Shoot 29 "Going... or not?"

Start from the beginning
                                    

"Dani, anong mas maganda?" Tanong ni Sophia habang hawaka ng dress na kulay puti at isang kulay green. Parehas maganda ang dress kung kaya't maging ako ay nahirapan pumili.

Mas pinili ko na lang yung mas maganda sa paningin ko. "The white one. Ang simple pero ang lakas ng dating." Sagot ko sa kanya.

Lumakad s aakin si Sophia at inabot ang puting dress. "Sukat mo."

"Teka bakit ako?"

"Of course we're buying it for you! Huwag ka nang mag-alala sa babayaran. Sagot ko na tutal ako naman ang nag-aya sa iyo to do this." Sabi ni Sophia.

Nahiya ako sa kanya but she is so insisting na isukat ko. Ginawa ko na lang ang kanyang sinabi. "Ang ganda." Sabi ko habang nakatingin sa salamin at pinagmamasdana ng dress.

Lumabas ako ng fitting room at napatingin agad sa akin si Sophia. She slowly clapped her hands. "You're so perfect, Dani!" Sophia amazingly said.

"Huwag mo akong bolahin, I know that I look so weird wearing this stuff," hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na mahilig mag-dress. I just wear them occasionally.

"You look so good! Wait, hahanap tayo ng lalaki and we will get his opinion, ha!" Inilibot ni Sophia ang kanyang mata sa Department store. "Ayon! Raydin! Raydin!"

What?!

Napatingin akobsa direksyon kung saan siya nakatingin at ayon nga si Raydin na namimili ng mga sapatos. "Sophia huwag 'yang lala--" hindi ko na naituloy ang aking sinasabi nung biglang umalis si Sophia.

Lumapit si Sophia kay Raydin at hinatak ito tungo sa aking direksyon. Bakit ba kahit saan ako magpunta ay nandoon ang demonyong ito?

"Are we close para hatakin mo 'ko?" Reklamo ni Raydin at inalis ang pagkakahawak ni Sophia.

"Bagay ba 'to kay Dani? We're choosing a dress because Dani will have a date sa Sunday." Paliwanag ni Sophia. Anong date? It's just an ordinary dinner together with Mr. Tiu.

"Date? May papatol pa pala sa mukhang kokey na 'yan," sabi ni Raydin sa akin.

"Wow naman! Nagsalita ang mukhang pwet ng alien." Reklamo ko at umirap.

"Mukha kang butas nang ilong ng unggoy." Ganti niya.

"Mukha kang unggoy na walang utak!"

"Are you referring to yourself, kasi sa pagkakaalala ko, ako ang nag-champion sa Math competetion and you're just a fifth placer." Masama ko na siyang tinitigan at nakaamba na ang kamay ko na sapakin siya. "Inis ka 'no?" He smirked.

"Okay stop na!" Pumagitna sa amin si Sophia. "Kapag nagkikita kayong dalawa, parang kayo ang magpapasimula ng world war 3 e. So Raydin ano sa tingin mo ang suot na dress ni Dani ngayon?"

Raydin scanned me from head to toe. Nakatingin lang ako sa kanyang mata, may sabihin lang talaga siyang masama, ibubuhol ko siya sa mga damit na makikita ko.

"Mukha kang homohabilis na naging homosapiens. Congrats, patao ka na." Hinubad ko ang suot kong satos at binato sa kanya.

"Alam mo, umalis ka na lang. Wala kang kwenta," sabi ko.

School War OnlineOn viuen les histories. Descobreix ara