Prolugue
Ang mga illusions natin, malay natin, maging totoo. Just like me!
Nakakita ka na ba ng angel even in your dreams? Ako, oo. Since 5 yrs. old ako. Sabi ni mamita, ang mga angel daw nagiging tao rin. I found out na totoo nga ang sinabi ni mamita sa akin. May lalaki akong nakita na gwapo at super bait. Pinatuloy ko muna sya sa bahay ko but..
past few weeks, nafa-fall na ako sa kanya, tanong ko lang, hindi kaya, sya na ang destiny ko?
Chapter 1:Amethyst
When I was 5 yrs. old, kinukwentuhan ako ni mamita tungkol sa angels. Sabi nya, paminsan ang mga Guardian angels ng mga tao, napupusuan ang kanilang mga inaalagaan. Kaya daw paminsan nagrerequest daw sila kay God na kung pwede daw silang maging tao. Sabi rin ni mamita, ang ibang angels, naging tao daw kaso, within 100 days, kailangan na daw nilang umalis. Kaya, paminsan daw, ang mga buntis na babae, pinaglilihi nila sa anghel.
"Mamita, may kamukha po ba akong angel?"
"Sure little Amy. Ang mommy mo, since 4 yrs. old, mahilig na sya sa angels kaya, pinaglihi ka sa kanila." Sometimes, naisip ko, ba't ako naging bad girl kung pinaglihi ako sa angel?
"Eh, mamita, bakit po wala akong wings?" tinanong ko, syempre bata pa ako eh. 5 yrs. old ako.
"Ang importante, your attitude is an angel. And your face is like an angel. Okay, tulog ka na, papasok ka pa bukas. Good night little Amy."
"Good night, mamita!" Natulog na ako that time.
10 hrs ago, in my dreams, nakakita ako ng isang little boy na may wings, maliwanag! Namumukhaan ko sya, para syang isang angel. May hàlo. Angel nga! Nakatayo lang sya tapos nakasmile. Aw, tapos bigla na akong nagising. Ang cute nya! Ang gwapo ^_^. Dali-dali akong pumunta sa kwarto nina mamita. Ginising ko sila, sabi ko "Mamita, I've seen an angel... in my dreams po!" Tuwang tuwa ako noong sinabi ko yon. "Really? Aw, it means, he's right beside you.","It means po ba mamita, he's guiding me?" nang sinabi ni mamita na "Oo", natuwa ako. Aww, may care rin pala ang guardian angel ko.
Pagkauwi ko rin galing sa school, sa kwarto ko, may nakita akong bata. Kamukha ni guardian angel. "Kamusta!" sinabi nya sa akin, "Hello, sino ka? Ako nga pala si Amy." Hindi sya nagsalita, sabi lang nya "Galing ako sa langit. Natutuwa akong makilala ka, sige, aalis na ako. Paalam!","Ba-bye!" ang cute nya talaga, "Little Amy, sinong kausap mo?" paano ko sasabihin? "Aa-um, mamita, ito pong barbie ko." sinabi ko na lang.
Fast forward to present, after 16 years, hindi ko talaga malilimutan ang Angel ko. "Amy, samahan mo ako sa library!" Si Leighne. Bestfriend ko since grade 1. This year, 3rd year HS na ako. "Wait lang, Leighne, tatapusin ko lang 'tong icING!!" SHIT! Natapon yung Icing sa damit ni Therizza. Haha! Buti nga sa kanya! "Arggghh! How dare you! Bulag ka ba? Skater ka nga, ulaga naman!" biruin mo! Sinabihan ako nang ganun?! Palibhasa mid na sikat, eh ako? kasama sa top 5 na sikat sa Laurel National Academy
Chapter 2: Amethyst
"Sarrey? hmm? Sarrey! Palibhasa Middle lang!" Binulong ka sabay irap
"Wow! How dare you to say that STUPID thing to me?!","Wow! Big word!! Alam mo kasi, inggit ka lang! Ako, top 2 sa mga sikat, eh ikaw? mid lang! Har har!" sabay tawa ko, by the way, I'm Amethyst Galore Houston. Ang totoo, Half american at half Filipino ako. Ang Amethyst, hango sa favorite color ni mommy at Galore, sa sikat na pusa sa cats and dogs. Kamag-anak namin si whitney houston. Si daddy, namatay dahil may heart disease sya, si mommy, namatay dahil may holdapan sa bank when I was 13 yrs. old. Mag-isa lang ako sa bahay na nilipatan ko, lumipat ako noong pagkatapos ng libing ni mommy para malapit na rin kina mamita. naging bad girl ako dahil sa pagkawala nina mommy at daddy. Sad life. Back to popular war. "Atleast, heartrob naman. Balita ko, ulila ka na. Walang magulang for short." nairita ako sa kanya
