Chapter 1

14 0 0
                                        

The Proxy

After the argument I had with my aunt ay dumiretso na akong umuwi sa bahay, I want to confront my parents kung bakit pumayag sila sa kahibangan ni tita.

I was fuming mad while driving my car, 'Oh my God! This is freaking insane.' kung bakit kasi naging kamukha ko pa iyong maxine na iyon eh, at kung bakit ba naman biglang naglayas, ako tuloy ang na perwisyo sa mga kalokohan nila.

Tsaka hello. Ni hindi nga kami close ng pinsan kong iyon. And take note, malayong pinsan. Maxine is my distant cousin from my father's side.

Mayaman ang pamilya nila, they had some businesses here and abroad. I'm not sure kung anong klaseng business ang meron sila but Maxine was the only heiress of their big corporations.

At ngayon lang din umuwi si Maxine dito sa Pilipinas, from what I've heard she graduated from a prestigious university in the US.

She was also a ballerina. Isa siyang sikat na ballerina sa Amerika, I saw some videos online and she looks elegant and classy sa mga routines na ginagawa niya. Though wala naman talaga akong alam sa ganyang klase ng sayaw but I know a thing or two about it.

And I'm not sure kung bakit siya umuwi dito sa Pilipinas na kung sabagay ang ganda na ng buhay niya sa Amerika. Or maybe, pinauwi ni tita dito para ipagkasundo siya sa isang anak ng political tycoon.

Ang alam ko kasi gustong pumasok sa pulitika ni tito at gusto namang mag business venture nung pulitiko na iyon kaya napag isipan nilang ipagkasundo yung mga anak nila.

Anong klaseng utak ba meron sila at ganoon na lang silang mag isip?

And maybe that's one of the reasons why Maxine choose to run away from her home dahil hindi niya rin gusto ang idea na maikasal sa isang taong ni hindi nga niya alam ang itsura.

At dahil doon, ako naman ang pinagbalingan ng atensyon, I don't think they even knew we exist. Silang mga mayayaman hindi sila nakakakilala sa mga kamag anak nilang hindi kasing yaman nila, hindi ko alam kung paano nila nalaman na kamukha ko si Maxine.

Ni hindi nga kami magka edad ni Maxine, I am 2 years older than her. She's  only 26.

Sa tuwing naaalala ko talaga ang mga pinagsasabi sa akin ni tita ay kumukulo ang dugo ko.

Pagkadating ko sa bahay ay hinanap ko kaagad sina mama at papa dahil gusto ko silang kausapin kung bakit sila pumayag sa kabaliwan ni tita Marina?

Nakita ko naman silang nag uusap at nagtatawanan sa garden, 'aba at may gana pa kayong tumatawa tawa pagkatapos niyo akong ipagkanulo ah?' sabi ko sa isip ko sabay irap ko sa hangin.

Nakita naman ako ni papa na papalapit at nakita kong sumenyas siya kay mama na dumating na nga ako.

Magiliw akong nilapitan ni mama at niyakap yakap pa niya ko. Pero hindi ko siya niyakap pabalik kasi naiinis pa rin ako sa kanya, sa kanila ni papa dahil sa pagpayag nila kay tita Marina.

Nang bumitaw si mama sa pagkakayakap niya sa akin, nakita ko siyang tumawa dahil na rin siguro sa itsura kong naka busangot na. Mas lalo tuloy naging masama ang timpla ng mukha ko. Si papa naman ay malakas ding napatawa.

"Anong nakakatawa?" Pagtatanong ko sa kanila nang naka busangot pa rin.

"Iyan, iyang mukha mo anak, ang pangit mo pa naman pag ganyan ang itsura mo." Pang aasar pang lalo ni papa sa akin kaya mas lalo na tuloy hindi ma drawing ang mukha ko sa pagka lukot nito.

"Paano na naman kasi, bakit kasi kayo pumayag sa kabaliwang naiisip ni tita Marina?" Pagtatampo ko sa kanila na parang bata.

"Kaya nga naglayas yung si Maxine kasi ayaw magpakasal sa lalaking di niya kilala tapos sa akin niyo ipapakasal?" Dagdag ko pa sa sinabi ko.

"Kasal agad? Ang advance mong mag isip anak." Sabi naman ni mama.

"Magdi date lang naman muna kayo, ikaw muna ang magpo proxy kay Maxine sa date niyo habang hinahanap pa siya ng mga tauhan ng tita Marina mo." Dagdag niya pa sa sinabi niya.

"Paano pag hindi siya nahanap? Edi ako ang makukulong sa isang kasal na hindi naman talaga ako ang totoong bride to be?" Sunod sunod kong pagtatanong.

"Kaya nga magdi date muna kayo para malaman niyo if compatible kayo sa isa't-isa o hindi, i date mo siya ng dalawa o tatlong beses tapos saka mo siya sabihang hindi mo siya gusto, edi walang magaganap na kasalan, hindi ba?" Sulsol naman ni papa sa sinabi ni mama.

And then, natigilan ako. Oo nga no? Masyado yatang naging advance ang pag-iisip ko. Date pa lang naman pala ang kailangang gawin namin, getting to know each other kumbaga.

Should I give it a try? Dating that guy? I don't know pero iba talaga ang kutob ko sa pina plano ng parents ko. But I shrugged the thought out of my mind.

Sabagay, wala namang mawawala kung pagbibigyan ko silang makipag date ako sa lalaking iyon. At tsaka wala naman sigurong masama kung sakaling papayag ako sa 2 or 3 dates na hinihiling nila.

Pero kailangan ko munang pag isipan ng mabuti ang susunod kong gagawin, hindi ako pwedeng basta basta na lang papayag sa date na ito kasi baka mamaya it's a trap pala na sini set-up ng parents ko.

"Let me think about it first, and then ako na ang magsasabi kay tita Marina sa magiging desisyon ko." Sabi ko kina mama at papa.

I saw papa smirked, but nawala din namang bigla iyon kaya baka guni guni ko lang iyon. Pero iba talaga ang nararamdaman ko eh, kaya ayaw ko munang mag desisyon sa ngayon kasi knowing my parents, palagi silang may nilulutong plano.

Matagal na nilang gusto na mag asawa ako pero hanggang ngayon ay single pa rin ako. At hindi ko na rin tanda kung kailan ang last time na nagkaroon ako ng boyfriend kaya if they're planning something wicked, I need to know what it is so I can get out of it.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Pretend BrideWhere stories live. Discover now