta parin kami sa Food stalls ng mga students. Iba iba ang tinda nila, may mga fishballs, korean food, mga sweets and iba pa.

"Cake!" Nakita ko si Flynn kumaway kaway sya sakin. He is one the participants in food stall. "Tara!"

At lumapit naman kami sa stall nila.

Korean street food ang binebenta nila.

"May fish cake oh." Sabi Julie pagkakita sa mga pagkain. "Dalawa nga."

"Grabe ka dalawa agad." Natatawang sabi ni Hazel.

"Lakampake." Sagot ni Julie.

At lumapit sakin si Flynn na hawak na styro ng  pagkain. "Baka gusto mo itry? Free for you."

"Hoy Flynn, ikaw magbayad nyan ha." Reklamo ng kasama nya sa stall.

"I'll pay.'" Sabi ko then look at Flynn. "Business is business Flynn."

Kakamot kamot naman sya sa ulo. "Ah yes."

At kinuha ko ang pagkain na inooffer nya sakin. "How much?"

"120 Cake." Ang kasama nya na ang sumagot sakin.

Kumuha ako ng pera sa wallet at inabot sa kanya.

"Galit ka pa ba?" Tanong sakin ni Flynn.

Hindi naman ako pala tanim ng galit.

"Just stop bothering me and move on." Straight to the point ko na sabi. Again, I'll make it clear that I'm not interested to him.

Bumasak ang mga balikat nya. "Cake.."

"I can only give you my friendship Flynn, at hindi kita papaasahin. Ilang beses ko na tong sinabi sayo diba? I'm so honest with you."

Tahimik lang syang tumango. "I understand."

Ilang beses ko narin yan narinig sa kanya.

"Oy Cake, may archery competition sa Stadium." Hazel interrupted us, which I'm so grateful. I can't stand the heartbreak in Flynn's face. But things has to be done. "Tara, nuod tayo!"

Then I remember Blare .

"Oh gosh." Nanlaki ang mata ko. "Iniimbita nga pala tayo ni Blare sa archery! Kasali sya don."

Hinatak ni Hazel si julie na busy sa pagkain. "Ay ano ba!"

"Let's go!" Sigaw ni Hazel.

At nagmamadali kaming pumunta sa napalaking stadium ng school namin.

Maraming tao ang nanunuod.

"Kasali si Ma'am?" Narinig ko na buling bulungan ng mga schoolmates ko.

"Oo kaya ang daming nanuod."

Sino kaya ang tinutukoy nila?

Kumaway samin si Kodak. The same bartender nong nag bar kami — grabe ang pagpilantik ng mga daliri nya.

Moon Lovers ( Lesbian )Where stories live. Discover now