Shoot 29 "Going... or not?"

Start from the beginning
                                    

"Aalis talaga ko, ang pangit ng pagmumukha mo. Ang lakas maka-badtrip." Sabi niya at naglakad na paalis.

Napatingin ako kay Sophia. "Sa dami-dami talaga ng pwedeng hatakin na lalaki talagang si Raydin pa talaga? At anong date? It's just a dinner with Mr. Tiu." Alam naman niya na kaaway ko iyong lalaki na iyon

"Akala ko kasi ay magseselos si Raydin kapag sinabi ko 'yon so he will start to court you. Yung mga katulad sa mga drama, yung kapag may ibang nanliligaw sa girl ay doon lang mari-realize ni boy na mahal niya si girl." Sabi ni Sophia.

"Sa tv lang may ganoon. They are repeatedly using a cinderella complex type of stories. They are just giving a false--"

Iniharang ni Sophia ang kanyang kamay sa aking bibig. "Okay, enough with your scientific explanation dahil hindi naman tumalab kay Raydin," sabi niya. "I thought na may gusto si Raydin sa'yo kaya ka niya laging inaasar. Pero mukhang wala, oh well, bilhin na natin 'yan."

"'Di mo ba narinig ang sinabi nung oranggutan na 'yon? Pangit nga raw." Lahat yata ng hayop sa zoo ay maikukumpara ko sa pagmumukha ni Raydin, oo! Ganoon kapangit ang animal na 'yon.

"No you're pretty. Bibilhin natin 'yan." Sophia declared, she hold my wrist at hinatak na ako pabalik sa Fitting room upang mahubad ito.

Pagod akong nakauwi sa bahay dahil sa paglalakad namin ni Sophia, ang hirap niyang kasama na mag-shopping. Lahat yata ng stall ay napasukan namin. Samantalang ako kapag magmo-mall ay bibilihin ko lang yung bibilhin ko then uwi na. Tapos na.

Pagka-online ko ay saglit akong pumatay ng ilang monsters kaso ay medyo mataas na rin ang level ko kung kaya't ang hirap lang magpa-level lalo na kapag mag-isa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagka-online ko ay saglit akong pumatay ng ilang monsters kaso ay medyo mataas na rin ang level ko kung kaya't ang hirap lang magpa-level lalo na kapag mag-isa.

Bumalik na lang ako sa BWU at pumasok na lang sa clubroom para tumambay. Eto ang kainaman kapag tinatamad ako, may lugar akong matatambayan dahil sobrang relaxing ng atmosphere dito sa clubroom.

"Alam mo kung gaano ako kaastig?" Sigaw ni Thatjerk habang nagpapayabangan sila nina BrokenNote at ni SamuraiHeart. "Kaya kong uminom ng kape... Nang walang asukal."

Sumigaw ang mga lalaking nagkukumpulan na manghang-mangha sa sinabi ni Thatjerk habang ako ay napailing-iling sa kagaguhan nila.

"Wala ka! Mas astig ako!" Sigaw ni BrokenNote. "Kaya kong humigop ng sabaw... Gamit ang tinidor!"

The boys shouted once again. "Astig 'to!"

"Ikaw, Majesty!" Nakita na nila ako kung kaya't napalingon sila sa akin. "Gaano ka kaastig!" They all run towards my direction.

Ayokong masabihan na KJ kung kaya't sinakyan ko ang kagaguhan nila. "Kaya kong buksan ang isang garapon... Na mahigpit na nakasara."

"Ooooh!" They all shouted. "Mas astig si Majesty! She's definitely our queen!"

School War OnlineWhere stories live. Discover now