CHAPTER TWO

22 2 0
                                    


#ILYFTSChapterTwo

************************

Pagkatapos akong mapagalitan sa math subject namin ay parang ayoko nang pumasok pa ulit. Dumeretso nalang akong canteen total marerecess naman mamaya. Tanging wallet lang ang laman ng bulsa ko.

Nasa canteen na ako ngayon nakaramdam na rin ako ng gutom dahil nga stress sa math. Hindi ko alam kung bakit ang bobo ko talaga doon sa subject na yun pero never pa akong binagsak. Pasado ang first and second quarter ko pero mababa parin.

Umorder nalang ako ng makakain imbes na bumalik pa roon sa classroom namin. Spaghetti and hawaiian pizza ang kinuha ko tsaka humanap ng pwesto. Hanggang sa nakita ko na sila Kielle papasok ng canteen. Kinawayan ko sila at agad naman nila akong nakita. Hindi ako palakaibigan sa ibang year level sila lang ata yung mga kaclose ko maliban sa friends ko sa room. Agad namang umupo sila Arman, Gaddie, Judeis at Kielle naman ang seryosong nakatingin sakin.

"Bakit ang sama mong makatingin sakin?" Sabay kagat ng pizza ko. Infairnes ang aga ring natapos ng klase nila actually may 20 minutes pa bago mag recess mambuti nalang at hindi ako mabobored rito.

"Did you skip your class?" Usisa niya ng hindi inaalis ang tingin sakin.

Napahinto ako sa pagkain at hindi ko kayang labanan ang malalamig niyang mga tingin sakin. Para akong malulusaw ng hindi ko alam. Tinignan ko naman ang mga kasama niya at ganun rin sila mga at binibigyan ako ng tinging nagtatanong.

"H-hindi ah." Depensa ko.

"Then why are you so early for recess?" Pang iinteroga nito at ipinatong ang dalawang siko sa mesa.

"E-eh?" Napakamot naman ako sa ulo ko hindi ko alam kung paano ko ba ieexplain sa kanila baka naman pagtawanan nila ako ayoko ng ganun.

Okay, wala na akong magagawa dahil kahit anong rason ko in the end kasalanan ko parin. Knowing them, they treat me as their sister. Pinapagalitan, pinangangaralan, pinapatawa at pinoprotektahan.

"What?" Still he's waiting for my answer but damn I dont know where to start. I sighed!

"Do you have problems with your subjects again?" Gaddie speak and I shooked my head immediately. Tinignan ko si Kielle na salubong ang mga kilay.

"P-pinalabas kasi ako sa M-Math subject." Tanging rason ko. Kahit sa kanila ko lang to sinasabi ay kinakabahan na ako sa magiging reaction nila.

"I knew it!" Matigas na sabi ni Kielle.

"Kasalanan ko naman." Napayuko nalamang ako sa sinabi ko. Pangatlong beses ko na tong lumabas dahil sa halos dumugo na ang utak ko. Hindi ko alam kung kailan ba ako matututo sa asignaturang iyon. Napakahirap para sakin yun kahit anong dikdik ko ng libro sa ulo ko hindi parin umeepekto.

"Order na tayo, dre." Aya ni Gaddie kay Arman para narin mabasag ang tension sa mesa.

"Sama ako, dre." Pahabol naman ni Judeis pero tinanguan nalang sila ni Kielle.

In short kaming dalawa ang naiwan rito. Ako naman ay itinuon ang sarili sa pagkain. Ninamnam ko ang sarap nito dahil sa napakasarap na sauce nito. Mabilis lang rin silang nakabalik at bitbit na ang kanilang pagkain.

"Bakit wala ata si Zach?" Puna ko sa myembero ng grupo nila.

"Alam mo naman yun---broken hearted." Halos pabulong na sabi ni Arman.

"Ah? Talaga matagal naman na silang hiwalay nung ex niya, bat hindi parin nakakamove on?" Natatawa pa ako.

Knowing Zach siya yung pinakaweak sa kanilang limang magkakaibigan pagdating sa pag ibig dahil na rin napakaseryoso niya. Eto namang si Arman, siya yung palabiro sa grupo o masasabi kong nagbibigay aliw sa grupo nila puro kalokohan ang alam. Si Judeis naman, kung saan ang barkada andun siya kumbaga wala siyang sariling panindigan but I like his personality dahil ang loyalidad niya ay laging nasa grupo. While Gaddie, study centered dahil na rin sa honor student siya. Minsan nga siya yung nilalapitan ko kapag nahihirapan ako sa ibang subjects ko. Lastly, Kielle has the most serious awra among the rest. Siya yung tipong nakakatakot sa tingin palang. Masungit at lagi kang pagagalitan kapag hindi niya nagustuhan ang kilos mo. Bigla-bigla nalang niya sisinghalan at lider ng samahan nila.

I LOVE YOU FROM THE START (ON GOING)Where stories live. Discover now